Chapter 25

521 12 3
                                    

Nikki’s P.O.V

Malelate na ko, nasan na ba yun? Suot suot ko pa yun kagabi e. San ko kaya nalaglag yun? Kainis. Mamaya ko na nga lang ulit hahanapin. Bwisit! Malelate na tuloy ako.

Di pa naman ako masusundo ni Evo ngayon kasi pupuntahan nya pa daw si Ate Garriana, ngayon na kasi ang labas nya sa hospital kaya, malelate si Evo ng pasok.

Based sa kwento ni Evo sakin last night, close pala talaga sila ni Ate Riana, dahil nga sa magkababata sila. Sa school din pala pumapasok yun, 4th year student na sya. Di ako aware di ko kasi sya masyado napapansin sa school e.

She’s one year older than me. Magsi-sixteen palang ako, pero sya magse-seventeen na. Si Evo? Mashonda na yon, Kakanineteen nya lang nung nagbirthday sya. Nagtataka ba kayo? Inamag na kasi sya sa highschool dahil hindi nga sya nagseseryoso sa pag-aaral. Gala dito, gala dyan. Cutting everyday ang hobby nya. Bulakbol lord yon. Away dito, away dyan. Mas pinapriority nya kasi yung gang nya, yung mga barkada nya kaya ayun, na-stuck tuloy sya sa highschool. Hindi naman masasabing bobo sya eh, sadyang hindi lang talaga nagiintindi ang isang yon.

“Oy bakla ka girl nasan na yung jowa mong fafalicious?” bungad sakin ni Eric pagdating ko.

“Alam mo kung babae ka lang, pinagselosan na kita.” biro ko sakanya at binaba na ang mga gamit ko sa desk pagkatapos ay umupo na.

“Ay? Possessive much te? Baka patulan ako diba? Alam kong maganda ko girl pero i already accepted the fact na hindi talaga kami ang tinadhana ni fafa Evo. Kaloka ka!” malanding pahayag ni Eric with matching beautiful eyes pa. Talandi talaga to. Haha!

“Kidding! Toh naman. Asa ospital sya e kaya medyo malelate sya ng pasok.”

“WHAT!? Anong nangyare kay fafa Evo girl? Oh my ghad dalawin natin sya!” oa naman ng baklitang to. OA sa OA ang reaction ah.

“Ay yung totoo te? Ikaw ba ang tunay na ina ni Evo? You’re over reacting. Hahaha! Chill. Susunduin nya lang si Ate Riana, ngayon kasi ang labas nya sa ospital e.” sagot ko sa kausap ko na agad nagpakunot sa noo nya.

“And who’s this ‘Riana girl’?”

“Little sister daw nya. Anak ng kasambahay nila, pero tinuturing nyang isang tunay na kapamilya dahil sa mabait daw ang nanay ni Ate Riana, isa pa ito din ang nag-alaga sakanya nung bata pa sya since laging busy ang dad nya sa pagtatrabaho. Kaya nga sabay din silang lumaki ni Ate Riana.” naputol na ang ang pagchichismisan namin ni Eric dahil bigla nang dumating yung teacher namin.

BBI (with the Gangster)-[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon