"Miss?"

Hindi ako gumalaw. Pero nakadilat ang mga mata ko. Tinatamad akong kumilos bakit ba?

"Um miss? Ayos ka lang?"

Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko pero hindi pa rin ako nagsasalita. Ginalaw galaw pa niya yung kamay niya sa harap ng mata ko pero di ako kumilos. I'm starting to smell fun, ladies and gentlemen.

"Miss naririnig mo ba ako?"

Duh. Gusto kong umirap pero masisira lang yung acting ko kaya di ako umimik. Hindi ko masyadong naaninag yung nagsasalita pero alam kong lalaki siya at in fairness, ang bango niya. Dahan dahan niya inilapat yung daliri niya sa leeg ko para siguro tignan kung buhay pa ako.

"Miss nilalamig ka ba?"

Malamang alam na niyang di ako sasagot kaya naramdaman ko siyang umalis sa tabi ko, dahan dahan akong umupo at nakita ko siyang nakatalikod sa akin at mukhang may kinukuha siya sa trunk ng sasakyan niya.

Tumayo ako at medyo lumapit sa kanya kaya naman pagkalingon na pagkalingon niya eh muntik na siyang mapasigaw dahil nakatayo na ako sa harapan niya. Kalalaking tao ang ingay puta.

This is fun.

"M-Miss?"

"I'm thirsty."

Hinawakan ko yung leeg ko at medyo umubo. "I-I need water." Insert fake cough. "W-Water p-please."

Hindi siya makaimik at nanlalaki pa rin ang mga mata niya pero bumalik siya sa loob ng sasakyan niya para kunin yung tubig at tahimik na inabot sa akin.

"S-Salamat."

"Miss anong ginagawa mo sa gitna ng...daan?" He eyed me warily. Inubos ko yung laman ng water bottle niya saka itinapon 'yon sa gilid.

"I'm still thirsty!" I fake gasp at nagkunwari akong hindi makahinga. "M-Masakit yung lalamunan ko..." Umubo ubo ako at napahawak sa tiyan ko. "...at nanunuyo."

"May alam akong pinakamalapit na hospital- Miss?! Miss!"

I started crying-fakely crying. Duh.

Bumalik ulit siya sa loob ng sasakyan niya at tama nga ang hinala ko, tatawag siya ng ambulansya. Pero bago pa niya sila matawagan, hinablot ko agad yung cellphone niya.

"I'm still thirsty." Lumapit ako sa kanya dahan dahan hanggang sa lumapat yung likod niya sa kotse at bago pa siya makatakbo, hawak ko na siya sa kwelyo at mas lalo ko siyang idiniin sa sasakyan.

"I want-" Inilapit ko yung labi ko sa leeg niya at nakita ko siyang napalunok. Ngayon ko lang napansin na bata pala 'to. I'm guessing 16 or 17? So this kiddo has been driving illegally huh? Inilapit ko yung labi ko sa leeg niya at sinadya ko talagang idikit 'to ng dahan dahan. Mas lalo siyang napalunok.

Hmm.

I didn't say anything. I kept on teasing him. Leaving trails of subtle kisses on his neck. Hindi siya nagsasalita pero ang mokong hinawakan ako sa bewang at mas inilapit sa kanya. I rolled my eyes but didn't stop him. Now let the fun begin, shall we?

Naramdaman ko yung kamay niya na naglalakbay pataas pero patuloy lang ako sa leeg niya. Marahan kong kinagat yung tenga niya saka bumulong. "-blood."

And that made him stop.

"A-Ano?!"

"Nice car, bitch."

It All Started With The Royal's Babyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن