Chapter 22: All Hallow's Eve

577K 25.7K 7.1K
                                    

Chapter 22: All Hallow's Eve

It was the day of the All Hallow’s Eve. Kapansin pansin ang tila pagbabago sa atmosphere sa bayan sa araw na ito. It seemed like the town was more alive, more vibrant. Maging ang mga hybrid na nasa bayan ay may kakaibang aura. Madali mo itong mapapansin. They seemed to be more energetic. Their skills and their characteristics as hybrids are more apparent.

Nakatayo ako sa harap ng full length mirror noong gabing yon. Ito ang huling araw ko sa bayan. Bukas ng umaga ay ihahatid ako ni Aunt Helga sa train station. Sasakay ako sa unang train na dadaan ng Van Zanth pabalik ng Charlotte. Pinagmasdan ko ang reflection ko sa salamin.

I’m wearing a long vintage gown. It’s a traditional gown for All Hallow’s Eve. Mukha itong luma ngunit eleganteng tingnan. I looked like someone from a vintage picture. My hands were covered in intricate see-through lace up to my wrist. The dress is color beige and my hair was styled up in a delicate crown braid with loose strands framing my face.

Noong mapansin ko ang oras ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Bahagya akong nahirapan sa pagbaba sa hagdan dahil sa damit na aking suot. Hinawakan ko ito at maingat na bumaba. Wala pa si Miss Loraine sa sala noong dumating ako. Kaya pumunta ako sa balcony upang magpahangin. Hindi ako mapalagay. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kakaibang atmosphere sa bayan o dahil sa maaaring mangyari ngayong gabi.

Bahagya akong pumikit ng maramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa aking mukha. Huling araw na ng buwan. Lumalamig na ang hangin. Unti unti ng binabalot ng dilim ang paligid dahil sa paglubog ng araw. Everything seemed so calm. If things only stay this way.

Binuksan ko ang aking mga mata nang may maramdaman na nakatitig sa akin. Lumingon ako pabalik sa sala at nakita siyang nakatayo doon. Nagtama ang paningin namin. I stared back at him. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at itim na polo bilang panloob. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kaformal.

Naalala ko ang picture frame sa hallway noong unang lingo ko dito sa mansion. The picture looked just like him. But more matured now, more self-assured, and more confident. Napaka gwapo niyang tingnan sa kanyang suot. His slightly ragged, well defined features matched the dark color of his tuxedo. And he’s standing in the living room staring at me. Nakakapanghina ang kanyang mga titig.

Zander.

Unti unti akong umiwas ng tingin. Humarap akong muli sa labas at marahang napahawak sa aking dibdib. There’s still this erratic beating in my heart whenever he’s around. Huling araw ko na sa bayan pero ganito parin ang kanyang epekto sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag tuluyan ko na siyang hindi makikita.

Lumipas ang ilang minuto at dumating si Miss Loraine. Nakasuot siya ng maroon vintage dress kung saan lumilitaw ang kanyang maputing balat. It has fine lace and embroidered details like mine. Bumaba siya sa staircase habang nakahawak sa kanyang damit. She indeed looked like a princess.

Noong bumaba si Miss Loraine ay wala na si Zander sa living room. Sinabi ni Miss Loraine na hindi namin siya makakasabay. Sumakay kami sa itim na sasakyan na nagaabang sa labas. Ito ang magdadala sa amin sa mansion ng mga Marseille na matatagpuan sa kabilang dulo ng bayan.

—-

Naging tahimik ang aming byahe. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang nasa sasakyan. Madilim ang paligid. But there is somewhat a buzz in it. Isang kakaibang pakiramdam na tila buhay na buhay ang bayan. Pumasok sa isip ko ang maaaring kahinatnan ng gabing ito para sa akin. Subalit pilit ko itong kinalimutan pansamantala.

Lumipas ang halos kalahating isang oras bago kami nakarating sa destinasyon. Sa bungad pa lamang ay kitang kita na ang mansion ng mga Marseille. Lumilitaw ang liwanag nito sa madilim na paligid. Tila isang lampara sa gitna ng dilim. Madaming sasakyan ang nakaparada sa harapan nito. Bahagyang elevated ang lugar, kaya naman hindi pa kami nakakarating ay masisilayan na ang mga taong pumapasok sa nakabukas na pintuan ng mansion.

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon