[7] Katie The Monster

43 2 2

A/N: Dedicated kay vyxxel kasi lagi siyang nagvovote sa mga chapters ng story na to tapos natutuwa pa ko sa mga comments niya hahaha.

Anyways, ito na po yung update! Enjoy!

Chapter 7

 

Uno’s POV

Sige sana maulit to! Nagenjoy ako promise! Sige ingat!

Sige sana maulit to! Nagenjoy ako promise! Sige ingat!

Sige sana maulit to! Nagenjoy ako promise! Sige ingat!

Sige sana maulit to!

Nagenjoy ako promise!

Di ako makatulog. Teka, anong oras na ba? Tinignan ko saglit yung wall clock. Sht. 3am na.

Ang hirap makatulog. Kanina pa paulit ulit sa isip ko yung usapan namin ni Katie. Biruin mo sinabi niya na nagenjoy daw siya ng kasama ako?  Heaven pare.

Am I Inlove? Jejeje.

Kahit ipikit o idilat ko ang mata ko, nakikita at naririnig ko pa rin si Katie. Bigla bigla na lang nagiinit yung mukha ko. Sht. Iba na talaga ang epekto sakin ni Katie. Kahit saan ako tumingin naririnig ko yung boses ni Katie. Naiimagine ko yung ngiti niya tapos naaalala ko pa yung sinabi niya sakin na nag enjoy siya. 4ng s4r4p b3h

Siguro kailangan ko makausap si Katie ngayon? Siguro kailangan ko lang marinig yung boses niya para makatulog ako? Ayoko magpuyat. Nakakapimples. Baka maturnoff si Katie my loves.

Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan at tinawagan ko kaagad ang number ni Katie.

Calling Katie MhY LuBzxS Sooo Swe3t FhOuRev3r Hart Hart <3…

Nagriring na. Pero di niya pa rin sinasagot. Bakit kaya? Siguro nakasilen—

[Hello??!!] Napapitlag ako ng marinig ko ang galit na angelic voice niya. Parang kahit boses niya nakakainlove na.

“Eow Katie! Ano ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya gamit ang pinakamasayang tono ng boses ko. Umupo pa ako mula sa pagkakahiga para makausap ko siya ng maayos.

[Seryoso ka ba?! Alam mo ba kung anong oras na?!! 3 in the freakin’ morning!!! MALAMANG NATUTULOG AKO!!!!] Nilayo ko bigla yung phone sa tenga ko nang bigla siyang sumigaw. Tae. Bakit di ko naisip yun?! Malamang Uno natutulog siya! Ang bobo ko! Ang tanga ko! Pano kung magalit siya sakin? Di na mauulit yung semi-date namin kanina?! Di pwede mangyari yun!

“Ahh.. Ehh..” Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Yumuko na lang ako at kinamot ang batok ko. Mura siya ng mura sa kabilang linya. Tsk. Ang bobo bobo mo talaga Uno!

[Matulog ka na nga at wag mo kong istorbohin!! GOODNIGHT!!] Sigaw niya sabay baba ng phone.

Ano bang pumasok sa isip ko at tinawagan ko siya ng ganitong oras?! Ang bobo mo talaga Uno! Ang tanga tanga mo!

Pero teka..

Ano yung huli niyang sinabi bago ibaba yung phone?

GOODNIGHT!!

GOODNIGHT!!

GOODNIGHT!!

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!