Chapter 28: Tired

24K 759 253
                                    

Chapter 28

Isang buwan na ang nakalipas ng malaman namin na stage 3 na ang anak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakikita kong nasasaktan na ang anak ko. Halos manatili na kami ni Luke sa simbahan para ipagdasal ang anak namin.

Hindi ko pa din lubos na maisip na nawala na ang anak ko sa sinapupunan ko. Sobrang hirap ng dinaramdam ko ngayon lalo na't nasa ganitong sitwasyon ang anak ko.

Tungkol naman kay Alizear hanggang ngayon ay hindi niya pa din ako iniimikan. Sobrang sakit lang kasi nagagawa niya akong hindi pansinin pero kailangan kong tanggapin kasi kasalanan ko din naman.

Kaming dalawa ngayon ni Luke ang nagbabantay sa anak namin na kasalukuyan na mahimbing na natutulog. Kakatapos niya lang mag chemo theraphy at hindi ko magawang ipaliwanag sa kanya kung bakit nalalagas ang kanyang buhok.

Hindi niya magawang tingnan ang sarili niya sa salamin. Umiiyak siya kapag nakikita niya ang sarili niya sa salamin.

"Matulog ka muna para makapagpahinga ka. Ako muna ang magbabantay sa anak natin." rinig kong sabi ni Luke habang pinunasan ang luha ko na hindi ko namalayan na pumatak na pala.

"Hindi na. Okay lang ako." sagot ko habang pinilit ko na ngumiti.

"Baka magkasakit ka." nag-aalala niyang wika habang dinampi niya ang palad niya sa noo ko.

"Babantayan ko ang anak ko." matigas kong sabi ng marinig ko na napabuntong hininga siya.

"Bibili muna ako ng pagkain natin. Siguradong gutom kana." aniya kaya tumango nalang ako dahil totoo naman ang sinasabi niya.

Tumitig ako sa anak ko at hindi ko na naman napigilan ang maluha. Sobrang putla na ng balat ng anak ko maging ang labi niya. Kanina ay umiiyak na naman siya dahil tinurukan siya at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakikita ko siyang nasa ganitong sitwasyon.

Walang araw na hindi bumibisita ang kanyang mga lolo at lola. Ganundin sina Kaye habang kasama ang kambal niya samantalang si Avery naman ay nanganak na.

Sobrang saya ko para sa kanilang dalawa ni Xander. Isang beses ko lang siya binisita sa hospital. Sobrang sarap sa pakiramdam na mabuhat ko ang isa sa kambal niyang anak na sana mangyayari din sa akin pero wala ng pag-asa pa.

"Lalaban ka ha? Brave ka diba?" bulong ko sa anak ko habang marahan ko siyang hinalikan sa pisngi.

Ang anak ko na masayang nakikipaglaro ay nandito ngayon sa hospital habang nakahiga at malala ang kalagayan. Minsan din ay binibisita ang anak ko ng teacher at kaklase niya. Sobrang saya ng anak ko habang nandito sila.

Narinig kong bumukas ang pintuan at niluwa nito ay si Alizear na may dalang basket ng prutas. Iniwas niya agad ang tingin sa akin ng magtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko mapigilan na masaktan kasi kahit na pagtingin sa akin ay hindi niya magawa.

"Kamusta na siya?" panimula niya ng mailapag niya ang basket sa mesa.

"Nakatulog dahil sa sobrang pag-iyak. Hindi na nasanay ang anak ko sa pagtuturok sa kanya." sagot ko habang nakatingin lamang ako sa kanya.

Lumapit siya sa anak ko habang marahan niyang hinalikan ang noo nito ng dumako ang tingin niya sa akin na mabilis niya naman na iniwas.

"Galit kapa ba sa akin?" tanong ko sa kanya ng matigilan siya.

"Hindi ako galit dahil nasaktan ako. Magkaiba 'yon!" malamig na wika niyang sabi kaya napayuko ako.

"The baby was gone." nakayuko kong sabi ng mapansin ko na nakatayo na siya sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya ng bigla niya akong niyakap. Tuluyan ng bumuhos ang luha ko dahil yakap kona ang lalaking mahal ko. Sobrang namiss ko talaga siya dahil hindi siya kailanaman nawala sa isipan ko.

The Bridge of Us (Completed) Where stories live. Discover now