[2] The Jeje Guy

94 3 2

Chapter 2

BhOxSz ZhUpL@d!tO Mh@CoOLeTxz Ve!nTe UnO’s POV

Nang tinignan niya ko at nakita ko ang mukha niya bigla na lang akong napanganga at nanlaki yung mata ko. Biglang tumigil ang tibok ng puso ko. Ang hirap huminga. Nakakabaog yung mga mata niya sa sobrang ganda, ang tangos ng ilong at meron din siyang mapupula at sobrang halikable na lips.

Di ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa magandang mukha niya. Siguro ito ang sinasabi nilang..

LhUbXzS aT PhF!RsT Zi6ht.

“Mahal na ata kita” Di ko alam. Bigla na lang akong nagsalita. Pati pananalita ko umayos. Nawala yung cool accent ko.

“Hart Hart” Habol ko pa. Wala na ata talaga ako sa sarili.

“Haaaaaa?!”  biglang sigaw nila Katie. Bigla na lang ako nakabalik sa reality. Umurong bigla yung dila ko at feeling ko uminit yung buong poging face ko. Ang bading naman nito!

“Ha?! Ahmm.. Eh.. Zi kuyah nuah dhumaan za likowdz niyow nhakalagay za dhameetz ‘Mahal na ata kita’ thapowz nakualaghay za likowdz nung tee shirtxzs ‘Hart. Hart.’ Jejeje swag dibuh?” Sana maniwala siya. Please please please. Nakakahiya!

Buti na lang bumalik yung cool accent ko kaya convincing na yung arte ko kanina. Di na masyadong halata na kinakabahan at nagsisinungaling ako.

Bakit bigla na lang akong natorpe?! Di naman ako ganito e! Swag ako! SWAG! Pero bakit ganun yung nangyari? Tinamaan na yata talaga yung Hart Hart ko. Hayyyxszt.

“Ha? Talaga?” Lumingon sila sa likod at hinanap yung sinabi ko.

“A-aah nuwala na zii kuyah. Zigurowz vivili nhuang max zwag na tee shirtxsz” Palusot ko. Bakit kase bigla ko na lang sinabing mahal ko na ata siya? Psh.

“Err. S-Sige nice meeting you! Bye! Thank you!” Sabi ni Katie na parang natatakot. Kanino naman siya matatakot? Bigla na lang niyang hinila yung kaibigan niya at tumakbo palayo.

“BhOxSz chuchu everluu text text na lang ha? Thank you!” Sigaw ng kaibigan ni Katie my love so sweet habang hinihila siya palayo.

Namalayan ko na lang na para akong tanga na nakangiti sa kawalan. Buti na lang nakuha ko yung digitz niya! Jejejeje.

Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

May sakit kaya ako sa puso?

----

Matapos nung mga nangyari sa mall eh nagpunta na lang ako sa  mga pr3ndsxz ko. Di na kasi normal tong nararamdaman ko e. Kailangan ko na silang makausap.

Nakaupo kami sa sofa at nanunood ng TV. May tambayan kaming apartment malapit sa school. Dito kami pumupunta pag walang klase o magkacutting.

“Phare. Mhuay mhuagandang nagyaree zaken za mhall.” Kwento ko  sa mga kaibigan kong sina Ray Chris Pinioco at Chino John Pasia.

Hindi sila swag at cool katulad ko. Wala silang taste sa pananamit. Masyadong normal yung mga suot nilang damit lagi. Ayaw nila gumaya sakin para cool na  rin sila.

“Wala kaming naintindihan sa sinabi mo. Parang lasing na bata ka nanaman kung magsalita” tamad na sabi ni Ray.

“Oo nga pre! Ayusin mo naman ang pananalita mo! Di na nga namin pinapakelaman yung pananamit mo eh kahit mukha kang naglalakad na Christmas tree” Ang sama naman nito ni Chino. DI ba nila matanggap na ganito ako? Na cool ako at sila hindi? Siguro insecure lang sila sakin.

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!