DREAM#20

383 34 0
                                    

"Love is easy to feel but not easily realized." - Author

Dahan-dahan akong sumilip sa labas ng cottage kung saan ako ngayon. Sinisigurado kong wala na talagang impakta ang bigla-bigla na lang susugod sa akin ng walang dahilan. Nakakaloka naman kasi ang pangbungad ng Lessy na yun sakin kanina. Tinawag pa akong b*tch at mangkukulam na kung tutuusin, sa aming dalawa ay siya itong perfect na qualified.

Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang anino ng babaeng yun at napagdesisyunan ng lumabas na sa lungga ko. Nagsimula na akong maglakad at magliwaliw sa tabi ng dagat habang dala-dala ang camera na pinahiram sakin ni Francis. Hindi ko maiwasang mapangiti habang kinukuhanan ng picture ang paligid nito. Bagay talaga dito ang pangalan nitong Secret Paradise kasi nakatago sa loob ng beach na 'to ang totoong ganda nito. Starting from its white sand, mini-dwarf's cottages at sa mga restaurants nito na malapit lang din sa mga cottages. Talagang sinigurado nilang kapag nagutom ang mga turista ay pagkalabas na pagkalabas ng mga ito sa mga cottages nila ay hindi na sila mahihirapan pang maglakad papuntang restaurant.

Napatigil ako sa paglalakad ko ng may matanaw akong nakahilerang mga shops. Iba-iba ang mga disenyo ng mga ito pati na rin ang malarainbow na kulay nito dahil sa bawat shop ay may kanya-kanyang mga kulay. And I know that these kind of shops are definitely for the kids pero hindi yun rason para hindi ako pumasok sa isa sa mga shop na yun. Lalo na sa nag-iisang shop na nakakuha talaga ng pansin ko.

"Welcome to Blue Paradise, ma'am." hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa pambungad na bati sakin ng isa sa mga saleslady. Pakiramdam ko tuloy ay parang nananaginip ako ng gising habang iniikot ang tingin ko sa loob ng shop. Feeling ko tuloy ay naghaheart na ang mga mata ko habang nakatingin sa mga stuff toys, teddy bears, clothes, pillows at kung ano pang mga bagay na madadapuan ng paningin ko.

"Gosh! This is indeed my Paradise!" Natawa naman ang saleslady dahil naibulalas ko. Everything here is blue! Blue! And blue is definitely my favorite color! Kulang na lang ay talunin ko ang human size na teddy bear sa bandang tabi dahil sa sobrang saya.

"You're really enjoying what you are seeing." kaagad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. Kaagad na nag-init ang pisngi ko nang makita ang isang lalaking nakatingin sakin. Pasimple akong napaayos ng tayo at tumikhim para kahit papaano ay matakpan ang pagkapahiya ko sa harap nito. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya ng tumawa ito habang nakatingin sakin.

"Hindi ka pa rin nagbabago." mahinang sabi niya na narinig ko naman dahilan na kumunot ang noo ko at tinignan siya. And I can simply say that this guy is handsome. Mas lalo itong gumwapo kapag nakangiti at lumalabas ang isang dimple niya sa pisngi niya. He's looking at me with amusement in his eyes. Muli akong tumikhim at pasimpleng umiwas ng tingin sa kanya.

"Why are you alone? I thought magkasama kayo ni Sherson?" kaagad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Kilala mo si Sherson?" nagtatakang tanong ko. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng bigla siyang pumitik sa ere at hinampas ang noo niya na para bang may naalala siyang sobrang importante bago ako muling nilingon at nginitian ng may pagkaalanganin. Weird.

"Yeah. I totally forgot. Sorry." tumabingi ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Bakit siya nagsosorry?

"By the way, I'm Yuhan Kim. Sherson's close friend." nakangiting pakilala niya sakin at inilabas ang cellphone niya. Hindi ko maiwasang ngumiwi. Masyadong mabilis ang lalaking to. Ngayon nga lang kami nagkita pero may balak na yatang kunin ang number ko.

"Alam mo---"

"And this is my fiance. Her name is Eiko Yuki." biglang sabi niya at ipinakita sakin ang larawan ng isang babae na nasa cellphone niya. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi ko.

Yesterday's Dream [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon