[11] The Aftermath

23 2 0

Chapter 11

Katie’s POV

“Anong ginawa mo sa kanya?” Tina

“Bakit ilang araw na siyang di pumapasok?” Chino

“Binasted mo ba siya?” Ray.

Nandito kami ngayon sa Cafeteria ng school at kanina pa nila ako pinagtatatanong sa gangster na jejemon na yun. Porque ilang araw na siyang hindi pumapasok, porque lagi daw umiiyak at lasing si Uno tuwing bibisitahin nila sa condo niya, porque mas lalo daw siyang nagmukhang adik. ANO KINALAMAN KO? Psh.

“Ilang beses ko bang dapat sabihin sainyo na wala akong kinalaman kung unti unti  na niyang pinapatay yung sarili niya?!” sabi ko habang nakataas ang kilay ko. Binigyan naman nila ako ng mapangmatang tingin na parang may hindi ako sinasabi.

“Bakit ba parang galit na galit ka sa kanya ha?!” Mataray na tanong sakin ni Tina. Bakit ba nagagalit sakin tong babae na to?

“TINAPON NIYA YUNG PHONE KO SA BANGIN!” Sigaw ko sa kanya. Bigla naman silang nagkatinginan tatlo at tila nagulat sa isinigaw ko.

“Bakit naman niya tinapon?” Tanong ulit sakin ni Tina.

“Kasi itetext ko sana si Drake.” Mahina kong sabi. Bakit feeling ko nagtataksil ako? Ew. Tuluyan na ba talaga ako nahypnotize ng jejemon na yun?

“Sinong Drake?!” Sigaw sakin ni Tina. Bakit ba lagi na lang niya kong sinisigawan? Psh. Pinandilatan ko lang siya ng mata.

“Si Harry Potter” Biglang singit ni Chino. Talagang mas kilala nila si Drake bilang Harry Potter eh ang layo naman ng itsura nila.

Bigla nanaman silang nagkatinginang tatlo na para bang iisa ang naiisip nila.

“Selos. Tsk. Pag-ibig nga naman” sabay sabay nilang sinabi sakin. Bigla namang namula yung mukha ko pero tumingin ako sa malayo para di nila mapansin. Ugh. Ano ba nangyayari sakin?!

Ilang minuto pa kaming tahimik nang bigla nanamang nagtanong si Ray.

“Ano ba ang huli niyong ginawa nung huli kayong magkita?”

“OMG besh don’t tell me may nangyari na sa inyo! Kaya ba feeling ni Uno ang baba baba niya? Nako besh kailan ka pa naging rapist ha?!” Nagpapanic na sigaw sakin ni Tina. Teka? Ano ako rapist? Aba! Ano si Uno? Sinuswerte?!

“Kaya pala sinasabi ni Uno ang dumi dumi na niya!” Sigaw rin sakin ni Chino habang tinuturo ako. Bakit ba ang dudumi ng isip nila?!

“Katawan ba niya ang hiningi mong kapalit sa pagbato niya ng cellphone mo sa bangin?!” Dagdag pa ni Tina. Wow ha. Ang cheap naman ng dating na yun! At ewwww. Kahit kailan di ko pagnanasahan yung jejemon na yun!

Atsaka ano yung sinabi ni Uno? Na ang dumi dumi niya at ang baba baba niya?! Ano na ba nangyayari dun sa jejemon na yun?

“Ano ba?! Una sa lahat walang nangyari samin! Ang dumi ng isip niyo grabe! At pangalawa hindi ko hininging kapalit yung katawan niya para sa cellphone ko. Ewwww!! At pangatlo! ang huli lang naming ginawa nung magkasama kami ay nagusap!” Pagsinghal ko sa kanila. Mukhang nakahinga naman sila ng maluwag lalo na si besh. Di ako makapaniwalang pinagisipan nila ako ng ganun! Nakakaloka!

“Ano pinagusapan niyo aber?” Tanong nanaman sakin ni Tina. Nako nakakairita na siya ha! Mukhang na’curious naman yung dalawang kaibigan ng gangster na jejemon kaya mas lumapit pa sila saakin.

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!