서른여덟:Thirty eight

Start from the beginning
                                    

---

Agad kong binalik yung phone noong lalaki. Bakas sa mukha ko yung pagkamangha. I just did what? I looked like a crazy woman dancing on fire. "Sorry kung ang laki kong abala sa iyo." hinging paumanhin ko.

Umiling siya. "Nope. Actually I am thankful. Mukhang napaalis mo yung negative elements dito sa bahay namin." He said. Noon ko lang napansin na mukhang ang layo ko na sa resort. "My parents were so fond of you yesterday."

Parents? Mas nakakahiya! Muntik na akong makasunog kagabi!

Nakakatuwa ba yung ginawa ko kagabi. Hindi ko ng maimagine kung saan ko kinuha yung mga gamit na iyon. It's really a mystery to me.  "Talaga?" di ko makapaniwalang sabi.

"Yes, they're asking for marriage if you want." Nahulog na ako ng literal sa upuan ko. Agad akong umayos ng upo sa sinabi niya. "You looked surprised." manghang sabi niya sa akin.

"Sira ulo ka ba?" I asked in disbelief. "Marriage? Hindi nga kita kilala! Sinong matinong tao ang magpapakasal sa taong hindi niya kilala? You looked so young!" mataray na sabi ko sa kanya.

He stop eating. Tumingin siya sa akin. Tumawa siya ng malakas kaya napatulala lamang ako sa kanya. He thinks that this is funny? "You're funny." sabi niya sakin. "I can't marry you."

"What?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"I am not talking about myself noona." He tried to emphasize the last word. Napakasira ulo niyang bata. "I am talking about my hyung."

"Hyung? Sino ang kuya mo?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

He looked at me. "Sa tingin mo noona?" He playfully said. "Welcome to the family!" masaya niyang sabi sa akin. He really looked familiar. He has thick eyebrows na mas nakagwapo sa kanya. His lips is naturally red. Dinaig niya pa ang ibang babae- including me. He has a pointef nose and chinito eyes. Okay, he's that good looking for a young age.

"Yeonjun." Napalingon naman ako sa dumating. That's his name? Bagay sa kanya yung pangalan niya.  Agad akong tumayo ng makita ko siya. "Oh, hello Yoona." That voice.

"Park Jimin?" I said. Medyo malakas ang pagkakasabi ko sa pangalan niya.  Nagsalute naman siya sa akin. Medyo nahiya ako sa suot ko. I am just wearing a stranger's man shirt. "Ikaw yung kapatid niya?" medyo nagpapanic na tanong ko.

"What noona? No!" maagap na sagot ni Yeonjun. Lumapit naman si Jimin at umupo sa bakanteng upuan. "Gwapo si Jimin hyung pero mas gwapo ako."

Ang taas ng confidence ng batang ito. "Grow up,man." sabi naman ni Park Jimin. "Okay ka na ba Yoona?" tanong niya sakin. Sa tanong niya ay mukhang may idea siya kung ano ang nangyari sa akin.

Tumango naman ako. I looked at Park Jimin. He's laughing silently. Tumingin din ako kay Yeonjun at tumatawa din ito. Ginagago ba nila ako? "Really? Pinagtatawanan niyo ako?" asar na tanong ko sa kanila.

Mas lalo silang tumawa. Kung tumatawa si Park, that means nandito siya kagabi. "You will be the death of us." He said to us. "You're a great dancer tho."

Sira-ulo pala ang lalaking ito. Namula ako sa sinabi niya.

"I agree hyung." Isama mo pa tong si Yeonjun. Nagkasundo silang dalawa na pagtripan ako.

Nagpaalam naman ako para mag-ayos na. Binigyan ako ng damit ni Park. Tinanggap ko naman iyon dahil hindi ko makita yung damit ko kagabi. Pumasok ako sa banyo at naligo na.

After kong makapag-ayos ay inayos ko yung kwarto kung saan ako natulog. "Nagpapagood shot ka ba noona?" Nagulat naman ako kay Yeonjun. "Kasi, good shot ka na sa amin." natatawa niyang sabi.

Umiling naman ako. "Hindi ko kailangan dahil hindi naman ako interesado sa proposal mo." sagot ko sa kanya.

"Wait, till hyung hear this." He said with a grin.

"Nasaan ba yung kuya mo?" takang tanong ko sa kanya. He just shrugged. "At sino nga ang kuya mo?" 

"You asked too many questions." Ang hilig makisingit nitong si Park Jimin. Lumabas na kami ng kwarto at dumiresto sa living room. "Hindi ka pa kumakain. Eat first." Inutusan pa niya ako.

Dahil gutom na din ako ay kumain na rin ako. "Goodmorning hija." Napatayo naman ako ng wala sa oras. May isang magandang babae ang bumungad sa akin. May kamukha siya. "Are you okay?"

"Goodmorning po." bati ko sa kanya. Alam kong namumula na yung mukha ko dahil naalala ko na naman yung ginawa ko kagabi. Muntik pa akong manira ng bahay. "Okay po ako. Ahm, maraming salamat po sa pagtulong niyo sa akin."

"I never laugh like that." pamaya-maya niyang sabi sa akin. Tinapik naman niya yung balikat ko. "I am rooting for you for my son."

"Ako po ba yun, eomma?" rinig kong sabi ni Yeonjun.

"You're too young." sabi naman nung mama niya. Sang-ayon naman ako sa sinabi niya. "Your hyung is old enough." Nasamid naman ako sa sinabi niya.

"Bata pa po ako." sabi ko naman. Ayokong sakyan yung trip ng family na ito. Mababaliw yata ako sa kanila. "Sino po ba yung kapatid ni Yeonjun?"

Yeonjun laughed. He pointed a something. Sinundan ko naman iyong ng tingin. Kumunot ang noo ko ng makita ko yung painting. I'm shocked. Hindi ako kaagad nakagalaw lalo ng makita ko yung nasa baba ng painting.

"That's our family painting."

Well, I'm doomed.

---

A/N: Busy fangirling. Huhu

How are you? Hope you're doing fine.

Laters XX

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionWhere stories live. Discover now