Chapter 69 (there's a little bit of SPG at the last part)

1.9K 25 0
                                    

Jarren's P.O.V.

Pumunta muna kami ni Suzzane sa mall para daw mag-grocery. Babalik na ulit si Suzzane sa work sa Monday dahil na tour na namin siya sa office at ipinakilala na namin siya sa lahat.

"Shit ang gwapo oh!"

"Malaki lang muscles gwapo na?"

"Tumahimik ka na nga lang! Gwapo kaya siya."

"Akin siya no."

"Hindi,akin siya!"

"Tumigil nga kayo Raymond at Lloyd,kabaklaan niyo."

Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig kong sinabi ng isang babae dun sa kaibigan niyang pinaguusapan ako kanina.

"Teka Jarren ikaw ba pinaguusapan nun?" napahinto ako sa pagtulak ng cart ko nang magsalita si Suzzane.

"Ah oo" nanghinayang naman ako sa tanong niya.

"Ahh. Kasi pag umaalis tayo palagi nalang may naguusap na ganyan lalo na mga babae pa. Ngayon lang ako nakarinig at nakakita na pinagusapan ka pa ng isang... bakla." Medyo natawa naman ako dun at nakita ko siya na kumuha ng isang shampoo niya.

"Teka nagseselos ka ba?" Nakita ko kasi yung mukha niya na nagbago yung emosyon.

"Di."

RULE #1 FOR GUYS.

Pag sumagot ng ganyan ang taong mahal niyo sa mga tanong na..

"Uy galit ka?"

"Selos ka no?"

Basta related diyan...

Pag sumagot yan na "Di." Basta walang emosyon at deretso ang sagot?

Asahan mo na NAGSESELOS YAN O KAYA GALIT YAN.

~~~~~back to the story~~~~~~

"Weehh?? Nagseselos ka eh!" Kami lang naman dalawa ang namimili sa row na ito .

"Hindi nga." di parin siya tumitingin sakin at ganun parin ang emosyon ng mukha niya.

Napatahimik nalang rin ako hanggang sa..

"Uyy,apektado!" sigaw ni Suzzane.

"Huy wag ka ngang maingay! Pag may nakarinig satin." Sinabi ko sa kanya .

"Kala mo ba di ko nakikita mukha mo. Parang kang bata na naputukan ng binili mong lobo hahaha."

At doon ko lang din naman nalaman na nagbiro lang siya. AHHH! Kainis.

Namili pa kami ng namili hanggang sa pumunta na kaming counter.

"Oh Jarren pila ka muna diyan ah,may nakalimutan kasi ako." Pumayag naman ako at nakapila lang ako dito.

"Ahh ate,may nakapila pa po ba dito?" Pagtatanong ko dun sa may cart na nasa harap ko at nasa likod nung ate na binabayaran na yung mga pinamili niya.

"Ahh oo. May kinuha lang daw saglit." Sinabi naman nun at tumango nalang ako.

May babaeng sumiksik sa gilid ko at pumunta sa may cart na nasa harap ko.

"Excuse me ha." at nilagay na niya yung ibang pinimili niya dun sa counter.

No. It can't be. Iaatras ko sana yung cart ko para maka-alis pero may mga nakapila na pala sa likod ko.

Siya.. Si... Shailene.

"2,386 po lahat mam." Sinabi ng counter at nagbayad naman agad siya.

Habang hinihintay niya yung sukli napatingin siya sakin.

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon