Chapter 75 (FINAL CHAPTER)

Start from the beginning
                                    

Parang nabasag ang puso ko at sinaksak yung dibdib ko sa narinig ko. Lumabas nalang ako at doon ako umiyak. Bakit niya nagawa sakin to? Akala ko ba wala ng sisira samin. Akala ko pa naman siya na yung "perfect guy" para sakin.

"*sniff*" mga kamay ko ang pinamumunas ko sa mga luha ko. Wala namang tao sa harap ng simbahan.

"Panget sa babaeng umiiyak ng walang panyo." narinig ko siya.

Hindi maari, kathang-isip lang to.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko siya. Si Jarren.

"J-jarren?"

"Wag ka ngang maniniwala sa sinabi ng nanay ko! Hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal.." Pinunasan ko ang mga luha ko ay tinigil ko ang pag-iyak.

"A-anong ibig mong sabihin?" pagtatanong ko. Naguguluhan ako.

"Pinilit lang kami ng mga magulang namin ni Shailene na magpakasal. I know it sounds crazy as fck but believe me." May tiwala ako sa kanya. May tiwala ako. May tiwala ako.

"At tsaka hindi dito yung kasalan ano ka ba!" Bigla akong napatigil. Ano? Ibig sabihin hindi sila yung nasa reception?! HAHA.

Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at niyakap niya rin ako.

"Eehhh!! Iyak ako ng iyak!" Sinabi ko sa kanya.

"Shhh.. I'm here for you. Hindi ako papayag na may sisira sa relasyon natin." Hinalikan niya ako,at hinalikan ko rin siya.

"I love you so much Suzzane."

" I love you too Jarren."

<3

Inexplain na namin sa kanila kung ano yung mga nangyare. Yung parents ni Jarren at Shailene,nag-away pa. Si Shailene naman tahimik nalang dahil ayaw rin naman niya yung mga mangyayari nung kasal. (Ayaw niyang magpakasal kay Jarren kasi nga alam niyang may Suzzane na)

Si Coleen at Ate Linda tuwang-tuwa. Sila nanay at tatay ay naintindihan siya.

1month later...

Matapos nun tumira kami sa bahay ni Jarren (kami lang dalawa) at doon na siya nagpropose. Si Madge,masaya na ulit. Bumibisita na ulit siya samin, hindi na siya against,naiintindihan ko naman siya kasi alam ko namang pinoprotektahan lang niya ko noon na masaktan ulit.

Si Coleen,ayun. Naging sila ni Luke. Mabait din yung lalaki. At nalaman namin na kapitbahay lang pala nila Jarren sila Luke doon sa bahay ni Jarren kasama ang pamilya niya (na hindi na niya pinupuntahan)

Simula ngayon, namumuhay kaming maligaya. Wala ng problema sa buhay. Pati sa work kasi tumaas ang sales ng RED,as in sobrang taas.

Wakas na ang kwento ko pero kahit kailan hindi matatapos ang pagmamahaln namin ni Jarren. Simula jeje days at totoy days niya hanggang ngayon.. May forever nga siguro. Kailangan lang ng pagmamahal,pananampalataya at tiwala.

WAKAS

*********************

*crowd screaming*

"SUZZANE! SUZZANE! SUZZANE!"

"Grabe! gusto ko na magpa-autograph!!!"

"Ang ganda ng story niya no!"

"Oo nga eh! sa Wattpad palang nabasa ko na yan!"

"Ma'am Suzzane, dito po yung entrance ng stage." -guard.

Ako si Suzzane, lahat ng yun ay gawa-gawa ko lang. Lahat ng nabasa niyo ay gawa-gawa ko lang. Maliban sa mga taong kabilang na nandun. At hindi rin ako jejemon,regular student lang ako na napublish ang story sa Wattpad.

Hindi ako pinalaki ng tito at tita ko. Kay papa at mama na talaga ko lumaki. Si Noreen,Khyla at Faye ay mga pinsan ko talaga sa province namin. Si Coleen ay kapatid ko talaga. 1st crush ko lang si David noon nung highschool ako. Si Jarren... Siya yung mahal na mahal ko nung highschool pero hindi naman niya ko napapansin. Kaya eto,gumawa ako ng story na alay ko sa kanya. Kung gaano ako kabaliw sa kanya hanggang ngayon. Nasaan na kaya siya?

Umakyat na ko sa stage at nakita ko ang mga fans ko.

Writer talaga ko. Nung highschool ako,ginawa kong diary ang story ko ayun ang alay ko kay Jarren na libro na ngayon. "My Jeje Princess" ang title ng ginawa ko. Si Coleen at ang mga kaibigan ko ay proud sakin. Hindi naman talaga ako boss sa Red,pauso lang din yun.

At lalo namang hindi ako nagka-amnesia. At hind naging kami ng taong mahal ko.

"Thank you po sa pagpunta ng book signing ng My Jeje Princess! salamat po sa suporta!" sumigaw ang mga fans ng sinabi ko to. Nasa isang mall kami para sa MJP Tour.

Dagsa ang mga fans na nagpapapirma sakin ng libro. Lahat sila nagpapapicture. At syempre nagpapasalamat ako sa kanila.

Nakakapagod din pala sa book signing pero nung akala kong tapos na ang pila. Meron pang isang pamilyar na lalaki ang lumapit.

"Suzzane may i talk to you?" Pagtatanong niya.

"J-Jarren?" ANG KINABABALIWAN KO SINCE HIGHSCHOOL. NASA HARAP KO NA. Napakagwapo na niya lalo.

"Hindi po--"

"Hindi okay lang manong guard." Tumayo ako at nakipagusap sa kanya sa backstage.

"Suzzane. I know it's crazy. Nabasa ko kasi yung story mo." bakit nagiinit yung mukha ko.

"Suzzane, sana hindi pa huli ang lahat pero.." kinakabahn ako sa sasabihin niya.

"Nagpakatorpe ako nung highschool tayo. Nahihiya kasi ako sayo kasi yung tatay mo nay ari ng school na pinapasukan ko noon. Edi syempre mayaman kayo tapos mataas standard mo syempre." teka ano ba ibig sabihin niya?

"Suzzane, i'm inlove with you since highschool."

OH MY GOSH. 0_______________0

**********************************************************************************************************

TAPOS NA YUNG MJP HUHU . LOL HAHAHAHAHAHA. SALAMAT SA MGA NAGBASA TALAGA NUNG MJP. FIRST TIME KONG MAKAGAWA NG ISANG NAPAKAHABANG TEEN FICTION. SORRY GUYS KUNG HINDI AKO MARUNONG MAGPAKILIG NG MGA BALAHIBO NIYO. (PERO SIGURO MAKAKAPAGTAYO NA KO NG BALAHIBO SA SUSUNOD KONG STORY *SMIRKS*) SALAMAT TALAGA! IPAKALAT NIYO TO AH. YEHEY! CONGRATS TO US! :D NAKAPAGTAPOS NA KO NG ISANG STORY.

(Meron pa kong pasasalamat sa susunod na chapter. LOL)

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now