"Nga pala, mag-ayos ka na. Ang alam ko ngayon ang paghatol kila Jamal at hugler eh," dagdag pa niya.

"Talaga?!"

"Oo nga. Sige na, maiwan na kita. Magaayos din ako," pagkasabi niya no'n ay lumabas na siya.

Naligo ako ulit at nagbihis. Matapos ang tatlong oras ay nakita kong nag-text siya sa akin.

From: Noona
Nasa labas ako ng condo mo. Lumbas ka na dyan.

Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa sa kanya at lumabas.

"Tara na?"

Tumango siya. Nagmaneho na ako papunta sa hiring nila Jamal at Hugler sa Korte. Pero papunta namin doon ay tapos na pala ang paglilitis.

Nakita na namin sila sa labas ng Korte. Nakangiti silang dalawa kaya naman pinark ko muna ang kotse ko at pumunta na kami.

"Kumusta?" tanong ni joanna.

"Eto queen, Malaya na! Wohhooo! This is life!" Masiglang sabi ni Hugler.

Bumaling si noona kay Jamal na nakangisi sa kanya. "Salamat sa pagpapalaya sa amin. Pasensya na sa mga nagawa namin sa'yo."

"Okay lang. Anong lagay niyo sa kulungan?" tanong pa ni noona.

"Ayun, sa una nahirapan kaming mag-adjust. Hindi lang 'yon, panay bugbog ang abot namin noon. Pero simula noong lumaban kami ay naging sunod sunudan sila sa amin. Binigyan kami ng special treatment kaya nga nakakatawag ako eh."

"Tsk! Nasa kulungan na nga lahat lahat hindi pa rin kayo nagtino?" tanong ko.

"Grabe ka naman tol! Syempre habang nasa kulungang kami may mga narealized kami at pinagsisihan din," sagot ni hugler.

Napatingin naman ako kay Jamal na nanatiling nakangisi kay nonna. "It's payback time Queen."

"Oy! Anong ibig mong sabihin? Porket nakalaya ka na maghihiganti ka na naman?!" Gulat kong tanong.

"Tangenks! Hindi!" si hugler.

"Queen, ilayo layo mo sa amin 'tong bago mong boyfriend baka hindi ako makapagpigil at masuntok ko 'to. PAYBACK TIME, Ibig sabihin, tumulong na kami katulad ng pagtulong niya sa amin!" binatukan ako ni Jamal.

"Bakit ka namamatok? Ano suntukan?"

"Manahimik nga kayo. Tara na. Kailangan ko ng maraming impormasyon," awat sa amin ni noona. Nauna siyang sumakay sa kotse kaya sumunod naman kami. Nagsimula na akong magmaneho.

"Babalik kayo sa pagaaral?" Tanong ko.

"Malamang pre, ayaw namin masira ang buhay namin 'no! Hahahaha!" Si hugler.

"Kung gusto niyong magaral ulit, bumalik kayo sa Monday. Hindi pa naman huli ang lahat." Ako kay hugler.

"Tama ka Queen! Iso-surprise natin sila hehehe!" Si hugler ulit.

"'Wag niyo akong idamay sa kalokohan niyo. May nakuha ka ng impormsyon?" Si noona.

"Oo, sa totoo lang bihag pa namin yung nagpadala sa'yo ng bulaklak. Babae siya at matigas ang ulo! Ayaw umamin kung sino ang may pakana ng lahat kaya hindi pa namin pinapakawalan," sabi ni Jamal.

"Gano'n lang?" parang nanghihinayang sabi ni noona.

"Meron pa, nalaman ko na pinapalabas nilang si Leigh-an ang traydor dahil nga sa mga death threats na pinapadala sa'yo ay halos lahat ng letra ay meron siya."

GID2: The Queen's Revelation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon