Ngunit sa pagatatapos ng araw ay kailangang harapin uli niya ang mga gumugulo sa isip niya. Tulad ngayon, takot at pag-aalala ang sa tuwina ay nararamdaman iya tuwing uuwi sa unit ni Steven. Nanlalamig ang kamay na pinihit niya pabukas ang pinto.

She was welcomed with silence. Tinungo niya ang kusina nang makarinig ng ingay mula doon. It must be Samantha. Simula ng dumating ito roon ay ito na ang madalas na maghanda ng dinner nila. Kahit umuwi siya ng mas maaga sa dating oras ng uwi niya ay tuwina ang nakapagluto na ito. At tuwina pakiramdam niya ay nakikipagkumpetensiya siya rito. Well, she was. Nakikipagkumpetensya siya para sa atensyon ni Steven. Dahil ramdam niyang nahati na ang atensyon nito sa kanilang dalawa ni Samantha.

Samantha had been staying with them for four days now. May threat umano itong natatanggap mula sa isang kasamahan nito sa trabaho. Dahil sa inggit at pagseselos ay muntik na itong mapahamak. Binalak itong ipadukot at ipapatay, na sa huli ay palalabasing naaksidente ito. Nagawa nitong makaligtas pero hindi tumigil ang pagbabanta sa buhay nito kaya pinili nitong umuwi ng Pilipinas.

Ngunit dahil wala na itong kamag-anak na pwede nitong hingan ng tulong—dahil pawang nasa ibang bansa na nakadestino—at sa pangamba sa kanyang seguridad ay  iisang tao lamang ang naisip nitong lapitan—si Steven.

Malaking pagbabago ang naging dulot ng karanasang iyon kay Samantha. She was traumatized after what almost happened to her. Tila lagi itong takot at laging alerto sa paligid nito. Gabi-gabi ay nagigising sila sa mga pag-ungol nito na nauuwi sa pag-iyak. Mabilis naman itong pupuntahan ni Steven sa kabilang silid na inuukupa nito. Siya naman ay tahimik lang na nakamasid habang pinalulubag ang loob nito ni Steven. At tuwina ay nakakaramdam siya ng selos kaya tahimik na lang siyang babalik  sa kanilang silid.

Samantha was a nice and humble person. Madalas na sila noong magkausap tuwing naiimbitahan siya sa bahay ni Julie, at ito ni Steven. Magkaibigan na rin kung ituring nila ang isa’t isa. Hindi siya tutol sa pananatili ni Samantha kasama nila sa bahay. Bagkus ay naiintindihan niya ang sitwasyon nito. Ngunit hindi niya maiwasang mangamba sa pananatili nito. Lalo na ngayong ramdam na niya ang ilang pagbabago sa pagsasama nila ni Steven.

Hinamig niya ang sarili at inihanda ang magiliw na pagbati para kay Samantha. Hindi niya gustong dagdagan pa ang alalahanin ni Samantha dahil sa mga pangamba niya.

Ngunit nabura ang inihanda niyang ngiti para kay Samantha sa nadatnan niya sa kusina.Parang hiniwa ng patalim ang puso niya na ikinapatda niya sa kinatatayuan. She didn’t expect it this soon. Na lahat ng pangamba niya ay tuluyan ng nagkatotoo.

Steven was there with Samantha. She didn’t expect that he would be home early. But she was even dumbfounded of what she had witnessed.

They were kissing!

========================

MAIN DISH SA kanilang hapunan ang nakakabinging katahimikan. Tanging kalansing ng mga kubyertos ang ingay na maririnig. In other word, awkward. Matapos ang nasaksihan niya sino nga ba naman ang hindi mawawalan ng sasabihin. Marahil siya, dahil literal na wala siyang sinabi. She acted as if nothing happened, that she didn’t see anything.

Normal sa kahit na sino na magwala o magmumura dahil sa nakita, pero siya hindi niya magawang ipakita ang galit niya. She just keep her mouth shut and kept all the hate word she wanted to throw at them. Wala siyang karapatan, ‘yan ang isinisigaw sa kanya ng isang bahagi ng utak niya.

Sinulyapan niya ang dalawang kasalo sa awkward na hapunan—Steven at Samantha. She could read guilt in their faces that she wanted to sarcastically laugh at them. Tila kasi napaso ang mga ito nang maghiwalay matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila kanina. Ni hindi magawa ng mga itong salubungin ang tingin niya. She had just caught them kissing for crying out loud! And they should be ashamed of what they did. Or should they?

AFTER an AFFAIRDonde viven las historias. Descúbrelo ahora