Chapter 5: Mall

30.3K 903 122
                                    

Chapter 5

"Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kate habang marahan niyang hinahaplos ang likod ko.

Tumingin ako sa salamin at hinalimusan ko ang mukha ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa katawan ko. Minsan gusto ko nalang matulog maghapon at kung minsan naman kung ano ang kinakain ko 'yon ang sinusuka ko.

"OH MY GHAD!!!" biglang sigaw ni Kate kaya gulat akong tumingin sa kanya na ngayon ay nakatakip ang palad sa bibig niya habang nanlalaki ang kanyang mata.

"H-hindi kaya?" nauutal niyang tanong habang nakabilog parin ang kanyang mata.

"What?" taas kilay kong tanong dahil kahit papaano hindi parin nawawala sa akin ang dating Madison.

Si Madison Faye Murphy na kinaiingitan ng lahat, na kinatatakutan ng marami dahil sa katarayang taglang at si Madison na kung magmahal ay gagawin ang lahat pero sa huli talo parin.

Isa lang masasabi ko, sigurado ako... sigurado ako na si Alizear na talaga ang lalaki para sa buhay ko. Dahil siya, tanggap kung ano ako.

Tanggap ang anak ko kahit na sobrang pinagseselosan niya si Luke dahil palasi siyang tamang hinala na na baka balang araw magising na lang siya isang araw na nasa piling na ako Luke.

Gustong kong matawa dahil sa sinasabi niya. Ako? Hahayaan kong makapasok sa buhay namin ng anak ko si Luke? Parang kinulong ko ang sarili ko sa kulungan ng mga leon kapag ginawa ko ang bagag 'yon. Imposible..

"B-untis kaba?" nanlalaki parin ang mata niyang tanong habang nakaturo sa tiyan ko.

Nanlaki din ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hinaplos ko ang tiyan ko dahil posible ngang baka buntis ako. Isang buwan na ang nakalipas simula ng may mangyari sa amin ng Alizear.

Hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin ni Alizear. Lahat kaya kong ibigay para sa kanya dahil sobrang mahal na mahal ko siya.

"Siguro?" walang kasiguraduhan kong tanong at nagsimula ng maglakad palabas ng cr.

"Mommy" tawag sa akin ng anak ko habang ang hawak niya 'yong manikang bigay sa kanya ng Daddy Alizear niya.

"Yes baby?" tanong ko at lumuhod ako para mahalikan ko ang pinakamagandang biyaya sa akin ng panginoon na walang iba kundi ang anak ko.

"Gusto ko po ng kalaro." nakanguso niyang sabi kaya napangiti ako.

"Bakit? Hindi paba ako sapat?" madrama namang tanong ni Kate sa anak ko.

"Sapat na po, pero iba parin po kung bata po ang kalaro ko." nakangusong sabi ng anak ko kay Kate.

"Isip bata naman ako ah!" sabi naman ni Kate kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't worry baby, ipapasyal kita ngayong araw." nakangiti kong sabi kaya nagtatalon siya sa tuwa.

Hindi ko maipaliwag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong masaya ang anak ko. Masaktan na ako huwag lang ang anak ko. Handang kong isakprisyo ang buhay ko maalagan ko lang siya at mabigyan ng buong pamilya.

Tulad nga ng sinabi ko nandito kami ngayon sa isang mall. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Hindi niya binibitawan sa isang kamay niya ang manikang bigay sa kanya ng Daddy Alizear niya.

Nasa trabaho ngayon si Alizear at sobrang miss na miss ko na siya. Gusto kong maamoy ang pabango niya at gusto kong kagatin ang ilong niya dahil kahit wala pang kasiguraduhang buntis ako alam ko sa sarili ko na may nabubuhay na sa tiyan ko.

"Mommy, I want ice cream." nagtatalong sabi niya habang tinuturo kung saan may ice cream.

"Bibili tayo baby" nakangiti kong wika at inayos ko ang ilang hibla ng buhok niya na napupunta na sa mukha niya.

The Bridge of Us (Completed) Where stories live. Discover now