[3] The help of Tina

81 4 4

A/N: Long update po. kasi ang tagal ko nang di nakapagupdate e. hahahaha sorry guys. may tinapos pa kasi akong mga project. Here's chapter 3! Enjoy guys!!

Chapter 3

Katie's POV 

Di mawala sa isip ko yung jejemon na yun! Nagsisisi pa ko kung bakit binigay ko yung number ko. Ano ba pumasok sa isip ko?

Lutang isip ko habang pauwi kami ni Tina. Buti na lang siya yung nagmamaneho, baka mabangga pa kami kung ako. Pesteng jejemon kasi yun e. Feeling ko kasi may serial killer na umaaligid sakin.

Daldal ng daldal si Tina pero di ko na lang pinapakinggan. Nagiisip ako ng plano kung paano ko mapagtatanggol sarili ko sa budol budol na yun. Nahalata naman yata ni Tina na lutang ako kaya nanahimik na rin siya.

Ineenjoy ko ang katahimikan kasi makakapagisip na ako ng maayos kung paano lumaban sa budol budol. Maghire kaya ako ng body guards? Hmmm..

Napatigil na lang ang pag iisip ko ng makarating na kami sa condo namin. Apartment lang to na medyo malaki pero condo tawag ni Tina. Ang lakas daw makarich kid e. Baliw.

Sa iisang apartment lang kami nakatira ni Tina. Malapit lang sa school. Gusto namin maging independent buti na lang pinayagan kami ng parents namin.

“Beeeeeesh ano gusto mong dinner?” Tanong sakin ni besh nang makapasok na kami sa condo.. este apartment. Umupo muna ako sa sofa. Feeling ko kailangan ko magpahinga. Ang daming nangyari ngayong araw.

“Kahit ano na lang” Tamad kong sagot. Hanggang ngayon kasi namromroblema pa ko sa jejemon na yun.

“Okie Dokie” Sagot niya at pumasok na sa kusina. Bakit hindi namromroblema si besh sa jejemon na yun?! Di ba niya nahahalata sa itsura nun na masamang tao siya? Aish.

Di ko na lang pinansin ang pagiging hyper niya. Lagi naman kasi yang hyper e. Kung hindi hyper, masungit naman.

*tenenenten* *tenenenten* tenenententen*

Bigla akong kinilabutan ng napansin kong may nagtext sakin. Para bang may nagsasabi saken na walang maganda sa mababasa ko sa Text. Nagdadasal na lang ako hindi yung jejemon yung nagtext.

*Cross fingers*

From: 09*********

3oW PfHo3wXsZ. 6hOoD 3veNiin =^_^=

Sht! Anong klaseng text to? Dumugo ilong ko!! Ang sakit sa ulo. Di ko maintindihan.

Binasa ko uli yung text at nagbabakasakaling maintindihan ko yung text pero feeling ko habang binabasa ko unti unti akong tinutubuan ng tumor sa utak ko. Psh.

“Tinaaaaaaa! Basahin mo nga to!” Sigaw ko habang papuntang kusina.

Bigla na lang hinablot ni Besh yung phone ko. Tapos nanlaki mata niya at mukhang…  natatae? May natatae bang nanlalaki ang mata? Ay wait. Mukha pala siyang kinikilig... err.. bakit?

“Yiiiiiieee! Beeeesh! Si BhOxSz ChuChu Everluu yung nagtext! Sa wakas magkakalovelife ka na! Eeeeee!” Sigaw niya habang hinahampas ang braso ko at tumatalon talon.

“Lovelife ka diyan! Tigilan mo nga ako! Kahit kailan di ako papatol sa mukhang criminal! Basahin mo nga yung text at intindihin mo! Baka mamaya death threat yan!”

“Yiiiiee! Curious ka sa tinext ni BhOxSz chuchu no?

“Tigilan mo nga ako! Basahin mo na yung text! Tatawag na ko ng pulis”

That Jeje GuyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!