[1] Mahal Agad?!

111 3 5

A/N: WARNING- Ang story na to ay may mga bad words at may mga green jokes. May mga contents din na di pwede sa bata pero konti lang naman. As in super konti so read at your own risk. Pwede rin namang isama mo magulang mo sa pagbabasa nito. Para may patnubay at gabay ka na sa pagbabasa may extra readers pa ko mehehe.

Oh and another thing, Yung jejemon po eh jejemon din sa pagsasalita. Kaya medyo mahirap intindihin yung mga dialogues niya. Please intindihin na lang po natin siya.

Ito na po yung chapter 1. Enjoy guys!

******

Chapter 1

Katie’s POV

Nandito ako ngayon sa mall. Nagwiwindow shopping at syempre boy hunting na rin mehehe.

17 years old na ko pero wala pa rin akong nagiging boyfriend. Well may mga nanliligaw at nanligaw pero di sila pasok sa standards ko e. Haaaaay…

Kasama ko nga pala ngayon yung Bestfriend ko! Si Cristina Jane Moran. Bestfriend ko yan since birth! Literally! Magkumare kasi parents naming kaya naging magkaibigan kami kahit bata pa kami.

“Besh! Besh! Ayun oh! Pogi!! At ooooh.. Hot pa! Grabe!” Sabi ni Tina na nagtu-twinkle ang mata at nakanganga pa! Jeez.

Tinignan ko naman yung tinuro niya.

May nakita ako lalaki sa may harap ng Jollibee. Nagtetext siya na para bang may hinihintay.

“OMG ang pogi nga!” Hinawakan ko kaagad si Tina sa braso at hinila papunta kay Kuya  Pogi! Nako, pasok na pasok siya sa standards ko! Ang hot hot niya at ang tangkad tapos ang pogi pa niya! Bakat na bakat sa shirt niya ang muscles. Ermergerd.

“Beeeeesh! Bilisan mo! Baka umalis si Kuya Pogi at makawala sakin!” Singhal ko sa kanya. Di ko na papalampasin to my goodness!

“Teka lang naman Katie, mababali heels ko sayo eh. Atsaka magpaconservative ka naman ng konti! Nagmukuha kang patay gutom sa pogi eh!” Asar na sabi niya habang hila hila ko pa rin.

“Magdusa ka! Tinuro mo pa kasi si Kuya Pogi e!”

Patuloy ko lang siyang kinakaladkad hanggang sa makalapit kami sa Jollibee kung nasaan si Kuya Pogi. Patuloy din siya sa pagrereklamo sa paa at heels niya pero di ko na lang pinansin. Sayang kaya tong pogi na to kung makawala pa sakin.

Nang makalapit na kami ay kinalabit ko si Kuya Pogi at lumingon siya. Sheeeeet! Ang Pogi!

*BOOM* *BOOM*

Sumabog na ata ovaries ko sa sobrang gwapo niya!

“Hi Kuya! Pwede bang malaman kung anong oras na?” ugh. Seriously?! Oras?! Sa dami ng pwede kong sabihin eh yun pa ang nasabi ko?

Nakakadistract kasi yung sobrang kagwapuhan niya e! Ang tanga ko.

Nginitian niya ko at tumingin sa wristwatch niya. Oh goooooosh. Para siyang Commercial Model ng toothpaste! Sooooobrang Shiny ng ngipin niya!

“Quarter to 5 na Miss” sabi niya ng nakangiti pa rin.

Grabe ang pogi niya talaga lalo na nang ngumiti siya. Nalaglag na ata yung panty ko at nilipad na ibang planeta nung nginitian niya ko. Sht.

“Ah okay thank you!” sabi ni Besh at hinila ako palayo sa prince charming ko. Biglang naputol ang pagnanasa ko kay Kuya Pogi. Bakit naman niya ko hinila? Sayang yung pogi!

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!