Kabanata VI

4.5K 139 24
                                    

I woke up because of my alarm clock. Ang ingay. I tried to reach it while my eyes are still close at nagtagumpay naman ako. Tumigil ito sa pagtunog nito when I pressed the button.

I can feel that someone is hugging me from behind and it actually feels good. This is the first time I felt comfortable because of its warmth. I faced the person hugging me at niyakap siya paharap. I opened my eyes at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ni Kennedy.

Oh my god! Oo nga pala. Bakit ko ba nakalimutan na dito nga pala siya natulog at magkatabi kami?

I stared at his face at ngayon ko na-realize na sobrang gwapo niya talaga. His thick eyelashes are very long. His pointed nose is so perfect and damn his lips because it's totally red.

I placed my hand into his face at hinawakan ko ang pisngi niya. Ang perfect lang talaga ng mukha niya. I wonder how many girls cried over him? How many girls broke their heart because of him?

"Crane, anak. Gising ka na ba? May pasok ka pa."

Nagising naman ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Mommy sa may labas ng kwarto ko. Umupo ako sa may kama ko at napasabunot ako sa sarili ko.

"G-gising na po ako, Mom! Sa-shower na po ako!" Sigaw ko pabalik.

"Okay. Hurry up. Mauna na ako mag-breakfast, baby."

"Yes po!"

I looked at Kennedy at tulog na tulog pa rin siya. Anong oras ba ang pasok niya? Don't tell me hanggang mamaya siyang tulog diyan.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at tumayo na ako sa may kama. I need to prepare dahil may pasok pa ako. Pumasok na ako sa restroom ko at naligo na.

I still can't believe that Kennedy and I slept together. Ano kayang sasabihin niya sa akin ngayon? Baka batuhin niya ako ng bible verse kapag nagkataon. Pero siya naman mismo ang nagpuntardito e. He was the one who insisted to sleep here. Tinulungan ko lamang siya.

Nang natapos na akong maligo ay inabot ko ang towel at binalot ito sa katawan ko. Lumabas na ako ng CR. Kennedy is still sleeping so it's fine if I'll get dress here. Hindi ko naka-ugaliang magbihis sa loob ng cr. Kumuha ako ng uniform ko sa may closet. I also get my underwear.

Sinoot ko ang panty ko at inalis ko na ang pagkaka balot sa akin ng towel. Isinunod ko ang bra ko at kinakawit ko ang locked nito.

"Aaaahhh! Anong ginagawa mo?! Diyos ko! Ang mga mata ko! Aaahhh! Mama!!!"

Muntik na akong matumba nang marinig ko ang sigaw niya. Bwisit! Baka marinig siya ni Mom. Mabilis akong tumakbo papalapit sakaniya at tinakpan ko ang bibig niya.

"Pwede ba?! Huwag kang maingay. Kapag narinig tayo ng Mom ko patay tayong dalawa."

"Crane, iha. Ikaw ba 'yong sumisigaw? May narinig kaming sigaw."

"Manang, nanonood po ako ng TV!" Sagot ko pabalik.

Pinanlakihan ko ng mata si Kennedy para bawalin siya at huwag gumawa ng ano mang ingay. Inalis ko ang pagkakatakip ko sa may bibig niya.

"B-bakit ka kasi naka ganiyan?!" Tinakpan niya ang mga mata niya para hindi niya makita ang katawan ko.

"Syempre nagbibihis ako. May pasok ako ngayon."

"Uuwi na ako. Ayaw ko mag-stay dito kasama ka. Padagdag ng padagdag ang mga nagiging kasalanan ko! Siguro pinadala ka ni Lucifer sa akin no?"

"Wow ha! Sino kayang nagpunta rito kagabi at nagpumilit na rito matulog?"

Kinuha ko ang uniform ko at sinoot ko na ito.

"Buksan mo na mga mata mo. Nakabihis na ako."

Inalis ko ang towel sa may ulo ko at sinuklayan ang buhok ko. Inisiip ko ngayon kung paano siya makaka labas dito. Lalo na't nandiyan sina Manang Cristy sa baba at ilang mga katulong na kasama namin dito. Baka isumbong ako kay Mommy.

The Innocent ManWhere stories live. Discover now