[5] His Eyes

59 4 0

Chapter 5

Katie’s POV

Simula nang magusap kami ni Tina kanina tungkol sa pakikipagfriends ko sa jejemon na yun eh di na ko mapakali.

Good thing di ko kaklase ang jejemon na yun at yung bestfriend ko sa unang tatlong klase ko ngayong araw kaya nakahinga ako ng maluwag. Gusto ko muna ng alone time para makapagready na sa pagiging ‘friendly’ sa criminal na yun.

“Class dismissed” Sabi ni prof. Kinuha ko na kaagad ang bag ko at lumabas na ng room. Tumingin muna ako sa paligid para tignan kung nandito ba yung jejemon o yung bestfriend kong loka loka.

Ayoko muna magpakita sa bestfriend ko kasi paniguradong kukulitin nanaman niya ko sa pakikipagfriends. Psh

Palinga linga ako at mabagal ang bawat hakbang ko sa hallway, siguro sa labas na lang ako kakain kasi baka magkasabay pa kaming kumain ni Tina at  Jejemon.

Halos takbuhin ko na para makalabas lang ng campus dahil oras din ng lunch ngayon ni Besh nang may tumawag sakin.

“Eow K-Katie” Sht. Yung tunog lata niyang boses ay kilalang kilala ko na. Tumindig ata lahat ng balahibo ko sa katawan. Brrr..

Dahan dahan kong kinuha ang panyo ko sa bulsa at itinakip yun sa bibig ko. Prevention is better than cure. At dahan dahan din akong lumingon sa criminal.

Kailangan ko maging friendly.

Kailangan ko maging friendly.

KAILANGAN KO MAGING FRIENDLY PARA DI AKO SABIHAN NI TINA NA GUSTO KO TONG KRIMINAL NA MAY SAKIT NA TO.

Paano nga ba ulit ako napapayag ni Tina? Psh. Ginamitan ata ako ng reverse psychology chuchu ng bruhang yun e.

“Hi Uno!!” Masigla kong bati sa kanya at may ngiting matamis na matamis sa aking labi. Yan tama! Smile lang!

Habang nginingitian ko siya ay natulala na lang siya ulit at nalaglag ang panga habang namumula. Mukha nanamang siyang gago.

Lord! Pigilan niyo ko makagawa ng masama dito sa lalaki na to! Naku naku naku. Kapag di ko napigilan ang sarili ko baka mapatay ko siya at baka ako na ang maging kriminal tapos mababalita na lang sa TV…

“Maganda, Sexy at Drop Dead Gorgeous na si Katie Khryzel Go Pinatay ang Isang Lalaki na Mukhang may Sakit na Adik na Miyembro ng Budol Budol at Martilyo Gang”

Marami pa akong pangarap sa buhay! Di pwedeng mangyari yun. Kailangan ko na siguro maging friendly sa kanya.

“Uhm. Uno natulala ka na ata” Sabi ko sa kanya. Ang tagal na niyang nakatitig sakin e… Sht. Baka ganun ang paraan para matransfer yung sakit niya? Parang sore eyes lang? Agad akong umiwas ng tingin. Mahirap na.

“Ah. S-Sorry. Uhhh. K-Katie pwede s-sabay tayo-o magl-maglunch?” Sabi niya at bigla nanaman siyang namula at nagtakip ng mukha. Hmm.. Siguro ayaw niya akong mahawaan ng sakit? Mabait naman pala siya e!

Di sana ako papayag pero kailangan ko talagang mapakita kay Tina na hindi ko gusto itong kumag na to. Na pwede kaming maging friends at friends lang talaga. Nothing more.

“Sure! Pero isama natin si Tina ha?” Sabi ko. Syempre kailangan makita ni Tina na friendly na ako kaya agad ko siyang tinext para makipagkita samin sa cafeteria.

“T-Talaga?! Salamat!” Sigaw niya na para bang nanalo ng lotto. Ang lapad lapad ng ngiti niya na para bang may binabalak na masama. Psh.

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!