Eksena IV: It's hard to look right, at you baby..

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pa, alis lang ako"

"Anata ha dokoni iku tumori desuka? [where are you going?]" tanong ni papa

"Jan lang po.Shopping. next week uwi nako Pinas" sabi ko kay papa

"Ok.take care anak!" sabay smile si papa

Habang nagiikot ikot ako sa mall, may isang babaeng nadapa sa harap ko. Tutulunganko na sana sya kaso biglang tayo nya.

"Ok lang ako!" sabay smile nya. Anak ng tokwang gawa sa taho, si Mitch.

"Anung ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Bawal na ba magMall?May WANTED MITCH na ba dito?"

Gagu talaga 'tong babaeng 'to. Lakas mambara. Hindi ko sya pinansin.Lakad ako.

"Oi Kenzo! bakit mo ba ko iniiwasan?!" tanong nya sakin. "Nagselos ka ba sa nakita mo samin ni Marcus?"

Ui, napansin din pala nya. Anung isasagot ko? Patay malisya nalang siguro ako, "Ako? se-selos?Hindi no!"

"E bakit after ng insidente na yun, hindi mo nako pinansin?Ni hindi ka nasagot sa mga tawag ko? tapos almost 3 days mo akong hindi kinakausap.Ni hindi ka nagpaparamdam?" malambing nyang salita sakin.

Anu ba naman 'to.Aamin na ba ko? "Sira ulo ka?!Hindi ako nagseselos, marami lang akong inaasikaso"

"Ahh.ok. Anung ginagawa mo dito?" tanong nya sakin

"Ahh..eto,nagsho-shopping. Nagpapabili kasi si Keiko ng kung anu ano e. Ikaw?Anung ginagawa mo dito?"

"Magsha-shopping. Pabalik nako ng Manila bukas e." sabay hawak nya sa braso ko.

Anung trip ne'to? sweet sweetan sya sakin. PBB Teens?!

"ANO?!Pabalik ka na ng Manila? Bukas agad?!" medyo pasigaw yung banggit ko sa kanya

"UU. Kasi Tapos na Seminar ko, nagpa-extend lang ako ng 2 days para makapag ikot ikot at makapag shopping para sa mga friends ko"

Medyo nalungkot ako.Sa point na'to ang tanging nasa isip ko lang e, gusto ko syang makasama. Gusto kong maging isang good memory ang Japan para sa kanya. Kaya naman,

"Kung last day mo na ngayon, e di sulitin na natin!" sabay smile ko sa kanya

"Panong sulitin?" pagtataka nyang tinanong

"basta" sabi ko, sabay hila sa kanya.

Mga anim na oras kaming nagikot ikot, namasyal, tawanan at kung anu ano pa. Masaya ako nung kasama ko si Mitch. Hindi ko ma-explain pero iba yung pakiramdam pag nakikita ko syang ngumingiti. Habang tumatakbo ang oras, parang patagal ng patagal ko syang nakikilala. Eto yung pakiramdam na parang kayong dalawa lang ang tao sa mundo. Yung tipong ayaw mo ng matapos ang lahat. Yung pakiramdam na parang nakikipaghabulan ka sa oras.

Tumambay muna ako sa apartment ni Mitch. Tinulungan ko syang mag ayos ng mga gamit nya. Habang unti unti kong inaayos yung mga iuuwi nyang pasalubong, parang unti unti rin sinasaksak yung puso ko. Gusto ko syang pigilan pero hindi pwede e.

"Mitch?" sabay kamot ko sa ulo ko.

"Ow? Bakit Kenz?"

"Masaya ka ba?"

"oo naman! anu ka ba?" sabay lapit at akbay nya sakin, "Salamat ha?"

"ha?wa-wala yun.uhmm.. Mitch?"

"ow? Bakit?"

"ha? ah e.. wala wala.." sabay kamot ko ulit sa ulo ko. "anu kasi Mitch e.."

"Anu ba yun Kenzo? Para kang sira ulo jan." sabay tawa, "sabihin mo na yung sasabihin mo!"

"Mitch, pag uwi mo sa Pinas' wag mo kong kalimutan ha?"

"O e bakit ko naman gagawin yun? Pwede parin naman tayo magtext o magtawagan diba?" sabay smile nya sakin

"Wala, baka kasi makalimutan mo yung tour guide mo dito sa Japan e."

"Sira ulo!" sabay smile nya, "Anu ka ba naman!"

"Mitch!anu kasi e.." sabay kamot ko nanaman sa ulo ko.May kuto ata ako e.

"Anu nanaman po yun Kenzo?"

"Mami-miss kita!" sabay abot ng paper bagsa kanya

"Anu 'to?" sabay bukas nya "Ay! shet.." sabay smile at hug nya sakin. "Salamat Kenz.Favorite ko talaga si Hello Kitty e"

Ngumiti lang ako, "walang anuman. Sana nagustuhan mo"

"anu ka ba, syempre naman!" sabay smile nya ulit.

Natapos ang oras na kasama ko sya. Nakakalungot isipin na babalik na sya sa realidad ng buhay bukas. Sa sandaling nakasama ko sya, parang ang tagal tagal ko na syang kilala. Yung mga ngiti nya, yung lambot at amo ng buhok nya, pati yung lambot ng kamay nya, yun yung mga bagay na ma-miss ko.Mahal ko na ata si Mitch.Pero parang napaka impossibleng mahalin nya rin ako.

By Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon