Ibinalik ko ang sarili ko sa pag iisip kung ano ang ibig sabihin ng Code Red na nakasulat sa mag kabilaang braso ni Alexia. Kung sa mga movies ang code red ay warning, pero Warning? Saan at kanino?
Napatingin kami sa nag bukas ng pinto ng 3-C. Isang babae lang ang pumasok si Paula. Tumingin siya sa aming lahat bago nag patuloy sa pag upo. "Ayan na ang malas. "Pag paparinig ni Yuri kay Paula. Umirap nalang si Paula. Hindi ko alam kung bakit sinisisi ni Yuri si Paula sa patayan sa Laketon, dahil ba isa siyang Ortega? Dahil sa ginawa niya?
Napatingin kami kay Albert nang pumunta siya sa harapan. Nakatingin lang kami sa kanya. Naka yuko ito na tila may iniisip. Binuksan niya ang drawer nang teacher table at tumingin sa amin. "Isa sa 3-C ang pumatay kay Alexia. " Sabi niya bago ngumiti. "Isa sa inyo Yuri. " Napatingin kaming lahat kila Yuri. Tumayo bigla si Yuri at tinaasan ng kilay si Alberto. "Kami? Papatay sa Alexia na iyon? Anong tingin mo sa amin killer? At sa dinami dami ng 3-C kami ang pag sususpetsyahan mo? Sige nga sino sa amin? Sabihin mo na nang mag kaalaman na tayo lahat! Tyaka bakit nung namatay si Carlos hindi man lang kayo nag imbestiga talagang doon pa kayo sa babaeng walang kwenta sa 3-C! " Sambit ni Yuri. "Hindi ko alam kung sino sa inyong tatlo Yuri. Pero sigurado ako isa sa inyong tatlo. Kayo lang naman ang maarteng babae sa 3-C. Kayo lang ang may mga alipores sa katawan at mukha. Kayo lang naman ang laging may kulay Red sa kahit anong katawan ninyo. Kagaya nito. " Sabi ni Albert at inilabas ang isang lubid galing sa loob nang teachers table. May kulay pula sa lubid pero hindi ito dugo kundi isang nail polish.
"Fck the hell out of you! Dahil sa punyaterang lubid na yan pag bibintangan mo kami? Tyaka paano mo nalamang may lubid diyan Alberto? Baka naman ikaw ang killer at pinag bibintangan mo lang kami? "Palaban na sabi ni
Alisha.
Sumangayon naman ang mga kaklase namin habang ako nakangiti lang at pinag mamasdan sila habang nag kakagulo. Nakakatuwa naman na nag aaway sila dahil gusto nilang malaman kung sino ang killer. Bumuntong hininga nalamang ako at pinanuod sila.
"Wag mong pinag bibintangan ang mga babae naten dito Albert. Baka nga ikaw ang killer Albert! Paano mo nalaman ang lahat nang impormasyon huh? Paano? Kase ikaw ang killer! " Sigaw ni Lloren sa kanya at mas lalo lang nag ingay ang buong 3-C. Pinag babato nila nang papel si Albert habang si Albert ay yumuko nalang at lumabas nang 3-C. Nag tawanan naman silang lahat dahil sa kahinaan niya. Tumayo naman si Paula at sinundan si Albert. Pero hindi lahat ang nakapansin dahil sa tawanan nang buong 3-C. Bakit kaya nila pinag sasama ang mga may sapak sa ulo, may tama, maldita o masungit na estudyante sa section ng 3-C? Ginawa nalang nilang laruan ang 3-C.
LLOREN POV
Pag tunog ng bell hudyat na lunch na dito sa Laketon. Tumingin naman ako kay Gian at ngumiti. May plano kami para kay Albert, pag katapos niyang pag bintangan ang mga hot cheeks sa 3-C sa tingin niya ganon ganon nalang yun?
"Hindi na nakabalik si Albert ah. Mukhang namatay na yata dahil sa kahiyaan niya kanina. " Tumawa naman ako pag tapos sabihin ni Gian yun. "Alam mo na kung anong gagawin natin sa kanya. Kailangan siyang maturuan nang leksyon. Pero hanapin muna naten siya. "Sabi ko kay Gian at patuloy sa pag hahanap sa Alimangong yun.
Saan kaya nag tago iyon? Masyadong malaki ang Laketon para mahanap agad ang Albertong iyon. Habang nag hahanap kami nakabangga kami nang isang babae. Si Paula.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo Ortega! "Sabi ni Gian sa kanya bago hinampas ang puwet niya at tumawa. "Bastos ka! "Sigaw ni Paula sabay tinuhudan si Gian sa kanyang private part dahilan para mapaupo si Gian. Natawa nalang ako sa kanya. Kasalanan niya yan dapat sila Yuri nalang ang ginaganon niya, may kapalit pa pag tapos.
Natigil ako sa pag tawa nang may tumulak sa akin ng malakas upang matumba ako sa sahig. Napatingin naman ako sa taong ito at nainis ako nang nakita ko ang pag mumukha niya. Sino pa ba edi si Alberto.
"At talagang may balak kang kalabanin ako? "Sabi ko sa kanya. Naka kuyom ang dalawang kamay niya na parang ano mang oras kaya niyang sumuntok. Tumayo agad ako sa pag kaka upo mula sa aking pag bagsak. "Alam ko na isa ka sa kanila! Kilala ko na kayo! " Sabi ni Albert. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko na naintindihan ang sinabe niya. Isa ako sa kanila? Saan? At sinong sila? "Para to kay Alexia! " Sigaw ni Albert at kasabay non ang pag-suntok niya sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya pati narin ang mga estudyanteng nakakita. Tumingin agad ako sa kanya at ngumisi. Tumakbo naman agad si Albert at hinabol namin ni Gian.
"Papatayin kita Alberto!! "Sigaw ko habang hinahabol namin siya nang napunta kami sa hagdanan pababang cafeteria ay natalisod siya. Lampa talaga ang bobo. Tumingin siya sa amin bago tumayo uli at nag simulang tumakbo. Mas binilisan ko ang takbo ko dahil malapit na siya sa amin nang nahablot ni Gian ang uniform niya.Ngumisi naman ako at hinanda ang kamao ko.
"Alam ko na ang ibig sabihin nang Code Red Lloren! May alam na ako patungkol sa mga plano niyo! Mag pasalamat ka sa isa sa mga kasamahan niyo at hindi nag iingat. "Sabi ni Albert habang sinusubukasn kumawala sa pag kakawak sa kanya ni Gian. Pero kahit anong sabihin niya ay hindi ko siya pinapakinggan at sinuntok siya sa mukha niya dahilan para matumba siya sa pag kakahawak ni Gian. Itinayo ko siya at isinandal sa harang nang hagdan. Sinuntok ko ulit siya nang paulit uli hangang sa hinawakan ako ni Gian sa balikat ko.
"Pre tama na yan. " Bumitaw ako sa pag kakawak sa kwelyo niya tiningnan ko lang siya ng masama. Huminga ako nang malalim at umabante papunta sa kanya. "Sa susunod humanap ka nang kakalabanin mo,wag ako Albert wag ako. " Bulong ko sa tainga niya nang bigla akong sinukahan nang dugo sa aking uniporme at itinulak ako palayo nag sa isang iglap nagulat kami sa nangyare.
Nahulog siya sa pinag sasandalan niya paderetsyo sa ibaba kung nasaan ang Cafeteria nang Laketon. Lahat ay nagulat, lahat ay hindi nakapag salita dahil sa pag kagulat,kahit ako hindi nakagalaw.
Pero sa sarili ko, hindi ko kasalanan ang pag hulog niya,siya ang tumulak sa akin para mawalan siya sa balanse at mahulog sa pag kakasandal.
-------------x
-A U T H O R S N O T E -
Sorry for the short update ng Code Red. Hindi ko na kase alam ang maidudugtong ko sa chapter na ito. Madaming mga cut scene sa Chapter na ito na sana mag bukas sa kuryosidad niyong lahat.
But i'll make sure that the next chapters until the end is a long update na. I'm going to make this Class 3-C a real and original. Ipag dudugtong ko lahat nang mga pwedeng idugtong na mag bibigay ng gulat.
Thank you to All supporters of this
Class 3-C 3 FANFIC.
Nagaganahan ako sa mga comments na ibinibigay niyo sa akin lalong lalo na sa mga good and possitive comments.
Lalo na po sa nag sabe na pwede na akong maging other version ni Ate Charotera 101.
Thank you and
GOD BLESS
CITEȘTI
Class 3-C Has A Secret 3
Mister / Thriller'New Batch, New School, New Secrets' Class 3c Has A Secret 3 (Fanfiction)
C7: Code Red
Începe de la început
