Chapter 16

714 14 4
                                    




Nikki Louise's P.O.V





"Say aaaaahhhhh! Here comes the chooo chooo train baby!"


"Wow ang galing mo baby, masarap ba?"


"Here's another one baby, open your mouth!"


"Te-teka labb, Ev-Evo may lamad pa nga yug bibig k-ko oh" halos mabulol bulol na ko sa sobrang dami ng laman nitong bibig ko. Pucha may balak ata tong patayin ako e!


Breaktime namin.. at sabay kaming naglalunch ngayon dito sa may parang park area ng school, nakaupo kami sa bench under the acasia tree.

Infairness masarap pala magluto ang isang to. Namention nya kasi a while ago na sya daw ang nagluto nito, since this is our first day as a... uhhh... yeah, as a couple.


Ang aga din nyang dumating sa bahay kanina, 9am pa ang first class namin at ang oras ng gising ko is around 7:30 to 8am as the latest, pero could you believe na dumating sya don sa amin ng before 6am? Is he crazy?

Pano ko nalaman? Kay auntie dahil maaga magising yon e. Pinapasok na nga lang daw nya kasi mukang walang balak mag-tao po.


At ngayon naman, masyado syang tuwang tuwa na subuan ako, parang halos hindi na nga sya nakakain e.

"Oy bat ayaw mong kumain?"

"Eh okay na ko baby, makita lang kitang kinakain tong luto ko busog na ko. Oh eto pang isa, aaaahhh baby."

"Ano ba yan Evo busog na ko, antaba taba ko na nga andami mo pang pinapakain sa kin." pagmamaktol ko, busog na kasi ako, ako din kasi halos kumain ng para sakanya dapat. Aish, dagdag taba na naman to. Kainis.

"Wala naman akong paki kahit gano ka pa tumaba. Isa pa sino ba ang nagsasabi sayo na mataba ka ha baby? Sabihin mo sakin! And I will surely break their neck!" pagmamayabang nya habang pumopormang macho pa.

Saglit akong napatitig sa kanya, ang cute nya panira lang talaga yung porma nya. Yuck! Wala bang fashion taste tong isang to? Okay na sana e kaso..

I'm busy studying his features at ang mga kalokohang pinagsasabi nya ngayon sa harap ko, when i felt something unusual-- i just found myself smiling for no apparent reasons.. Hmm, ang weird bakit kaya? Ah ewan! Malamang masyado na kong nakokornihan sa isang to.

"Hey baby, we better go back to the room, malapit na ding magbell. Let's go?" napatigil ako sa paglutang when i heard it from him. Oo nga malapit na palang magbell. Tumango ako at muntik na kong mapa-"ay kabayo!" nang pagsalikupin nya ang kamay naming dalawa. Parang bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Parang tanga lang, masyado ata akong nagkakape lechugas!

"Why?" napansin nya ata ang pagkagulat ko. Gosh ano ba to.

"W-wala. Tara na." saka ako pilit na ngumiti. Gosh! Ganito pala ang feeling ng may kaholding hands, oh em gee. Ang landi ko na ba masyado? Chos!

"I thought, you don't want me to hold your hand.. but i'm sorry baby, whether you like it or you like it, i will still hold your hand to show the world you're mine and i'm so proud of it." Geez. Medyo awkward ah. But honestly speaking, she's a such a cheeseball! At eto na naman ang pakiramdam na parang biglang akong ninenerbyos. What's happening to the earth?? Gosh.

I just gave him a sweet smile at dumeretso na kami sa paglalakad papuntang room.

Pero dahil peymus si Evo, at dahil madaming nagkakagusto sakanya, all eyes on us ang drama ng mga schoolmates namin at syempre mawawala ba naman ang makakati nilang dila? Syempre di kompleto ang pagiging sikat ni Evo kung hindi sya pagchichismisan..

BBI (with the Gangster)-[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon