Chapter 9: The Game

558K 25.4K 5.4K
                                    

Chapter 9: The Game

Sa paglipas ng mga araw tuluyan ng naging normal ang pananatili ko sa Van Zanth. Everything became acceptable noong nalaman ko ang totoo. Nasanay na ako sa presence ng mga hybrids na nasa paligid ko. Other than their extra ordinary skills specific to the hybrids ay halos normal sila. At siguro nga ay natuto na din akong umiwas dahil alam ko kung ano ang iiwasan.

Dumadalang na din ang mga naririnig kong ingay mula sa third floor. Kadalasan ay tahimik ang buong mansion. Hindi ko alam kung napapansin na ba ni Aunt Helga na alam ko na ang totoo. Kung may napapansin man siya, wala siyang sinasabi. Maybe she knows.

Nasa terrace ako ng aking kwarto noong hapon na yon at gumagawa ng home work. Mula sa likod ng mga puno sa garden ay sumisilip ang matingkad na sinag ng papalubog na araw at tumatama sa mukha ko.

Absentmindedly, I bit the tip of my ballpen while thinking deeply. Pero napa-paused ako nang mapansin ko ang isang bagay.

Lumingon ako saka bahagyang tumingala sa terrace na nasa pangatlong palapag. Tuluyan akong natigilan nang makita kung sino ang lalakeng nakatayo doon. Nakaharap siya sa bayan sa ibaba habang nakasandal ang magkabilang braso sa safety rails ng terrace.

Bahagyang nakakunot ang kanyang noo, tila may nakikitang hindi niya gusto. Nasisinagan ng palubog na araw ang mukha niya. And it made his features more defined. His clenched jaw, his sharp nose, ang nakakunot niyang noo, his lips curved into an annoyed expression, even his quite messy hair and lush eyebrows.

Akala ko hindi niya ako napapansin dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Kaya nanatili akong nakatitig sa kanya. Subalit halos mabitawan ko ang ballpen na hawak ko nang lumingon si Zander at magtama ang paningin namin. He stared at me. I was stunned. He was probably wondering why I'm gaping at him. Napakurap ako at agad na umiwas ng tingin.

I bit my lips. I distinctively heard a deep sigh bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng terrace door. Nang masigurado kong nakapasok na si Zander sa kanyang kwarto, iniangat kong muli ang tingin ko at bumuntong hininga ng napakalalim. Gusto kong pagalitan ang sarili ko.

What am I doing staring at Zander like that? Balak ko ba talagang ipahamak ang sarili ko?

--

Maliban sa pagtulong kay Aunt Helga sa pag aasikaso ng buong mansion ay naging busy na din ako sa school. Ilang buwan na ang lumipas mula noong nagsimula ang klase. Ang mga guro at professors ay nagsimula na sa sabay sabay na pagbibigay ng mga requirements.

Madalas ay nauubos ang oras ko sa pagawa ng mga school requirements. Subalit tuwing nagkakaroon ako ng libreng oras o kapag natatapos na ang mga ito ay agad akong bumabalik sa trabaho para tulungan si Aunt Helga.

Noong umagang yon ay naka assign ako na alisin ang mga kurtina sa sala para malabhan. Makakapakal at matataas ang mga ito na binabalutan ang mala higanteng mga bintana ng mansion. Kinailangan kong gumamit ng foldable stairs para lamang maabot ko ang itaas ng mga ito.

Tumingala ako at pinagmasdan ang isa sa mga bintana. Huminga ako ng malalim habang nakahawak sa foldable stairs na nakatayo sa tabi ko. Kinuha ko ito mula sa library ng mansion. Tinapat ko ang hagdan sa tabi ng pader ng isa sa mga bintana. Nagsimula akong umakyat pataas.

Noong una wala akong naging problema sa pagalis ng mga kurtina sa makakapal na gold post ng bintana. Nalaglag ang unang kurtina sa sahig. I heard a soft thud on the floor because of the weight of the fabric. Napaubo ako nang umabot sa akin ang alikabok nito.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. My arms started to sore dahil sa bigat ng mga kurtina at sa pagtaas at pagbaba ng stairs para alisin ang mga ito sa window post. Halos nasa huling pares na ako ng bintana. Umakyat ako sa stairs para abutin ang tuktok nito.
Subalit may hindi inaasahan na nangyari.

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon