Chapter 21: The Invitation

574K 23.2K 5.6K
                                    

Chapter 21: The Invitation

Nanatiling nakatitig ang mga tao sa akin. Lahat sila ay tila hindi makapaniwala sa nangyayari. Pinagmamasdan nila ako. May mga sinasabi sila pero hindi ko maintindihan.

Tinitigan ko si Zander. Pareho kaming nababasa na ng ulan. Bahagya niya akong inilayo mula sa kanya. I stepped back. Nanatili siyang nakatitig sa akin. His eyes betraying his expression.

“Hindi ka ba nasaktan?”

Natigilan ako sa tanong niya. Rain water trickled down his face pero hindi niya ito alintana. Umiling ako. “I-I’m fine.”

Narinig ko ang ingay ng pagdating ng ilang pang tao. Nakisiksik sa mga tao sina Sebastian para lumapit. Ang iba sa mga orders ay nagulat nang makita si Zander. Some of them bowed momentarily.

Sebastian stared at me. Bahagya siyang hinihingal. Mukhang galing sila sa loob ng kakahuyan. Pag aalala ang bumakas sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit. Bahagya siyang nabow, a form of formality.

“Bring her home, Sebastian.”

Naramdaman ko na hinawakan ako ni Sebastian. Zander stepped back this time. Pinagmasdan niya ang paligid, tila ina-assess ito. Bago siya muling humarap kay Sebastian at akin.

“I will handle this.”

Wala akong nagawa kundi sumama kay Sebastian. Inalalayan niya ako hangang makarating sa loob ng aking sasakyan. Pagpasok ko, doon ko naramdaman kung gaano ako nanginginig at giniginaw dahil sa pagkabasa ko sa ulan at dahil sa mga nangyayari.

Pinaandar ni Sebastian ang sasakyan. Nanatili akong walang imik. My cold lips were quivering. Nag focus si Sebastian sa pagmamaneho paalis ng parking lot. Nang makalabas na kami sa campus, bigla niyang hininto ang sasakyan at napamura ng mahina.

“Hindi dapat ito nangyari.”

Nahampas niya ang manibela. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Tinitigan ko siya. Huminga siya ng malalim.

“Hindi dapat nila malaman. Not this early.” sinabi niya.

Nagtaka ako. “Sebastian-”

Humarap siya sa akin. Napakurap siya nang makita ang nangangambang expression ko.

“Wala ‘to.”

Nagpatuloy siyang muli sa pagmamaneho. Bakas parin ang frustration sa mukha ni Sebastian. Nanatili ang tingin niya sa daan. Napansin ko ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa manibela.

We’re both trenched and cold. Pero maliban doon may kakaibang tension sa paligid. Hindi niya ito masabi sa akin. Pakiramdam ko malaking gulo ang nangyari kanina.

“D-Did I do something wrong?” tanong ko nang paakyat na kami sa burol.

Napansin niya ang nanginginig kong boses. Huminto siya sa gilid ng daan. May inabot sa likod ng sasakyan. Kinuha niya doon ang pulang jacket ko saka inabot sa akin. Sinuot ko ito. Pero dahil masikip sa loob ng sasakyan ay kinailangan niya akong tulungan.

“You didn’t do anything wrong.” sinabi niya habang inaayos ang kwelyo ng jacket ko.

Akmang haharap na siya muli sa manibela nang hilain ko ang laylayan ng kanyang damit. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong hawak siya. They were trembling lightly.

“I'm scared.”

Doon siya tuluyang napalingon sa akin.

“I'm scared of what will happen after this. Zander and I-”

Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin. Nothing make sense to me anymore. Maliban sa bagay na yon. Maliban sa nararamdaman kong connection namin ni Zander.

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon