Chapter 13: DSPC

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pero kanina ka pa tapos diba? Kasi script nauunang matapos. Anong ginagawa mo during those times?" Tanong ko. Lumunok muna siya bago sumagot.

"Tinulungan ko 'yung school ko nung junior high. Inayos ko edit at shots. Pati script."

I can't stop myself from being surprised. Is this girl even serious?

"Hindi ka ba nahuli?" Tanong ko. Ngumisi siya.

"I can blend in." She stated. Napailing ako out of amusement. This girl is really unpredictable.

"Kamusta naman?" Tanong ko ulit. Kumain muna siya ulit bago sumagot.

"Magkaka-place 'yon. At least third place sa Filipino. Baka matalo pa nga kayo." Kaswal niyang saad. Napakurap ako at muntik na mapairap.

"Wow. Confident?" Bulalas ko. Ngumisi lang siya, kumindat at kumain ulit. Tinapik ko nalang siya sa balikat niya at bumalik sa editor namin. Bago pa man ako makabalik sa pwesto ko ay may nakita akong ka-schoolmate namin na pumasok sa room. Her face is familliar. Straight short hair, sleepy eyes and smirking lips. Wide forehead but it only made her look smart. Umupo siya sa tabi ni Chord.

But the latter didn't look at her. Nakakapagtaka na hindi hinaharot ni Chord ang mga babaeng tumatabi sa kaniya.

I smell something fishy. Ngayon ko lang sila nakitang magkasama. Ano kayang pinag-uusapan nila? Ba't parang ayaw makipag-usap ni Chord? She keeps ignoring the girl.

"Hey, export ko na?"

Nagising ako sa reyalidad nang marinig kong magsalita 'yung editor namin. Huminga ako nang malalim at tinignan 'yung laptop.

"Please play it again. From the start." I ordered and he complied immediately. Iwinaksi ko muna 'yung nakita ko kina Chord at tinuon ang atensyon ko sa output namin. Pagkatapos kong kilatisin ay nagthumbs up narin naman ako at in-export na niya.

Tinignan ko ulit sina Chord at kinakausap niya na 'yung babae. Her face says that she's relieved but her smiles are still hesitant. Sobrang tipid. Parang hindi pa siya komportable.

Gusto ko siyang puntahan and I even found myself stepped one step nearer to them but I stopped instantly.

Ayoko silang istorbohin. Maybe I'm going to ask Chord nalang mamaya. Tumalikod agad ako at dumiretso na sa Auditorium. Dala-dala ko 'yung video sa flash drive. Binigay ko rin naman agad sa Facilitator at mabilis niyang pinaste sa laptop niya. After our short remarks, bumalik narin ako sa room namin kanina. Chord was no longer there, same with the girl. Sinalubong ako ng ka-team kong si Reese.

"Musta?" Tanong niya. Ngumiti ako at ginawa ang simbolong--

"Boltahe." Tugon ko.

Now, what's left is the announcement of winners.

When the clock striked 4 pm, my team and I traveled our way to the Auditorium. Dumiretso agad kami sa mga bakanteng upuan na kasya ang bilang namin at nag-abang na ng resulta. I looked around, finding for that four eyed- curly brunette woman. Nakita ko siya agad pero hindi na mga taga-University of Tallis ang kasama niya. Familiar 'yung iba. Parang mga kasama niya dati nung kalaban namin school nila sa TV Broadcasting way back from Grade 10.

Ibinalik ko ang tingin ko sa stage nang may umakyat na rito ang Master of Ceremonies. Sinabi niya muna 'yung opening remarks for the contests at pinanuod sa amin ang Entries ng isa't-isa. Ang nakilala ko lang na mga 5 minute videos ay ang mula sa Campo, sa group namin at grupo nina chord. Hindi nagtagal ay nag-proceeed na ng results.

"Here is Sir Steve for the announcement of the winners of the anchors.."

As expected, sa English Category ng TV Broadcasting, nanalo ang anchor nina Chord. Pati na ang informercial nito at dalawang field reporters. Kada announce kasi ay may kaakibat din na Filipino Categories and sad to say pero walang nakapasok na reporters sa team ko.

Tortured GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon