Chapter 28

430 11 11
                                    

Nikki’s P.O.V

“By the way, anong oras ka pala nakauwi kahapon?” oh sht! Ano bang mga tanong yan.

“Ah, mga 5:30 siguro. Di ako sure.” sorry Evo. Yeah i know, i’m such a big fat liar.

“Tapos hindi mo man lang ako tinext, e binilin ko pa naman sa’yo yun kahapon.”

“Eh wag ka na magtampo, kasi naman may ginawa ako kaagad pagdating e.”

“Fine. C’mon andito na tayo sa inyo. Kuhanin mo na, i’ll wait you here. Hindi na ko papasok.” Tapos kinalas na nya yung pagkakakabit nung seatbelt sa kin. Dahan dahan naman ako bumaba ng kotse nya, at pilit na ngumiti.

Tatanungin ko si auntie, baka may nakita sya..

“Auntie! Auntie!”

“Hoy Nikki! Tumahimik ka nga! Napakaingay mo ke-aga aga! Teka bakit bumalik ka?” saway sakin ni auntie, pagkapasok ko.

“Kasama ko po si Evo, pero andon po siya sa labas.. Ah auntie may napulot po ba kayong kwintas? Ah silver po tapos, may star po na pendant? May napansin po ba kayo?”

“Wala naman. Kung dito sa baba, wala naman akong nalinis kanina. Pero kung sa kwarto mo, hay naku hindi ko pa nalilinis yon.” agad akong nagtatakbo pataas papunta sa kwarto ko.

Hindi pwede. Ano ba naman yan. Nasan kaya yun? Pinilt ko pang hanapin sa buong kwarto. Pero ni anino ng kwintas wala akong makita. Lagot pano kung hindi ko dito naiwala yon? Saan na ko maghahanap? Tsk.

Busy pa din ako sa paghahanap ng biglang magvibrate ang phone ko.

From: Evo

Hey, baka malate tayo. 20 minutes left before the time..

-end-

Huwat?! Ganon katagal na kong naghahanap dito sa loob ng kwarto? Ba yan nakakainis na!

Pano na to, hindi ko nakita? Isa pa nagsinungaling ako kay Evo. Ang sabi ko nandito lang sa kwarto, ang kaso wala. Namisplace ko ata? Baka nahulog ko? WAAAAAAA! Mababaliw na ko.

BBI (with the Gangster)-[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon