Kabanata V

3.6K 151 13
                                    

Pagod na pagod na ako sa pagpractice ng sayaw na sasayawin namin sa darating na tournament. I belong to SWU dance group. At kailangan naming magperform next week before magstart ang game.

"I'm tired." Humiga ako sa court dahil parang namamanhid na ang mga binti ko.

"Let's rest for five minutes at pagkatapos non ay isang ulit nalang and you can go home."

I looked at my phone at mukha ni Kennedy ang sumalubong sa akin. I made his photo as my wallpaper. He really looks hot here. Damn his tongue.

"Merry, 8:15 pm na. Hindi ba pwedeng bukas nalang natin ituloy ang practice? It's already late. Kanina pa tayo nagpa-practice e." Reklamo ng isa naming kasama.

Nag-umpisa yata kaming magpractice ng 3:30 pm at hanggang ngayon ay hindi pa kami tapos. Merry is our leader. At in-excuse niya kami sa mga klase namin to have a practice. She's a perfectionist leader kaya kapag may ganitong event at kailangan naming mag-perform ay puspusan talaga kung mag-practice kami.

Umupo ako at inabot ang tumbler ko at uminom ng tubig. Hingal na hingal na ako sa totoo lang. Bwisit na Merry 'to. Parang hindi napapagod. Palibhasa batak sa practice at gym kaya ang taas ng stamina.

"Isa nalang naman. Tapos uwi na tayo. Tara na. Tumayo na kayo riyan."

Binitawan ko ang tumbler ko at pumunta na sa may gitna. God, I wanna go home. Pawis na pawis na ako at basang basa na ng pawis ang t-shirt ko.

Nagsiglapitan na rin ang mga kasama ko and Merry played the music. We danced again at para na akong hihimatayin sa pagod.

"Crane! Move your hips properly!" Sigaw niya sa akin.

Move move ka riyan e kanina pa akong alas tres gumigiling. Inayos ko nalang ang performance ko para hindi niya na ako sitahin.

Nang matapos na ang sayaw namin ay naghiyawan ang mga kasama ko dahil sa wakas ay makaka uwi na kami. I looked at my phone again at quarter to nine na. Wala pa man din si Kuyang driver ngayon at walang magsusundo sa akin. I hope it's not hard to grab a taxi outside.

"Bye, guys! See you tomorrow. We'll start at 5:00 pm."

Nagsilabasan na kami ng gym at wala ng tao sa SWU. Madilim na rin ang ibang parte nito. Sana man lang hindi muna pinatay 'yung mga ilaw. Nakakatakot e. Nang makadating ako sa may gate ay naghintay ako roon ng taxi. Sana talaga may dumaan agad.

"Crane, sabay ka na sa amin?" Aya sa akin ng kasama ko.

"Sige lang."

Pinilit pa nila ako but no. I don't want to. Puro sila mga lalaki at alam kong masasama ang mga ugali ng mga 'yan. Delikado ako kapag sinabayan ko pa sila.

"H-hi, miss."

Napatingin naman ako sa babaeng nasa harapan ko. Ako ba ang kausap niya?

"Are you talking to me?" I asked her.

"Ah, yes. I just wanna ask kung may studyante pa ba riyan sa loob?"

Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko at parang nakita ko na siya somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan. She looks familiar.

"I'm not sure kung meron pa ba. Bakit po?"

"Ah, wala. I'm waiting for my friend. Sabi niya kasi hintayin ko siya rito. Kaso kanina pa ako naghihintay pero hindi naman siya dumating."

"Ah, ganon po ba. Hindi kaya umalis na siya? Gabi na rin po kasi e." Magalang na sabi ko sakaniya.

"Ah, sige. Alis na lang ako. Salamat ah."

Wait! Siya ba si Eliza?! Tinitigan ko ang mukha niya at shete siya nga! Kaya pala pamilyar ang pag mumukha niya sa akin. Si Kennedy ba ang hinihintay niya?

The Innocent ManWhere stories live. Discover now