3- Strawberry Fest (2)

185 7 1
                                    

Part 2.

Okay tingin sa kanan!

John Lexus Ford Lorenzo here      ---------------->

[Roxanne's Pov.]

Naglakad kami hanggang sa bahay nila. Kinukuha niya sakin si steppy dahil ayaw niya na ko papasukin sa bahay nila pero..

“Ako na sabi! Papasukin mo ko!”

“Anu ba! Sinabing ako na! Bakit baa yaw mong ibigay yang as—tuta na yan ha!?”

“Ihahatid ko siya hanggang sa loob! Kawawa ‘to pag ikaw ang nagbuhat.”

“Anung kawawa! Samin yan kaya ibigay mo na!”- Lexus.

“Oh kapatid. Is there something wrong? Who is she? Don’t tell me nag uwi ka nanaman ng bab—” Woah. May isang matangkad at maputing babaeng lumabas mula sa bahay na may hawak na sandok.

“ No! Hindi ako napatol sa tomboy ate!” ANOOOO? Napasabunot ang isang kamay ko sa kanya.

“Hoy. Hindi sabi ako tomboy eh.”

“Wow. A pinay here.” Sabi ng ate niya.. yata?

“Tomboy! Tss.” Letse sabi ng hindi! Binigyan ko siya ng isang malupit na death glare. Malupit na death pa? Haha.

“Tsk. Amina nga yang tutang yan. Kay ate yan oh!” sabay turo sa ate niyang may hawak pang sandok.

( >.>) tingin sa ate niya.

(<.<) tingin ulit sa gwapong bakulaw. *erase!* tingin ulit sa halimaw.

“Oh.” Then inabot ko si steppy sa ate niya.

“Gusto ko lang naman pong ihatid si steppy—este yung tuta niyo kasi hindi marunong magbuhat ‘tong halimaw— I mean, si Lexus. Para kasing nasasakal siya sa kamay ng alimaw niyong kapatid.”  Nahihiya kong sabi kay ateng may sandok. Mukha tuloy akong mangaagaw ng tuta eh.

“HAHAHA. Nah it’s okay. Alam ko rin namang eng eng humawak ng tuta ‘tong HALIMAW kong kapatid. Thanks. At mukhang may niluluto ka pa din” Siniko siya ni Lexus. Talagang emphasized ung halimaw? Haha.

Hala? May niluluto? Aba oo nga’t naka-apron pa ko! Waaaah. Leche.

“A-ah sige po. Una na ko. Bye steppy!” kumaway ako sa tuta.Ang cute talaga.

“Steppy? Nice! O sige yun nalang pangalan nito. HAHA. Mas maganda yata yun kesa sa CHU.”  Nagsmile nalang ako then tumwid pauwi.

“Anu sa tingin mo kapatid? Steppy or Chu?” narinig ko habang tumatawid ako.

“Tss!”- Lexus. Tapos pumasok na sila.

“Oh? Para kang nalugi? Naibalik mo ba yung puppy?” tanong ni mommy. Nag nod lang ako. Umupo at nangalumbaba.

“Ma? Bili mo ulit ako ng bagong puppy ha.”

“Nanaman? Edi ba kamamatay lang nung aso mo?”

“*sigh* kaya nga bibili ulit eh. Mommy talaga.” Ilang araw ko rin iniyakan yung aso kong yun T.T

“Pag nakauwi na tayo hayaan mo bibili tayo. Hindi ka ba mabubuhay ng walang alaga?” =.=

“Di.”

“Ewan ko ba sayong bata ka. Lakad na dun, tapusin niyo na yung strawberry shortcake at mamaya manonood tayo ng parade.” Oo nga pala..

Pumasok na ko sa loob. Kung paano ko iniwan yung ginagawa namin kanina, ganun na ganu pa din. Wala man lang kumilos? At yung dalawa. Eto sitting pretty ang peg at nakatutok sa TV.

She's a Boyish FreakWhere stories live. Discover now