Chapter 55

1.9K 27 1
                                    

Jarren's P.O.V. 

Bakit parang iba ang higaan na hinihigaan ko? Minulat ko agad ang mga mata ko para makita kung nasaan ako. At nagulat naman ako at napatayo ako dahil nasa bahay ako nila Coleen! 

Tumayo ako at bigla namang may sumigaw,at si Suzzane. 

"WAAHHH! Bakit nandito ka sa bahay ko?!" sigaw niya habang tinuturo pa niya ko. Sunday ngayon at walang work kaya buti nalang ... 

"WAAAHH! Bakit nandito ako sa bahay niyo?!" ngumiti si Suzzane at binato yung unan sakin at ako naman nagtataka. 

"Joke lang. Dinala kita dito kasi lasing ka kagabi,tapos kinalabog mo yung pinto ng kotse ko para kang baliw." sinabi ni Suzzane at pumasok siya sa banyo niya. 

"Diyan ka lang muna dito ka na rin pala magbreakfast." at yun hinintay ko siya matapos sa pagsisipilyo. (Tss ako wala pa kong toothbrush.) 

Pagkatapos niya hinagis niya sakin yung toothbrush na blue at sinalo ko rin naman. 

"Oh ayan magsipilyo ka." tapos pumunta pa siya dun sa closet niya. 

At ako naman nagsipilyo na agad at naghilamos. Naalala ko pa rin yung kay Coleen kagabi. 

Lumabas na ko at nakabihis na rin naman si Suzzane. 

"Oh tara sa baba." at nauna siyang lumabas at bumaba na kami

Bumaba kami at kami lang ata tao sa bahay. Pumunta siyang kusina at ako naman umupo nalang ako dun sa upuan sa kusina nila. 

Naghahanap siya ngayon,ewan ko ba kung ano hinahanap niya. Nakakahiya rin naman kung dito ako kakain. 

"Uhm Suzzane,i think kailangan ko ng umuwi." sinabi ko at tumingin siya sakin. 

"Oh... Oh sige." tapos hinatid niya ko papunta sa gate at lumabas na ko. Hindi na siya kagaya nung dati. Tanga ko naman kasi noon. 

*****************

 Suzzane's P.O.V. 

Hayy salamat umalis din siya. Paano ba naman kasi ako makakapagluto ng makakain namin kung wala namang pagkain na iluluto? 

At hindi pa siya nagthank you sakin ah? Tsk! Napaka cold talaga! 

Humiga nalang muna ko sa kama at nagcellphone pero nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at si Coleen. Ako naman tumayo naman ako kaagad. 

"Ate.." umiiyak siya at niyakap niya ko. 

"Sorry talaga! Sana bigyan mo pa ng chance si Jarren!" bigla naman ako nagtaka pero niyakap ko nalang siya. 

"Coleen,hindi na pwede." hindi na ata pwede. 

"Ate naman eh! Alam kong may gusto ka pa rin sa kanya. Kaya nga pinatigil ko na siya sa panliligaw eh!" at humiga siya sa kama niya at ako naman ngumiti nalang at umupo sa kama niya. 

"Coleen,madami pa naman iba diyan na magugustuhan niy--" 

"Mahal ka pa rin niya ate." sinabi niya. At nginitian niya nalang ako. 

Parang dati lang agaw siya ng agaw,samantalang ngayon pinagtatambal na niya kami... :/ 

Bumaba nalang ako sa bahay at kumain. Ng kumain... ng kumain.. Tumawag sakin si Rose at sinabing natapos na kaagad ang pagpriprint ng pages ng magazines at kinakabahan ako at sana tumaas na ang mga sales. 

Coleen's P.O.V. 

Ang totoo niyan natulog ako kala Ate Madge,kahit na medyo galit sakin tong si Madge wala na kong pakialam. Basta yung 3 kaibigan ni Suzzane medyo okay sakin. 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now