Chapter 28: Forewarning

560K 22.1K 2.8K
                                    

Chapter 28: Forewarning

Hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isipan ko ang bagay na nasa kahon. It was a necklace with a silver bullet as a pendant. At nakaukit dito ang apelyido ng aking ama. Ang apelyido ko.

I shifted back and forth on the bed. Nanlalamig ng aking mga palad na tila hawak parin ang bagay na yon. Pumikit ako upang balutin ng kadiliman ang aking paligid. Biglang pumasok sa isip ko si Zander.

Binuksan ko ang aking mga mata at napaupo sa kama. Biglang lumalim ang aking paghinga. Ramdam ko ang pagtaas at baba ng aking dibdib. Tiningnan ko ang orasan. Maghahating gabi na. Hangang ngayon nasa labas parin si Zander kasama ang mga orders.

Bumalik ako sa pagkakahiga. Pumikit ako upang muling makatulog. Tahimik at payapa ang gabi. Ang tanging ingay na maririnig ay ang pag galaw ng kamay ng orasan at ang aking marahang paghinga. Tuluyang bumalot sa akin ang pagod at antok.

-

Nakita ko ang aking sarili pinapalibutan ng nagtataasang mga puno. Nasa gitna ako ng isang madilim na kakahuyan. I was wearing a vintage dress. It reminded me of All Hallow's Eve. Pero sa halip na tumatakbo, nakatayo lamang ako doon, tila may hinihintay.

I heard a familiar noise. May tumatakbo sa kakahuyan. Linibot ko ang tingin sa paligid. Mas lumalakas ang ingay at mga kaluskus na para bang papalapit ito sa akin. Hangang sa dumating ang taong yon.

Umaliwalas ang aking mukha nang makita siya. Agad siyang tumigil na tila ba nakita niya na ang kanyang hinahanap. Hinihingal siya. Bahagyang madumi ang kanyang mukha. Magulo ang buhok. May mga punit ang kanyang damit. At puno ng galos ang kanyang katawan.

Gusto kong itanong kung ano ang nangyari sa kanya. Bakit madami siyang sugat. Subalit lumapit lamang siya sa akin. Naramdaman kong hinawakan niya ang aking pisngi.

"Don't leave me, Laura."

I rest my cheeks against his palms. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad. Pumikit ako. Isang ingay ang biglang umalingawngaw sa paligid. Binuksan kong muli ang aking mga mata.

A gunshot.

Hindi ko alam kung saan galing yon. Linibot ko ang tingin sa madilim na kakahuyan. Pero bumalik ang attention ko kay Zander. Halos mangilabot ako nang bumagsak siya sa harapan ko.

"Zander!"

Nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Halos manginig ang buo kong katawan. Nanghina akong lumuhod sa tabi niya. Subalit halos takasan ako ng lakas nang makita ang bagay na nasa aking palad. Isang malamig na bagay na gawa sa metal ang aking hawak. Isang baril.

Hindi.

Umupo ako at tinakpan ang aking tenga at pumikit. Sumigaw ako. Pumuno ito sa buong madilim at tahimik na paligid. Tears started streaming down my eyes.

Hindi ito totoo.

--

"Laura."

Napabalikwas ako ng bangon. That's when I realized that tears were blurring my eyes. My breathing was deep. Nanlalamig ang aking katawan.

"A nightmare?"

Napatitig ako sa taong nakatayo sa tapat ng aking kama at nag aalalang nakatitig sa akin. Tuluyan akong nanghina noong maaninag ko ang kanyang mukha mula sa liwanag ng buwan.

"Zander."

Masyadong malalim ang naging panaginip ko at natatakot ako na baka hindi parin ako tuluyang gising. Bigla ko siyang niyakap.

Naramdaman kong yumakap siya sa akin pabalik. "Are you okay?" tanong niya.

Tumango ako pero ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. "Sshh, Laura, calm down."

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon