Chapter 9

3.7K 39 2
                                    

Author's Note: 
Si Noreen po yung nasa picture! ^^ 


Suzzane's P.O.V. 


Hayyy,buti nalang kahit bago ako sa school na ito,nagkaroon ako ng kaibigan. Nung nag-online ako nakita ko agad na may friend request ako at yun ay si Madge! Hayy grabe ang ganda niya sa DP niya (display photo sa mga hindi nakaka-alam) ! Nakakainggit talaga siya! Hindi siya kagaya ko na jejemon XD. Nung inaccept ko siya biglang may nagmessage sakin at yun si Madge,nagtype ako ng maayos pero di ko magawa kaya nagtype nalang ako ng jejemon dahil dun na ko nasanay. Sana naintindihan niya! Pero hindi eh,nagulat pa siya kung bakit ganito ako magtype. Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa mga sinabi niya sakin. Sh*t! Nakakahiya! Sinabi niya na lang na mag-uusap kami at ako naman medyo nasaktan. Pagka-offline ko tumingin ako sa salamin at nagsalita... 

"Hayy Suzzane,kaya ko kayang magbago?" 

Tinanong ko ito sa sarili ko habang tumitingin sa salamin at nagulat ako ng may sumagot.

"Oo naman." tumingin ako sa pintuan at nagulat ako at napasigaw ng ... 

"Ate Linda?! Hala bakit po?!" sigaw ko .

"Shh,wag kang maingay iha." pumasok siya at sinara ang pinto. Kumuha siya ng upuan at nilagay sa tapat ng salamin. 

"Tara iha,upo ka dito." umupo ako ng pagkatapos niya itong sabihin. Hinihimas himas niya yung buhok ko. At tinanggal ang pagka-ponytail ng buhok ko. 

"Oo naman.... Kaya mong magbago... Nakita kasi namin ng tatay mo yung facebook mo,at nakita ko ang mga pictures,post at pagtytype mo... Iha,mali ang pagpapalaki sayo ng tito at tita mo. Kailangan mo ng magbago." tumitingin lang ako sa salamin at pansin ko may kinuha si Ate Linda nung sinabi niya ito. Kumuha siya ng suklay at sinuklay ang buhok ko. 

"Hayy manang-mana ka talaga sa mama mo,pareho kayong ginto... puti... Ewan! Hindi ko alam ang kulay ng buhok niyo! Pareho pa kayong maganda. Pero sa tingin ko,hindi kayo pareho ng pag-galaw." sinabi ulit ito ni Ate Linda at ako naman ay ngumiti ng konti..

"Magbago ka na ah?" sinabi niya at umalis na. Nagbihis na ko ng pantulog at hindi na ulit ako nagpony tail nung gabing yun. 

Nagising na naman ako sa maingay na alarm clock at ako naman ay pinindot ko agad. Naligo agad ako at nagbihis. Bumaba na ko para kumain ng almusal at nandun si tatay,nagi-ipad. Habang kumakain ako nagsalita siya. 

"Umuwi ka ng maaga okay?" sinabi niya

"Sige po tay." sinabi ko ito. Pagkatapos kong kumain,pumunta na kami sa kotse at umalis na. Sinuklay ko ulit yung buhok ko at nakalugay ulit ako. Ayan na ! Nandito na naman ako sa Hendersonville at magiiscan na ko ng I.D. Tinuruan ako ni tatay magscan ng I.D. at yung iba sa likod nagmamadali na dahil ang tagal kong magscan. At sa wakas ! Nung na-scan ko na ay nakapasok na ko! Ganun pala yun. Paginiscan mo na yung I.D. mo makikita dun sa monitor yung pangalan mo.... Tinignan ko ang monitor at nakalagay .. 

Suzzane Bautista PRESENT
4th Year Highschool 

Nung pagkapasok ko,sumalubong sakin si Madge at yung isang kaibigan ni Jarreng dimonyo na si Ralph. 

"Hayy salamat! Akala ko hindi ka na papasok! Teka ! Diba sabi ko mag-uusap tayo?" oo nga pala maguusap nga pala kami ni Madge. 

"Ahh oo nga pala!" sigaw ko at lahat ng mga pumapasok na estudyante ay napatingin sakin.

"Ralph,pwede bang iwanan mo muna ko please lang." sinabi ni Madge. 

"Oh sige babe." sinabi ni Ralph at kumindat pa. at umalis na. 

"Petengene talaga nito oh!" 0_____0 nagulat ako sa mura ni Madge! Akala ko yung mura niya ay sosyal hindi pala! 

"By the way,Suzzane. Nakita ko yung facebo--" 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon