Teaser

16K 281 22
                                    

Sabi nila matalino ako. Naniniwala naman ako doon.

Naniniwala din ako na ako ang pinaka bukod tanging pinagpala sa balat ng lupa.

Pero hindi ako sigurado kung may balat nga ba ang lupa. Kasi hindi naman siya patatas diba? Basta ang mahalaga, ako'y pinagpala.

Naniniwala din ako na ang isang mabuting tao ay Maka-Diyos, Maka-tao, Maka-bayan at Maka-bansa. At higit sa lahat may 100 na grade sa GMRC at Values.

At kailangan ko pa bang sabihin na ang nag ngangalan na Kennedy ang taong iyon. Ang henyo ko diba? Bukod sa henyo likas na mabuting tao pa. Kaya saan kapa? Kay Kennedy Sarmiento na! Mabuhay Pilipinas! Laban!





Anong gagawin mo kung may isang lalaki'ng tulad niyan ang magkagusto sa iyo?

Iyong tipo ng lalaki na iba kung mag isip.

Iba kung umasta.

Malayo sa normal.

Kakaiba.

Yung feeling mo may sayad siya.

At higit sa lahat, INOSENTE.

May pag asa bang mahalin mo rin siya? O itatakwil mo kasi nga iba siya at ayaw mong mapahiya dahil sakaniya?

The Innocent Man
by darlinreld © 2018

The Innocent ManWhere stories live. Discover now