Chapter 2

4.4K 48 5
                                    

Author's Note
Si Jarren po yung nasa picture! ^^

Jarren's P.O.V.

Uwian na! Sakasongalang. Wala yung sasakyan at yung driver na laging nagsusundo sakin. Kaya hindi ko napigilan na sumakay nalang sa tricycle! Bwisit.

"Kuya magkano sa **** street?" tanong ko

"40 nalang boss." boss? tss. Geh payag na ko kaya sumakay na ko.

Grabe naman tong magdrive! Halos masagasaan na yung mga taong tumatawid. Sa sobrang bilis ni kuyang magdrive,malakas yung salpok ng hangin sa mukha ko at lagi akong napupuwing. >__< Pumikit nalang ako at naramdaman ko na napunta yung I.D. lace ko sa likod (kasi naman ang lakas nung salpok ng hangin) kaya naman kinuha ko ito at naramdaman ko na sumabit.

Hindi ko makita dahil nakapikit ako. Kapag ako ay dumilat mapupuwing na naman ako ng ilang beses kaya hinila ko nalang ito at yun! Natanggal sa pagkakasabit at nilagay ko nalang ulit sa harap ko. Pagkarating sa bahay namin. Nagbayad na ko at binukas ko yung gate at pansin ko wala yung kotse. Pumasok na ko at nakita ko sila Mom at Dad kumakain..

"Oh Jarren,kakain ka na ba?" tanong ni Dad.

"Mamaya nalang po Dad,busog pa ko." umakyat ako at nagbihis. Hinubad ko na yung uniform ko at pantalon ko. Hayy grabe nawawala na yung dream kong katawan si Tom kasi eh! Hindi na ko sinasama pagpumupuntang GYM pano ang daming chicks. Hinubad ko na rin yung I.D. lace ko.. Wait WTF !?!?!? I.D. Lace?! Nasan yung I.D. ko? Bumaba ulit ako dahil baka nalaglag lang sa dinadaanan ko.

"Anak! Bakit nakahubad ka? Magbihis ka nga muna! Nakakahiya sa mga yaya oh!" sinabi ni Mom. Oo nga pala naka hubad ako at nakashorts lang. Umakyat ulit ako at nagbihis. Grabe! wala sa mga pinagdaanan ko. Takte! Baka natanggal nung nasa tricycle ako! Grabe naman kasi si Manong driver eh! Ang bilis magmaneho! >___< Naiinis ako dahil pag wala yung I.D. ko hindi ako makakapasok sa school dahil kailangan yung bar pass dun! Binukas ko muna yung computer ko at may nakita akong may nagmail sakin..

h3ll0w kUy4 4k0 p0 s1 sUzzAne n4pul0T k0 p0 yUnG I.D. n1y0.
Fr: Bhoxz Suzxane
5:41 P.M

WTF?! ano?! Hindi ko maintindihan?! 2014 na jejemon parin! Hayy grabe naman tong babae... lalaki.... alien?! Hindi ko alam yung kasarian niya dahil hindi ko rin maintindihan yung name niya! Hayy naku.. "napulot" at yung "I.D" lang ang naintindihan ko. Baka napulot niya yung I.D. ko!! Nagreply agad ako..

Huh? Hindi kita maintindihan ! WTF bakit kasi jejemon ka? 201

MAIL SENT

Ang tagal niya magreply ! Gawin ko nga muna yung assignment ko! Hayy wala paring reply kaya nagsit-ups muna ko. At pagkatapos ng mga ginawa ko nagreply na siya!

sAbI kO nApUlOt kO I.D. mO!
Fr: Bhoxz Suzxane
5:52 P.M

Ayun naintindihan ko na. Kinausap ko siya na magkita kami. At parang ayokong makipagkita dahil napaka-panget siguro neto,kasi jejemon eh. Sinabi ko na rin sa kanya na kung saan kami magkikita at kung anong oras. Nagbihis na ko.. ang suot ko ay t-shirt ko at short na maong. Hindi na ko nagsando dahil baka mamaya may lumapit saking mga babae at magpa-rape. Eww. Pero kung chicks yung magpaparape papaya--- HAYY NAKU! Tapos na kong magbihis kaya aalis na ko.

*****************************************************************************************
Suzzane's P.O.V.

Hayy ang pogi sana eh,sakasongalang madaling magalit. Hindi agad ako nakapagreply sa kanya dahil nagtiis akong magtype ng maayos pero di parin maayos. Pero ang maganda,naintindihan na niya.

Nilagay ko muna yung I.D. sa tabi ni Chacha,nakakulong naman yun sakasongalang maingay,tahol ng tahol. Tapos sa kwarto ko pa nilagay,hindi tuloy ako minsan makatulog pag-gabi. Nagbihis ako ng t-shirt na nakuha ko sa Taylor Swift Gift Give-Away at nakashorts at nakasapatos na Keds.

Lagi akong nakapony tail pero this time tinanggal ko ang pagkatali sa buhok ko syempre first time akong makikitang nakalugay ng taong bayan XD at hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na blonde ako at medyo kulot ang buhok ko,nagmana kasi ako sa mama ko na half-foreign pero TAGALOG NA TAGALOG kung magsalita. Naalala ko na naman si Mama... hindi ko napigilan tumulo yung luha ko. Pagkatapos kong magbihis bumalik ako kay Chacha at nagulat ako! Dinidilaan na pala ni Chacha yung I.D. nung Jarren!

"Chacha!! Bakit mo dinilaan yan? Oo alam kong pogi pero dapat kiss lang okay? Wag rape!" sigaw ko at kinulong ko ulit siya. Ano bayan dapat kasi iniiba na toh ng kulungan eh! Lagi nalang nakakawala! Hala basa yung I.D. puro laway! Meron ding nabura dun sa ID! Parang bar code,okay lang yan. Baka kasama yan sa ID! Wala namang saysay yan.

Binulsa ko na at pagkababa ko. Tamang-tama nandun si tito! Tricycle driver kasi yun at mabilis magdrive parang roller coaster. Masaya sumakay diyan promise!

"Tito! Hatid mo naman po ako sa Hendersonville School!" sabi ko,alam naman niya yun dahil dun siya lagi naghihintay ng pasahero. Sumakay na ko sa kanya. At sobrang laki ng Hendersonville at matataaas yung wall pero makikita mo parin naman yung isang building na nasa harap ng school. Pero ang dami niyang buildings sabi ng tito ko. Matagal kaming naghintay dun sa lalaki kaya bumaba na ko sa tricycle at pinaalis na si Tito,ayoko rin siyang maghintay kaya ako nalang natira dun.

Umupo ako dun sa bench at may nakita akong lalaking nakagray at nakashort ang gwapo! Tumakbo siya papalapit sakin at parang nagslowmotion ang lahat at lumabo ang aking paningin at siya lang yung malinaw.. GRABE! Ang pogi! Ang tangkad... at ang HOT! Bumalik na sa dati yung paningin ko at natulala ako sa mukha niya! At yung braso niya,fit na sa sleeves nung t-shirt dahil sa muscles! Grabe !! Ang hot! Tapos yung mga pawis niya!!

*tap

Tinapik niya ko sa ulo at sinabing...

"Miss narinig mo ba sinabi ko?" wait what? may sinabi na siya?!

"Ay sorry! Ano ba ulit sinabi mo?" tanong ko

"Sabi ko.. Ikaw ba yung nakachat kong babae na nakapulot ng ID ko? Yung medyo Jejemon?" tanong niya. Wow jejemon,tanggap ko..

"Ah oo,eto nga pala yung I.D. mo." kinuha ko sa bulsa at ang lagkit!! PAKTAY AKO DITO! Hindi ko pala napunasan yung I.D. niya! 0_____0 

Nagulat siya nung inabot ko at kinuha niya

"Hala bakit ganito toh?! Ang lagkit?! Nabura yung bar pass ko?!?! PANO NA YAN MISS! HINDI NA KO MAKAKAPASOK NIYAN!" sabi niya,galit siya

"OA mo naman! Bar code lang ya--" naputol yung sinasabi ko ng sumigaw siya sa galit. Kahit galit pogi pa rin. Ano ba yan ang landi ko..

"It's not just a bar code miss!" umalis siya,kahit konti naintindihan ko naman yung sinabi niya. Oo bobo ako pero naintindihan ko. Hala patay ako niyan. Pano na yan baka hindi na siya makapasok. Yumuko nalang ako at nalungkot. Umalis na rin ako grabe dapat pala hindi ko nalang pinaalis si tito.. (hindi pa nagthank you yung lalaki.) Ano ba yan! Hindi pa ko nakapag-sorry...

********************************************************************************************
Jarren's P.O.V.

Wala nga pala yung kotse kaya maglalakad nalang ako. Nung nakita ko na yung ... BABAE! Babae siya! Tumakbo agad ako. Ang ganda niya.. Ang ganda nung buhok niya,mukha at ng style niya. Hindi ko na napigilang tumakbo para tignan siya at kausapin kung siya ba yung naka chat ko. Tinanong ko siya kung siya ba yung nakachat ko at pansin ko tulala siya sa katawan ko. Hindi ko napigilan tapikin yung ulo niya at tinanong kung narinig ba niya yung sinabi ko. Nagalit din ako sa kanya ng nalaman kong nabura niya yung bar pass namin sa school. Iniiscan kasi sa school namin yung mga I.D. namin at yung bar pass ang kailangan dun. 

Umalis na ko at tumakbo ulit. Akala ko siya yung tipong tambay o jejemon na napaka-panget na nakikita ko sa kanto,ibang-iba ang itsura niya,hindi siya mukhang tambay. Pero sa ugali palang niya mukhang tambay talaga. Hindi manlang nagsorry dahil sa nagawa niya! Grrr. Ang ganda na sana,ang panget naman ng ugali.. KAKAINIS!

Your gonna pay for this....

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon