11- Random day

105 7 1
                                    

[Roxanne's Pov.]

Days have passed.

And it’s Thursday. Nandito na po ang aking bestfriend. Yeah, akala ko nga bukas pa eh. Andami lang talaga pautot neto.

Actually kagabi pa siya nakauwi, pero ngayon palang kami magkikita.. dito sa school.

Umupo ako pagdating ko sa room, wala pa si Iza, ngayon lang papasok late pa? Pero hindi pa naman, maaga lang talaga ko. Pero may mga nauna pa sakin, gaya nalang ng seatmate ko.

“Wow, early bird.” Bati ko. Kilala niyo naman kung sino.

“Weh. Panget mo.” ?.?

“Kung panget ako, ano ka pa?”

“Pogi. Ay nga pala, nakauwi na daw bestfriend mo ah.” Sabi niya.

“Pano mo nalaman?”

“Sabi ni Halley.”  Ah.. pinsan nga pala niya.

“Ah, sayang nga di nakasama si Halley eh.”

“Oo nga, baka di pinayagan ni tito.”

“K.”

Mananahimik n asana ko at gagawin yung di ko nagawang homework kaya lang eto na siya.. she’s back J

“ASHANAAAAAAAAAAAA!”  hell. Ashana na naman! Tumingin ako sa lumulundag na paparating. Lumapit kaagad siya at niyakap ako.

“OA dre?! Bitiw nga! Kadiri to eh.” Sabi ko.

“Kyaaaaaaaaaa namiss kita!” Hyper much!? Naglapitan din naman yung iba naming classmates. Kinakantyawan siya ng pasalubong. Haha.

“Oh ano Iza! Wag mong sabihing wala akong pasalubong ha! Parang wala tayong pinagsamahan ah!” –Gab.

“Wow! Nakakahiya sa pinagsamahan natin Gab ha! One week lang kaya tayo. Haha.”-Iza.

“Ehem! Ang mag-ex na to nga naman oh!”-Classmate. Yeah. Di ko pa pala nasabing mag ex sila. Ang pinakamakulit sa klase at si Iza.

“Muling ibalik ang tamis ng pag ibig.........” kanta ng mga boys. Hahaha. Si Gab naman, umaacting na nahihiya. Tatawa tawa lang kami ni Iza. No awkward feeling for them, still friends.

May ibinigay si Iza na t-shirts sa mga classmate ko.  Tshirt na may I <3 Florida print. Nakakapagtaka lang, yyung mga pinamigay niya is black, tapos kay Lex lang yung bukod tanging red?

“Nice, yaman talaga! di ka naman gaanong ready niyan noh?” tanong ko.

“Tsk, pinag ipunan ko yan haha.”

“So nasan na yung sakin?”

“AY! Naku sorry bestfriend.. sorry talaga, hindi ko alam kung meron or naiwan ko lang.. Mamaya nalang, lilipat na naman ulit sa dorm diba.”   sa lahat naman ng nilimutan bakit ako pa?=_______=

“Ay Lexus! Eto pa nga pala oh.” Sabay abot ng something kay Lex.

“Tapos siya meron pa!? Yung totoo Elizabeth!? Nakakatampo na yan ah!” sabat ko.

“Ah, pinapabigay yun ni Halley, pabango.”

“Ah.. siguro mabaho siya.” Bulong ko.

“Hoy narinig ko yon!” biglang sabi ni Lex.

“He.he. peace ^___^V”

“Haha. Tama nga si Halley, mukhang bagay kayo! Oh Ashana, *sabay abot ng tshirt din* pwede ba naman kitang kalimutang bigyan. Haha.”

“Thank y—hoy teka, bakit red yung sakin?! Ang daya ha. Mas cool yung black!” reklamo ko.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko. Tumingin ako sa katabi kong mukhnag inosente este criminal.. Ayun hawak pa rin niya ung red na shirt din.

She's a Boyish FreakWhere stories live. Discover now