Chapter 29

443 12 3
                                    

Nikki’s P.O.V

7pm...

One last possible place para mahanap ang kwintas...

Yeah this is crazy, pero oo nahanap ko na sa buong mall, pati sa loob ng sinehan but unfortunately wala pa din. But i’m still thankful na tinutulungan ako ni Eric ngayon sa paghahanap. 

“Girl! Pede bang ikaw na lang maghanap sa park? Jusmiyo wasak na wasak na ang beauty ko sa extra challenge na ito teh! Okay lang ba? Exhausted much na ko teh. Sorry ha?” i heard him protested as we walked through the mall’s park. I gave him a smile and retorted,

“Ano ka ba bakla okay lang! Ako na bahala dito sa paghahanap sa park, well, sana nga lang this time mahanap ko na. Ito nalang yung last na naiisip ko na pwede kong mapagwalaan non eh.”

“Go girl! Kaya mo yan, or hindi kaya pagpagod ka na umuwi ka na din, may bukas pa naman. Mauuna na ko sa’yo baka mamaya majombag pa ko ng macho kong tatay, kaloka!” i just nodded and smiled at him.

No, i won’t stop searching until i found it. Wala namang pasok bukas, so okay lang.

Nagsimula akong maghanap sa damuhan. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ko ng mga tao sa paligid. Basta ang importante sakin mahanap ko yung kwintas.

Papatunayan ko kay Evo na hindi totoo na walang kwenta or hindi importante para sakin ang mga bagay na binibigay nya.

I’m sure after i found it, hindi na sya magagalit pa sakin. Magkakabati na kami ng baby ko.. What the??? 

I just found myself smiling after the thought of calling him with that endearment, kahit na sa isip ko lang yon pero ewan ko kinikilig ako. Grabe ka Nikki, nakukuha mo pang lumandi samantalang ni hindi mo pa nga makita yung kwintas.

10pm...

Napapagod na ko, pero hindi ako pedeng sumuko mahahanap ko din yon. Andito lang yon, tiwala lang.

Dahil wala ng tao dito pede ko nang simulan ang paghahanap sa pond. Hindi naman malalim yung pond kaya okay lang.

BBI (with the Gangster)-[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon