서른넷: Thirty Four

531 35 36
                                    

warning: iready ang feels. lol

💜——————————💜


서른넷: Thirty Four

---

if you stumble,
make it part of the dance

---


«Yoona Im's Point of View»

Maaga kaming nag-ayos para makalibot kami mamaya sa resort ng tita ni Jess. Pagkasara ko ng bag ko ay napahiga ako sa kama. "Nakakapagod." I whispered.

"Hindi talaga natin isasali yung pito?" pamaya-mayang tanong ni Leesa sa akin. Tinatanong niya yung sa project namin. "Sabagay hindi naman nagpaparticipate yung mga iyon."

"Hayaan nalang natin sila." Jess said while packing her things. Sa aming tatlo ay siya yung pinakamaraming dala. May balak ba siyang magstay doon? "Bakit ang konti ng dala niyo?"

I sighed. "Sandali lang naman tayo doon. Dala mo na yata yung buong dorm." I pointed out.

Umupo naman siya sa kama niya. "Ah basta para ready diba. Leesa, nagawa mo ba task mo?" tanong niya kay Leesa na nakahiga rin sa kama.

Anong task naman kaya yon? "Oo mahal na prinsesa." sagot ni Leesa. She looked at me then winked. "Wag kang mag-alala reyna, wala lang yun. Kaartehan lang ni Jess." As on cue ay nagbatuhan na sila ng unan.

We locked the door of our dorm. Mukhang nag-uwian na din yung ibang students dahil halos konti nalang yung tao na nakikita namin. "Hey btches." napatigil kami saglit pero nagpatuloy din kami sa paglalakad. "Hey, I am talking to you."

Hinawakan niya yung braso ko. Inalis ko naman agad iyon. Quota na siya sa akin. "I thought you're calling your name." I deadpan. Dating gawi, inirapan niya ako. "What do you need Jen?" Heto na naman kami.

"Tsk tsk. I need you to disappear." She mumbled. Nagtanguan naman yung kaibigan niya. Typical high school scenario on movies. "Can you do that?" Natatawang sabi niya sa akin.

Hinawakan ko naman si Jess at Leesa. "I can." matapang na sabi ko. "Just close your eyes first then count up to three." sabi ko naman.

She glared at me then close her eyes. Sira-ulo din pala ang isang ito. We really ran as fast as we can this time. Yung tipong dito nakasalalay yung buhay namin. We heard that they are still calling our names but didn't care. "Te-tek-ka l-lang." awat ni Leesa sa amin.

Nakarating na kami sa west wing gate. Dala-dala pa namin yung mga gamit namin. Napaupo na nga sa flooring si Jess. Napakadami niya kasing dala. Tinulungan ko naman siya sa dalahan niya. "T-thanks." Halatang hiningal din siya pero wala silang choice kundi ang tumakbo.

"Water." Inabot ko naman yung bottled water. Ganoon din sila Jess. "May pagkain ka ba dyan?" Napaubo naman ako dahil huli na ng narealize ko kung sino ang kausap ko.

"Hoseok?" takang tanong ni Leesa. Yeah, siya yung nag-abot sa amin ng tubig. "Bakit nandito ka sa west wing?"

He shrugged. "Napadaan lang." He answered. Tinanguan lamang niya kami at naglakad na. "Wait, saan kayo pupunta ngayong Christmas break?"

Hindi naman ako kumibo. He didn't need to know. "Ahm, sa malayong lugar. Sa lugar ng pinsan ko, kila Daniel." sagot ni Jess. I didn't know if she's telling the whole truth to him. "Mauna na kami. Salamat sa tubig."

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt