Chapter 5

3.4K 51 3
                                    

Author's Note:
Si Ralph Reyes (bestfriend ni Jarren) po yung nasa picture! ^^

Suzzane's P.O.V. 

Paano na mga kaibigan ko?! Nasanay akong sa public lang nag-aral! Hindi ko maiiwanan sila! Paano kung pagtawanan lang ako ng mga estudyante dun? Paano kung may nambully sakin dun? Paano kapag naging miserable ang buhay ko dun? Lahat ng pumasok na tanong sa isip ko ay tinanong ko kay tatay at nagulat ulit kami ni tita sa sinabi ni tatay.. 

"Okay lang yun,ako ang may ari ng school na yun." una hindi ako naniwala,dahil medyo malapit lang ang Hendersonville samin. Bakit ngayon lang ako pinuntahan ng tatay ko? Bakit hindi ko man lang nalaman na sobrang yaman na niya? 

Nag-usap kami ng matagal kung saan yung direction papunta dun,rules dun,room ko at iba pa. Nagtataka ako kung bakit may bag sa tatay na malaki... 

"Tay ano po yan?" tinanong ko. At tumingin siya sa bag,lumapit siya dun at binuksan. Pinakita niya sakin ito at isa itong... 

"Uniform? Ayan po ba yung uniform sa Henderson?" tanong ko. 

"It's Hendersonville anak. At yes ayan yung uniform mo. Bukas ka na papasok dun." nanlaki ang mata ko ng malaman kong bukas na ko papasok dun. 

"Wag kang mag-alala ako na bahala sa tuition,registration,I.D. anything. Basta ako na bahala." sinabi niya ito ng makita niyang lumaki yung mata ko. Maya-maya nagsalita si tita... 

"Oh ano pa hinihintay mo Suzzane? Mag-impake ka na!" sabi niya. 

"Ano po?! Dun na ko titira sa tatay ko?" parang naman akong tanga,malamang dun na kasi tatay ko yun pero.. Iiwanan ko na sila tita at tito? Yung tunay na nag-alaga sakin simula nung baby ako?

"OO Suzzane dali na! Dalaw dalaw ka nalang dito kapag may time ka." sinabi niya at nagimpake naman ako. Habang nagiimpake ako tumatahol si Chacha na parang ang lungkot ng tahol niya. 

"Dadalaw din ako dito Cha okay? Wag ka ng malungkot! Pag dumalaw ako dito dadalhan kitang pasalubong... Kukuha ako sa Hendersonville ng I.D. ng gwapo tapos papakain ko sayo ha? Kahit dilaan mo yung I.D. na yun!" kinausap ko siya kahit aso siya,alam ko namang nakakaintindi ang isang aso noh. Pagkatapos kong mag-impake bumaba na ko at nagbye kala tita at tito. 

"Oh bye na Suzzane,gusto ko kapag bumalik ka dito hindi ka na tambay tambay ha! Mayaman ka na ngayon dapat magbago ka na!" hayy naku si Tita talaga >_< 

"Sige po try ko po. Bye na po." niyakap namin ang isa't isa at kiniss niya ko sa pisngi at unti unti kaming umiyak. 

Pagkalabas ko nakita ko sila Khyla,Faye at Noreen.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Noreen. 

"Lilipat na ko ng school at dun na ko titira sa tatay ko." niyakap ko sila at nakita ko sa mukha nila na parang natulala sila at naiyak dahil medyo malayo ang Hendersonville at siguro pati yung bahay ni tatay ay malayo. Niyakap na rin nila akong pabalik at umiyak na sila ng todo. 

"Ano ba ! Dadalawin ko naman kayo eh!" sinabi ko sa mga kaibigan ko at sumakay na ko sa kotse ni tatay. 

Maganda yung kotse ni tatay,nakita ko sa likod ng kotse niya... Ang pangalan nung kotse niya ay Hiace. At ang lamig,ngayon nalang ulit ako nakasakay sa kotse. Siya yung nagdridrive at kami lang dalawa ang nandun sa kotse. Ang layo pala ng magiging bahay namin ni tatay.. Kaya habang naghihintay ako naglaro muna ko sa cellphone ko ng---- tengene wala nga pala tong laro. Ang pangit talaga ng CP ko! Nakakahiya! Mayaman yung tata--- mayaman ako? Pwede ko na bang gamitin ang term na mayaman ako? Sige! Mayaman ako tapos ang panget ng cellphone ko! >__< hayy laki ako sa hirap kaya kailangan marunong akong maghintay at magtiis. Dahil malayo yung bahay ni tatay,natulog muna ko... Hayyy ang sarap ng tulog ko... 

Ang sarap talaga ng tulog ko...

Ang lamig pa...

Ang lambot pa ng hinihigaan ko...

Feel at home sa kotse ng tatay ko...









TAPOS SABAY HUMINTO. 

Nalaglag ako sa kotse at nagulat si Tatay.. 

"Suzzane anak! okay ka lang ba?" tanong niya

"Ah opo opo okay lang po ako!" sagot ko

"Nandito na tayo." sinabi niya. 

Tumingin ako sa bintana at ... !@#$%^&?! NAPAKALAKI ng bahay ni Tatay! Ang ganda! Isang... MANSYON! Nandun lang kami sa kotse at bumubusina si tatay upang buksan yung gate. At pagkabukas nung gate... SH*T! Nakita ko ang harap ng mansyon ni Tatay! May mga magagandang puno sa gilid at may fountain sa gitna.

Habang inaandar ni tatay yung kotse,binukas ko yung bintana at ang ganda ng simoy ng hangin. May mga yaya na naggugupit ng dahon sa mga puno at yung iba nagwawalis. Dumaan kami sa parking ng bahay nila at napakaganda talaga. Bumaba na ko. Pumasok na kami sa bahay at sinabi ni tatay na feel at home ko na daw. Nagtour ako at.... hindi ako makapagsalita dahil napakaganda. May hagdan na malaki pag dederetso ka. At kapag pupunta kang kaliwa may maikling hallway at makikita mo .. ANG LAKI NG LIVING ROOM NILA! Ang ganda ng TV ng sofa ng sahig. At may sliding door (glass) sa living room sa gilid at makikita mo ang view ng SWIMMING POOL NILA! Ang ganda talaga! Then may dalawang maikling hallway sa kaliwa at kanan ng living room,yung sa kaliwa C.R. at ang ganda ng CR!! Ang laki ! Sala na ata ito ng isang ordinaryong pamilya. Pumunta naman ako sa isang maikling hallway at may sinabi sakin si tatay..

"Ay yaang room na yan ay Cinema. Diyan ako minsan nanunuod ng mga action movies." WOW! Pumasok ako dun at napakaganda! Maliit lang yung cinema pang pamilya siya at napakaganda. Lumabas na ko sa living room at pumunta naman sa kabilang hallway at yun ay ang kitchen. Maganda!! Lumabas na rin ako dun at hinatid ako ni tatay sa kwarto ko. At ang laki nito... Grabe hindi ko talaga masabi ang itsura ng bahay ni tatay.  May tinanong ako sa kanya.. 

"Tay,ikaw lang ang nandito? Sa malaking mansyon na ito?" tanong ko dahil nagtataka ako. Isang tao... sa malaking mansyon?! 

"Actually bago palang toh,hindi toh yung bahay na iniistay-an ko nung naghiwalay kami ng mama mo. Bago kasi ako magbuild ng school nagpabuild na rin ako ng bahay. At nung medyo nagkaroon na ko ng pera. Dito na ko nagstay. At yang room na yan ay ginawa ko talaga para sayo anak. Gusto ko na talagang sunduin ka matagal na,pero parang pumasok sa isip ko na baka sobrang galit ka sakin kaya... Hinintay ko muna ang tamang panahon. Oh sige may gagawin lang ako,nandun lang ako sa office room ko ha? Kung may kailangan ka punta ka nalang dun." sinabi niya at bago pa siya makaalis.. Niyakap ko siya at sinabing..

"Salamat tatay."

 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon