[4] Pr3nDxSz lang naman diba?

68 3 0

Chapter 4

Katie’s POV

 

“Hoy babae gumising ka na diyan! Baka nakakalimutan may pasok tayo ngayon?” Ang aga aga naglilitanya nanaman ang pinakamamahal kong bestfriend. Nagising tuloy ako ng wala sa oras. Bwisit!

“Err. 5 minutes.” Pagsusuma ko at nagtaklob ng kumot.

“ANONG 5 MINUTES? WAG KANG NGANG TAMAD! PAG DI KA PA BUMANGON KAKALADKARIN KITA PABABA!” Ang tining tining ng boses niya grabe!

Bigla nalang akong bumangon ng nakasimangot. Alam ko kasing kakaladkarin niya talaga ako. Sadista grabe.

“Ha!  Akala ko magpapakaladkad ka pa e! Tara na kain na tayo!” Sabi niya habang pumapalakpak pa at bumaba na.

Nakakatamad pumasok ngayon! Bakit pa kasi ako nagpuyat kagabi e. Yan tuloy pahirapan bumangon.

Tamad akong tumayo at tumungo sa CR para maghilamos at magtoothbrush. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at well, maganda pa rin. Para bang sakin nagmula ang salitang beauty rest. Mehehe.

Kumain na kami ni Besh at kwento siya ng kwento. Ok lang sana kung may sense yung topic namin kaso si Bhoxsz chuvachuchu yung topic namin. Sinasabi ba naman sakin na magpaligaw daw ako. Tsss. Di ko na lang pinansin at ayokong mag away kami ni besh ng ganito kaaga.

Pumunta na kami sa school at as expected walang prof. 1st year college na ako at second sem na namin this year. Pareho kami ni besh ng school pero magkaiba kami ng course. Tourism ako at siya Culinary Arts. So that means di kami magkaklase. Kahit isang subject hindi. Err..

Habang naglalakad kami ni besh sa loob ng university ay may nakaagaw ng atensyon ko. Isang lalaki na may  red na buhok, naka jejecap, shades at naka dress.. ay mali! Naka tshirt pala na malaki na kulay green at kulay brown ng pants. Psh. MUKHA SIYANG PUNO.

ANONG GINAGAWA NG JEJEMON NA YAN DITO?! AFFORD NIYA BA MAG ARAL SA GANITONG UNIVERSITY?! Psh.

Hinila ko kaagad si besh para makalayo at di mapansin yung jejemon pero ugh. It’s too late.

“Ay besh! Yung destiny mo oh! Kaschoolmate pala natin siya! Magkakalovelife ka na talaga!!” Sabi niya habang nangingisay. Napa’face palm na lang ako. She can’t be serious right? Destiny? Destiny my face!

“Besh. Di talaga maganda tingin ko diyan sa jejemon na yan e. May kutob ako na may binabalak siya satin. Tara tawag tayo ng guard” Sabay hila ko sa kanya papuntang guard house. Kailangan ko protektahan sarili namin!

“Gaga! May binabalak talaga yan!” OHMAYGHAD. Kinilabutan ako sa sinabi niya. May balak talaga siya? Sht. Di maganda to. Baka maging budol budol gang na rin tong bestfriend ko. Di ako papayag!

“Balak niyang paibigin ka!” Habol niya sa sinabi niya. P-Paibigin? Seryoso? Ew. Di ko maimagine ang sarili ko habang kasama siya tapos papaibigin niya pa ko? Hell no.

“BESH! Don’t say bad words!” Singhal ko sa kanya!

“Wag ka nga magpauto sa gagong yan! Paibigin? You can’t be serious right?! Baka nakawan pa tayo niyan e” Dagdag ko pa pero di siya nagpatinag. Talagang pursigido siyang gawing magkaibigan kami nung jejeguy na yun.

“BUNGANGA MO! Hindi porque ganyan siya manamit ay masamang tao na siya! Napaka irrational mo naman magisip! Mabait yan si Uno!” Sabi niya sabay batok  sakin. Tsk. Delikado to. Nahypnotize na nga talaga siya ng budol budol na yan.

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!