DREAM#19

343 33 0
                                    

"When the strings that connects the two people tangled, Cupid will surely untangled it to make everything fine again. For them to hold each other's hand once more  and not to let go on another." - Author

"Kompleto na ba lahat? Wala ka ng may nakalimutan?" kaagad akong umiling bilang sagot kay Charm. Ngayon kasi ang araw na pupunta kami ni Sherson sa Secret Paradise. Isa sa mga pag-aari nilang tourist spots which is a beach and I'm so excited to be there. First time ko kasing makapunta dun. Hindi naman kasi basta-basta makakapunta dun kung walang laman yung wallet mo. Swerte ko lang kasi ako yung kukuha ng picture at magfefeature ng place na yun. 

"Hindi halatang excited ka ha. Alam ba to ng kuya mo?" biglang tanong sakin ni Jinny na kaagad na siniko ni Charm sa tagiliran niya kaya napadaing. Speaking of my two kuyas, may pamilya na si kuya Loki. Si kuya Cebi naman nagtatrabaho. Rumaraket sa kung saan-saan pero kahit ganun ay matino din naman ang trabaho niya. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng trabaho talaga kasi paiba-iba. Isinukbit ko ang backback kong naglalaman lang naman ng tubig, biscuit, panyo, gadgets at wallet ko. Nasa loob kasi ng maleta ang iba ko pang mga gamit. Pero syempre konti lang ang dinala ko. No need na naman kasi ang maraming dala kasi hindi naman kami magtatagal dun.

"Actually, hindi. Pero nakapagpaalam na ako kina nanay at tatay." sagot ko kay Jinny at hinila ana ang maliit na maleta ko. Sumunod naman sila sakin palabas ng condo ni Charm. 

"Will you be okay there?" napangiti na lamang ako saka sila hinarap. Ngumiti ako kay Jinny na ngayon ay hindi matago ang pag-aalala sakin.

"I'll be fine, Jinny. Ako pa ba?" sagot ko sa kanya pero bumuntong hininga lang siya.

"I trust you but not your heart." kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Si Charm na mismo ang pumindot ng elevator para sumara. 

"Call me if something happen there and don't forget, you're there for work. Not to work things out." seryosong saad niya dahilan na maguluhan ako. Akmang magtatanong pa sana ako nang biglang bumukas ang elevator at siya na mismo ang humila ng maleta ko. Naiwan kami ni Charm na nakasunod lang ng tingin sa likuran ni Jinny. Nilingon ko Charm na kaagad ding natapingin sakin. She smiled  and tap my shoulder.

"Don't mind her. Her mind is out of the world again so payo ko na lang sundin mo. Find your missing piece on that place and come back with answers to all your unanswered questions." paalala niya sakin na mas lalo kong ikinalito. 

Buong byahe kong inisip ang mga salitang binitawan sakin nina Jinny at Charm. They're acting weird again. Ganun sila kapag may mga bagay na gusto nilang ako lang makatuklas. They want me to figure out and answer my questions alone. Kaya minsan nagtatampo ako sa kanila kasi pakiramdam ko ay binibigyan lang nila ako ng clue tungkol sa mga bagay na nakalimutan ko. They can just spill it out kung gusto nilang maalala ko pero hindi eh. Napabuntong hininga na lamang ako. 

"May problema ba?" kaagad akong napalingon kay Sherson na sa ngayon ay nagmamaneho at dahan-dahang umiling. Sa rearmirror lang nagtatagpo ang mga mata namin dahil sa dito ako umupo sa backseat. Ayoko kasing umupo sa passenger seat. Hindi dahil sa maarte ako, nag-iingat lang.

"Wala." sagot ko sa kanya at muling tumingin sa labas. Napangiti ako nang bumukas ang bintana at napapikit na lamang ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na humaplos sa mukha ko.

"Then what are you thinking?" muli akong napamulat dahil sa tanong niya. Muli kong sinalubong ang mga tingin niya sa rearmirror at bumuntong hininga. This is one of the thing I really don't understand about me when I'm with him. Yung feeling na komportable na ako kapag kausap siya. Na kung minsan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong magkwento. Katulad na lamang ngayon.

Yesterday's Dream [Completed]Where stories live. Discover now