Kabanata IV

3.7K 154 14
                                    

Buti nalang at nagising si Manang Cristy kagabi nang magtawag ako sa may labas ng gate namin. Siya ang kasama namin sa bahay simula noon pa man. Katuwang siya ni Mom sa pagpapalaki sa akin dahil magisa nalang niya. My Dad died when I was five years old because of an accident. So single parent ang Mom ko. Busy na siya sa company kaya ayaw na ayaw kong nalalaman niya ang mga ginagawa ko dahil ayaw kong bigyan siya ng stress.

I went to the hospital this morning dahil sa nangyari sa akin kagabi. Lintik na 'yan. Todo dasal ako kanina na sana hindi ako napano or what at sana hindi malala ang nakuha ko sa pagkakabagsak ko. Hindi ko na sinabi kay Mommy ang nangyari dahil mag aalala lang 'yon for sure. She went to the company early this morning too dahil hindi pa nila tapos i-solve ang problem sa company namin. I hope everything will be fine.

The doctor talked to me and checked me. Pina x-ray niya rin ako at baka kung napano ang likod ko but good thing ay naipitan lamang ako ng ugat kaya sumakit ito.

After I went to the hospital I decided to go home and take a rest. Kahit gusto kong mamasyal ngayon at mag shopping ay hindi ko muna ginawa dahil sa balakang ko. Iniisip ko ngayon kung paano ko kukuhanin ang cellphone ko. Sapalagay ko ngayong matino na si Kennedy ay wala naman siyang balak na magpakita sa akin at iabot ang bag ko mismo sa bahay namin. Today is Saturday at sa Monday ko pa siya makikita sa SWU.

All of my ids and cards are there including my phone. Baka tumawag si Mommy tapos si Kennedy pa ang makasagot.

"Crane, iha. Si Bella tumawag sa telepono. Gusto ka raw makausap." Tawag sa akin ni Manang Cristy.

Lumapit ako sa may landline namin at itinutok ang telepono sa may tenga ko.

"O bakit ka napatawag?"

"Huy! Nasaan 'yong cellphone mo? Na snatchan ka ba? Nakauwi ka ba nang maayos?"

"Nakakausap mo pa naman ako so I'm fine."

"E nasaan ang cellphone mo? Tumawag ako don at lalaki ang sumagot. Galit na galit."

"Huh? Paanong galit?"

Si Kennedy ba ang sumagot? Nasa kaniya ang bag ko at malamang siya 'yon. Kung siya nga 'yon bakit naman siya galit?

"Sinigawan ako, e hindi pa nga ako nagsasalita. At ang sabi huwag na raw ako tatawag sa number na 'yon at may asawa't anak na raw ang may ari ng cellphone."

"What the fuck? Are you serious?"

Bakit naman niya sasabihin 'yon? Don't tell me lahat nang tumatawag sa akin ay sinisigawan niya?

"Tatawag ba ako kung nagjojoke ako? Sino ba may hawak ng phone mo? His voice was actually familiar."

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Sumasakit ang ulo ko sa sinasabi ni Bella.

"Talagang magiging pamilyar sa'yo ang boses because it's Kennedy. Naiwan ko kagabi sakaniya 'yong sling bag ko. Maybe he was the one who shouted at you."

"Really? Try to call your phone. Dali. Let's see kung sisigawan ka rin niya."

"Okay sige. Hihiram ako ng cellphone sa driver namin. Bye."

"Sige. Bye."

Ibinaba ko ang telepono at mabilis kong hinanap si Manong driver. I went outside of the house and I saw him cleaning the car.

"Kuya." Tawag ko sakaniya.

"Yes, Ma'am? Aalis po ba kayo?"

"Ah, no. Pwede po ba makahiram ng cellphone? May pang call po ba kayo?"

The Innocent ManWhere stories live. Discover now