Kabanata II

6.1K 139 36
                                    

Nagising ako nang masakit ang ulo ko. Hindi na dapat ako sumasama kay Lucia e. Pinapasakit niya lang ulo ko. Napakasama niya talagang ehemplo sa akin pero kaibigan ko siya. At kailangan tanggapin ko kung ano siya mapasama man siya o hindi. Ano bang nangyari kagabi?

"Sir Kennedy, mag breakfast na raw po kayo nila Ma'am at Sir." Sigaw ng katulong namin sa labas ng kwarto ko.

"Opo, Yaya. Wait lang po!" Sigaw ko pabalik. Syempre hindi dapat ako magpatalo.

Mabilis akong tumayo sa higaan ko at naghilamos. Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain dahil masama 'yon. Grasya 'yon at baka magtampo si Lord. Mahirap pa naman kapag si Lord na ang nag tampo.

Lumabas ako ng kwarto ko at mabilis na bumaba at pumunta ng dining room. Naabutan ko sila Mom at Dad na kumakain. Ano ba naman 'to? Bakit hindi nila ako hinintay? Pero baka mamaya ay nagugutom na sila. Baka magkaulcer sila tapos ako pa ang may kasalanan. That's a no no. Hindi kakayanin ng konsensya ko.

"Good morning sa mga mabait at huwaran kong mga magulang kahit hindi niyo na ako nahintay pa para sa agahan!" Bati ko sakanila at hinalikan sila sa mga pisngi.

"Sweet naman ng anak ko. Nauna na kaming kumain dahil male-late na kami sa office."

"Okay lang naman 'yun Mom. Hindi nasusukat ang pagiging mabuting magulang niyo sa pagsabay sa akin sa agahan."

"Mabuti pa kumain ka na at baka malate ka pa sa school."

"1:00 pa naman po ang klase ko,Mom. So hindi ako male-late."

"Anak, tumawag pala ang Kuya mo kagabi. Uuwi raw siya kapag naging Cum Laude ka sa graduation mo."

"Sabihin mo Dad, magbook na siya ng flight. Running for Cum Laude kaya ako. Sa talino kong 'to? Imposibleng hindi ako maging Cum Laude. Baka si Javier ang hindi mag Cum Laude. Cumlandi lang daw siya."

Gabi gabi yata ako nagdarasal at hinihiling sa Panginoong Diyos na maging Cum Laude ako. Mabait talaga ang Diyos at pinagbigyan niya naman ako. Kailangan ko lang i/-maintain ang grades ko hanggang sa matapos ang sem na ito.  Ayaw ko kasing sayangin ang pera ng mga magulang ko. Maraming mga mamamayang Pilipino ang hindi nakakapag aral. Kaya madalas pinag sasabihan ko ang bestfriend ko na puro bulakbol. Kinakabahan ako sakaniya dahil baka hindi siya makagraduate. Sana kaawaan siya ng Diyos.

"Bakit sa graduation pa uuwi si Kuya, Dad? Wala ba siyang pamasahe? Gusto niya ba ako na magbigay ng pamasahe niya? O kahit sunduin ko na siya."

"You know your brother is busy in the US. Siya lang ang nag aasikaso ng business natin doon kaya hindi rin siya maka uwi-uwi."

Meron akong isang kapatid at matanda siya sa akin ng dalawang taon. Doon na siya sa America nakatira dahil siya ang nagma-manage at namamalakad ng business namin doon. Matalino rin naman siya pero syempre mas matalino ako. Mas pinagpala ako kumpara sakaniya.

"Basta anak ang bilin ko sa'yo ha? Mag aaral ng mabuti. Huwag magpapabaya. Pinayagan na kitang mag crush crush at manligaw basta alam mo dapat ang responsibilidad mo."

"Mom, alam ko na 'yan. Ako pa ba? Ako yata si Kennedy Zaki Sarmiento. Ang bukod tanging pinagpala sa lahat. At hinding hindi ko kakalimutan lahat ng habilin niyo. Makakalimutan niyong anak niyo ako pero hindi ko 'yun makakalimutan. Mas pinagpala pa nga ako kaysa sa inyo e."

"Ewan ko sa'yo anak. Kumain ka nalang diyan."

"Sandali lang Mom. Hindi pa ako nagdarasal."

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpa salamat sa Diyos para sa agahan na ito.

"Amen."

"Bait talaga ng anak ko. Mana sa akin." Naka ngiti na sabi ni Mom.

Kumain nalang ako at kailangan ko pang hatiran ng pagkain ang future Misis ko. Baka hindi pa siya kumakain. Kawawa naman siya. Ayaw kong maging malnourished siya.







The Innocent ManWhere stories live. Discover now