Chapter 10: Restaurant

22.3K 707 28
                                    

Chapter 10

"DADDY!" sigaw ng anak ko ng makita ang kanyang Daddy at kaagad siyang lumapit dito at niyakap.

"How are you baby?"

"Good po Daddy, I miss you po." sabi ng anak ko kasabay ng paghalik niya sa pisngi ng Daddy Alizear niya.

Sumulyap sa akin si Alizear kaya nginitian ko siya. Lumapit ako sa kanila at niyakap ko si Alizear. Almost 2 weeks na din kami dito sa Manila pero hindi pa din kami nakakapasyal ng anak ko.

Ngayon lang din nakapunta si Alizear dito kasi may kaso pa siyang tinapos. Hindi pa ako nakakahanap ng trabaho sapagkat walang mag-aalaga sa anak ko at kelangan ko din siyang ihanap ng school na maari niyang pasukan.

"Kamusta ang aking mahal?" nakangiti niyang tanong kasabay ng paghalik sa noo ko.

"Mabuti naman pero sobrang namiss kita." mas lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya at ganun din ang ginawa niya. Sobrang namiss ko talaga ang lalakeng 'to maging ang mabango niyang amoy.

"Alam mo naman na kahit nasaan kayo pupuntahan ko kayo."

"Alam ko kaya love ka namin ni baby." wika ko at kinarga ko ang anak ko na sobrang bigat na.

"Opo Daddy, love ka namin ni Mommy." sabi naman ng anak ko at lumipat siya kay Alizear upang magpabuhat.

Habang nagku-kwentuhan sila ng anak ko ay naisipan ko munang ipagluto sila ng makakain at panigurado akong gutom na din si Alizear dahil sa tagal ng byahe. Simpleng ulam na adobo lang ang niluto na paborito nilang dalawa.

"Daddy alam mo ba nangako sa akin Mommy na ipapakilala niya sa akin ang real Daddy ko." masayang wika ng anak ko kaya natigilan si Alizear.

Alam kong sobrang magugulat kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa at pinagpatuloy ang paghahanda ko ng aming tanghalian.

"Ipagpapalit mona ba ako?" rinig kong tanong ni Alizear sa anak ko at ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses niya.

"Hindi po Daddy, ikaw po ang da best para sa akin kasi po tinanggap niyo po kami sa life niyo kahit na po ayaw po sa amin ng Mommy mo pero mahal niyo pa din po kami."

"Nasa tummy kapa lang baby mahal na kita." sabi ni Alizear sa anak ko kaya hindi ko mapigilan na mapangiti at mapasulyap sa kanilang dalawa.

How I wish na sana si Alizear nalang ang ama ng anak ko.

Nang matapos ang kwentuhan nila tinawag ko na sila upang magtanghalian. Kailangan ko na din kasi na maghanap ng trabaho. Hindi ko naman gusto kung gagastusan pa kami ni Alizear.

Habang naghuhugas ako ng plato naramdaman ko ang mga bisig ni Alizear na nakayakap sa akin habang nakatalikod ako sa kanya. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Iiwanan mo naba ako?" tanong niya gamit ang mahinang boses kaya napahinto ako sa paghuhugas ng pinggan at hinarap ko siya kaya halos magkadikit na ang aming mga mukha.

"Alam mong hindi ko magagawa 'yan."

"Paano kung niyaya ka niyang pakasalan at ilayo sa akin?" nag-aalala niyang tanong kaya mahina akong napabuntong hininga.

"He won't do it! Ikaw lang ang pakakasalan ko. Ipapakilala ko lang naman sa kanya ang anak niya. That's all at walang mamagitan sa amin kundi ang anak lang namin." seryoso kong sabi at hinaplos ko ang pisngi niya para maalis na ang bumabagabag sa kanyang isipan.

"Paano kung gusto ng anak mo na maging isang pamilya kayo?"

"Ikaw ang pamilya namin."

Natahimik siya sa sinabi ko at sumilay na ang ngiti sa labi niya. Kahit na makilala ni Luke ang anak niya hindi pa din mababago ang katotohanan na si Alizear ang gusto kong makasama habang buhay at wala ng iba pa kahit pa si Luke.

The Bridge of Us (Completed) Where stories live. Discover now