DREAM#28

416 17 0
                                    

"Love finds a way."- Anonymous

_MARI PADERNAL_

"Sigurado ka bang hindi tayo mapapahamak sa gagawin nating 'to? My God! This is the reason why I hate listening to Charm's ideas! They are all risky and I'm sure sa Bermuda Triangle ang bagsak ko pag nahuli tayo ng kuya mo." reklamo ni Jinny habang inaayos ang suot niyang kapareho ng damit na suot ko.

"Please Jinny, just this once. Pagbigyan mo na ako." pagmamakaawa ko sa kanya. Matagal niya akong tinignan bago napabuntong hininga.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko. Bakit ba kasi sobrang madrama ng love story mo. Lalo na yang kuya Cebi mo. Ni hindi naman nag-react sina Tito at Tita pero yung isang yun, ang OA." reklamo na naman niya at inayos ang hood na suot ko. She even tap my head and smile at me.

"I'll go first to make sure that kuya Cebi is not around. Hintayin mo na lang ang signal ko." kaagad akong tumango sa kanya at napalunok ng makitang pipihitin na niya seradura ng pinto ng kwarto ng bigla  na lamang itong bumukas na ikitigil ng hininga naming dalawa ni Jinny. Mabilis kaming napaatras pareho ni Jinny ng tuluyan nang bumukas ang pintobat iniluwa nun ang nagtatakang mukha ni Kuya Loki habang nakatingin samin ni Jinny. 

"K-kuya---" hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko ng makita kung paano nagbago ang emosyon sa mga mata ni Kuya Loki na ngayon ay malamig na habang nakatingin pa rin sa amin ni Jinny. Lalo  na sa magkaparehong suot namin ni Jinny.

"Sa tingin niyo talaga ay maloloko niyo si Cebi sa suot niyong yan? Seriously, bunso?" napakurap ako ng ilang beses ng magtagpo ang mga mata namin ni Kuya Loki.

"H-huh?" marahas siyang bumuntong hininga at sumandal sa tabi ng pinto ko na para bang hinaharangan niya ang pinto gamit ang katawan niya.

"Lumabas ka muna, Jinny." utos niya kay Jinny dahilan na sabay kaming napalingon sa isa't-isa ni Jinny na parehong namumutla na. Alam kong ayaw niya akong iwan pero muli siyang sinabihan ni kuya kaya wala siyang nagawa kundi ang lumabas na lamang. Pero bago pa siya makaalis ay pinigilan siya ni Kuya at tila may binulong pa ito sa kanya dahilan na mabilis na tumakbo si Jinny paalis. Bigla akong nag-alala. Sana lang ay okay lang siya.

Nang kami ng dalawa ni Kuya ang naiwan ay napayuko na lamang ako. Ayokong salubungin ang mga tingin niya dahil paniguradong masasaktan lang ako. Narinig ko ang muli niyang pagbuntong hininga dahilan na napakagat ako ng ibabang labi ko para pigilan ang mga luha kong pumatak.

"Hindi ko akalain na kaya mo kaming suwayin para lang sa isang lalaki." mas lalo akong napayuko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi talaga ugaling suwayin sila pero iba na kasi ngayon. 

"Ayokong nagagalit kayo sakin, kuya pero sana maintindihan mo rin. Malaki na ako at kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko." paliwanag ko at hindi na talaga napigilang pumatak ang  mga luha ko. Naramdaman ko ang unti-unting paglapit sa akin ni Kuya Loki at ang pagaang paghawak niya sa pisngi ko para punasan ang mga luha dahilan na mapaangat ako ng tingin sa kanya. Mas lalo akong naluha ng makasalubong ko ang mga mata niya.

"K-kuya..." 

"Akala ko ba malaki ka na pero bakit iyakin ka pa rin? Alam mo namang ayaw ka naming nakikitang nasasaktan di ba?" pag-aalo niya sakin dahilan na napahawak ako sa dulo ng T-shirt niya at hinila yun na parang batang nagsusumbong.

"Pero gusto ko lang namang makasama ang taong mahal ko eh. Pero ayaw niyo. Kuya please." at tuluyan na akong yumakap sa kanya at napahagulgol. Naramdaman ko naman kaagad ang pagyakap at paghagod ng kamay niya sa likod ko na para bang inaalo niya ako.

"Shhh. Tahan na. Huwag ka ng umiyak. Nasa library si Cebi ngayon kasama ni Papa." kaagad akong natigilan sa huling binulong niya sa tenga ko. Dahan-dahan niya akong nilayo sa kanya at nginitian habang pinupusan ang basa kong pisngi dahil sa mga luha ko. 

Yesterday's Dream [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon