Chapter 31

2.6K 26 4
                                    

Jarren's P.O.V. 

Tsk dapat pala dinala ko nalang yung journal ko. Nandito na naman ako, nakatambay sa convenience store. Ang boring naman kasi sa bahay at kailangan ko pang magpart time.. Ang problema,wala pa kong mahanap na part time job. So dito muna ko. Kakadissmiss lang samin at ginawa pang janitor si Madge at Suzzane >__< Actually kay Suzzane lang ako concern. Well back to the part time job problem...

Naging spoiled din naman ako kala mama at papa kaya ginaganito na nila ako ngayon. Sinasanay na nila akong mabuhay mag-isa lalo na't magcocollege na ko. Pinagiisipan parin kasi ng mga magulang ko kung sa ibang bansa narin nila ako pagaaralin eh. Hayyy buhay...

Habang kumakain ako ng donuts nakita ko na pumasok din ang gagong David. Nabwibwisit talaga ako sa pagmumukha niya! Ang nakakainis pa,tumabi pa sakin. Shizz bakla talaga.

Tinititigan ko siya ng masama ng hindi niya napapansin tapos nag "Tss" nalang ako.

"Anong problema mo?" tanong niya sabay sipsip dun sa slurpee niya.

"Yung pagmumukha mo." bigla naman siyang nagtaka sa sagot ko. Naiinis ako sa kanya! 

"Huh? Di kita gets pare. Ano ba meron sa pagmumukha ko? Mas pogi ba ko kesa sayo?" pagtatanong niya. Wow. Isa pang pagaassume mo babasagin ko mukha mong gago ka. 

"Shizz." tumayo nalang ako at tinapon ang kinakain ko sa basurahan. 

"Teka lang Jarren ano bang prob--" hindi ko na siya pinatapos dahil lumabas na ko sa convenience store na ito. Nakita ko rin na lumabas si David ng convenience store at hinawakan ang balikat ko pero hinila ko lang ang kamay niya at nilagay ko siya sa pader at parang nauntog tuloy ang buong katawan niya dahil sa lakas ng paghila at pagtulak ko sa kanya sa pader. 

"Ano problema ko?! Ikaw! Kayo ni Suzzane! Isa pang lapit mo sa mahal ko at isa pang pamporma mo sa kanya,basag yang mukha mong gago ka." nakahawak ako ngayon sa kwelyo niya at tinulak niya ko at nagsalita naman ang gago. 

"Wala kang pakialam. Eto ang nararamdaman ko kaya dapat kong ipaglaban toh. Ha! Mahal mo pala siya? Pero kung bastusin mo siya eh noh." nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko siya napigilang suntukin sa mukha at napatumba siya. Wala na kong pakialam kahit nakatingin na yung iba samin. 

"Mas wala kang pakialam dahil mahal ko siya.." tumalikod na ko para umalis pero nagsalita ako ng ako lang ang nakarinig.. 

"At ipaglalaban ko rin ito." umalis na ko at umuwi na sa min dahil may pasok pa bukas.....

********************************

Hayy nagpaalam na ko kay Madge na hindi na ko muna sasabay kay Suzzane sa ID dahil last day na naman. Magsesembreak na kasi. Kaya pinayagan na niya ko pero kailangan daw pagbalik na sa school,sasabay na daw ako kay Suzzane. Ano ba yan.. =____________= 

Eh ang awkward naman kasi,oo mahal ko na siya matagal na. Oh ayan ah masaya na kayo? Di ko rin alam kung bakit eh.. Natotorpe din ako sa kanya. Ayokong sabihin sa kanya dahil nakakahiya talaga. Eh duwag na kung duwag.. 

Pagkarating ko sa classroom nakita ko si Suzzane na tumingin sakin,syempre ako naman iwas tingin. Pero pagkaupo ko lumapit siya sakin. 

"Oy. yung notebook mo. Muntik na yang itapon kahapon. Paano kasi nakakalat." sinabi niya pero parang di siya makatitig ng deretso sakin?... Hmm binasa niya ba toh

"Baka binasa mo toh." sinabi ko at kinuha ang journal ko at nilagay sa bag ko. 

"Wala akong balak." sinabi niya at umalis na rin siya. 

Shizz. Kinabahan naman ako bigla dahil baka binasa niya kahit yung isang page niya. Eh puro naman kasi siya ang laman ng notebook na ito. Bwiset!! Tanga tanga ko naman kasi eh. Bakit nga pala nakakalat toh? Tss.. Maya-maya tumabi na si Ralph sakin at nakangiti sakin na parang may nalaman. 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon