[6] Walktrip with a Jejemon

58 3 2

Chapter 6

Katie’s POV

Uwian na! Ngayon ko lang naisip na pumayag pala ako na sasabayan ako ng adik na sakitin na jejemon na yun sa paguwi!!

Paano kung I’budol budol niya ako at nakawan ako?

Paano kung mahawa ako sa sakit niya at jejemon na din ako bukas?

Paano kung I’rape niya ang drop dead gorgeous kong katawan? PAANO?

Sigh.

Pero naweweirduhan na ako sa sarili ko. Simula nung tignan ko yung mata niya kanina parang may nagsasabi sakin na hindi siya masamang tao. Mukha lang talaga siyang criminal.

Nahypnotize na niya kaya ako? Sht!

Tatakas na lang ako! Agad kong kinuha yung niligpit yung gamit ko at nilagay yun sa bag ko at nagmamadali akong lumabas ng room.

Papalabas na sana ako ng campus pero nakita ko si Tina sa may gate at parang sinisiguro na dapat kasama ko si Uno pauwi. Psh. Kaya ayun pinuntahan ko si Uno kung saan niya ako hihintayin.

Nakita ko siya sa may bench sa park ng campus. Ang akala ko nga puno siya e. Paano ba naman green shirt tapos brown pants? Mukha talaga siyang puno na nilagyan ng jejecap at jejeshades. Psh.

“Hi Uno!” Medyo nasasanay na ako na kausapin si Uno. Kaso pag nakikita ko siya naiirita ako. Ayoko naman kasi tignan yung mata niya kase baka mamaya mabudol budol pa ako.

“K-Katie! Uh.. Eow! He He Je” Bati niya sakin. Parang nakikita ko sa kanyang medyo kinakabahan siya. Err. Bakit?

“Tara uwi na tayo! Kailangan kong umuwi ng maaga e” Pagsisinungaling ko. Ayaw ko lang may makakita saming magkasama, baka kung ano pa isipin nila diba?

“A-Ah. Ganun b-ba? Sige t-tara na” Pansin ko lang parang lagi siyang nauutal. Hmm.

Nevermind na nga lang. Mas maganda namang nauutalang siya kesa kausapin niya akong parang ngongo na lasing na tinatawag niyang ‘accent’ Psh. Baka duguin pa ako sa pagintindi.

Naglakad na kami patungo sa gate para makalabas sa campus. Nakita naman agad kami ni Tina at kinawayan na lang kami at biglang kumaripas ng takbo.

Psh. Iniwan niya talaga ako kasama tong jejemon na to.

Di kami naguusap habang papunta sa bahay. Buti sanay ako magcommute kaya kahit di kami sabay ni Tina ayos lang. At buti na lang walking distance lang ang condo/apartment namin sa school.

Habang naglalakad kami napapansin ko pa rin ang pagiging uneasy niya. Para siyang natatae na nagmamadali na ewan. Weird guy.

Di rin siya tumitingin sakin. Diretso lang sa daan yung tingin niya. Naiinip na ko! Bakit di kaya siya magstart ng conversation? Inaya niya ko na sabay kami umuwi tapos di naman pala niya ko kausapin? Nagsisisi tuloy ako.

Iba’t ibang tao na yung nakakasalubong namin habang papunta sa sakayan ng jeep. May kilala ako, may hindi. May kilala niya, may hindi din.

Pero pag kilala niya pinapansin niya?! Wtf. Nakikipagngitian pa siya! Tapos ako itong kasama niya di naman niya pinapansin? WTH. Kung ganyan siya di na talaga ako makikipagkaibigan sa kanya!

“Hoy Uno! Inaya aya mo akong sumabay sayo sa paguwi tapos di mo rin naman pala ako kakausapin o papansinin man lang? Dapat pala umuwi na lang ako mag isa! Mamamatay ako sa boredom kasama ka eh!” Pagalit na singhal ko sa kanya. Nilingon naman kaagad niya ako at gulat na gulat sa sinabi ko.

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!