Chapter 19

2.9K 36 0
                                    

Author's Note: Damit po ni Suzzane yung nasa picture (yan po yung isusuot niya pagdating ng party party thing.) 

Nandito ako ngayon sa living room sa baba. Wala akong magawa kasi wala na si Madge,umuwi na dahil may gagawin pa raw siya. Ako naman nagfafacebook lang dito,kagagaling lang kasi namin sa pagawaan nung gown ko kasi nakalimutan namin na may part pala sa birthday party ko yung party party na thing. Yung tipong sasayaw ako,yung mga invited LAHAT NA! 

Dahil wala akong magawa. Nagpaalam muna ko kay daddy upang maglakwatsa sandali. Bibili lang naman ako ng pagkain ko at titingin tingin. Nagpahatid ako kay manong driver at hindi naman traffic kaya nakadating agad kami dun.

"Hintayin niyo nalang po ako dito. Text ko nalang po kayo pag pupunta na po ako diyan." sinabi ko kay manong at umalis na. 

Himala pinapasok na ko ng guard. Dahil ba sa pananamit ko? Hayy mukhang nagbabago na ata ako ah? 

Naka simple lang kasi akong damit. Dress,keds tapos nakalugay. Yun lang. Yehey! For the first time! Dati kasi hindi ako pinapapasok ng ako lang mag-isa or kapag naglalakwatsa kami nila Faye,dahil sa mga suot namin. 

Speaking of suot . Excited na talaga ko para sa Monday (Sabado palang kasi ngayon eh) kung ano magiging isura nung event,itsura ng damit,itsura ng mga tao.. AT HIGIT SA LAHAT.. ITSURA KO! Maganda kaya ako? O sobrang ganda ko? Joke. 

Pumunta muna ko sa McDo para bumili ng French Fries,Burger at coke float. Dun ko na rin yung kinain at ayoko ng magtake-out. Nagugutom na kasi ako. 

Habang kumakain ako,may mga grupo ng lalaki na tingin ng tingin sakin. May mga itsura sila at mukhang sa private din nagaaral kasi halata sa kutis,itsura nila at pati na rin sa uniform. Buti pa ang Hendersonville,minsan lang may pasok kapag Saturday. ^________^ 

Maya-maya habang kumakain ako. May lumapit saking babae,wow. Nakita pa niya ko eh nasa sulok ako? 

"Hi Miss,may nakaupo dito?" meron. Ghost siya. Natural wala... 

Habang kumakain ako may nagsalitang babae at tinignan ko. Napanganga ako kahit hindi ko pa nangunguya yung burger. Nanlaki din yung mata nung babae. Nagulat ako sa babaeng nakita ko si... si.. 

"NOREEN!" sigaw ko at karamihan ng nandun sa McDo ay nakatingin sakin. 

"SUZZANE!" sigaw niya. Actually sabay kaming sumigaw . At syempre dalawa kaming sumigaw,hindi maiiwasan na makakuha kami ng atensyon ng bawat tao. 

Umupo si Noreen bigla at hinawakan ang pisngi ko. 

"Suzzane?! Ikaw na ba toh?!?!?!" tanong niya habang tumitingin-tingin sa iba't ibang parte ng katawan ko. Maya-maya napatigil siya sa pagtingin.

"Oo nga! Ikaw nga Suzzane! Grabe gumanda ka ata? Nagbago ka na? May kamukha kang artista eh! Si Tay---" 

"Ah oo nagbago ako. Pati buhok ko diba? Grabe ! Ikaw rin nagbago ka na! Kumusta ka na?!?!" tanong ko. 

"Eto okay lang. Actually hindi na ko gangster or jejemon sa term ng bawat tao. Iniwanan ko na sila Khyla at Faye,hindi ko na kinaya ang pagiging kagaya dati. Eh ikaw? Sino nagpabago sayo? Yung tatay mo ba?" tanong niya na parang excite na excite. 

"Ah. Hindi lang si Tatay.. Yung isa ko ring kaibigan. Mabait yun at mayaman. Ang pangalan niya ay Madge!" napa-ahh nalang si Noreen. 

"Wait lang ah. Oorder ako at dito narin ako kakain!" sabi ni Noreen

"Isabay mo ko ng nuggets with rice. Eto pera oh! Salamat" sabi ko kay Noreen

"Grabe,katamaran mo ha! Hindi pa rin nagbabago." tumawa lang kami at umalis na siya para umorder. 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon