Chapter 18: Secret

22.2K 711 123
                                    

Chapter 18

Akala ko magiging masaya na ang araw ko dahil nakita kong tiklop si Vivian kay Tita Alexandra pero nagkakamali ako kasi sumunod si Luke sa kanya. Hindi na din naman nakakapagtaka pero hindi ko pa din maiwasan na magulat kapag nakikita ko si Luke.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin kami pinapaalis ni Tita Alexandra lalo na si Avery. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtitingin ng litrato namin ng anak ko.

Wala naman akong magawa kundi samahan si Avery. Hanggang ngayon ay tinatapos pa din ni Tita Alexandra ang pags-sketch niya habang tahimik lang kaming lahat. Hindi ko pinapansin ang pasimpleng pagsulyap sa akin ni Luke.

Magkausap sila kanina ni Avery at hindi naman nagtagal 'yon dahil parang leon ang itsura ni Vivian na balak sugudin si Avery. Subukan lang naman saktan ng babaeng 'yon ang kaibigan ko talagang mas malala pa kay Tita Alexandra ang kamalditahan na ipapakita ko sa kanya.

"Ano ang pangalan ng fiance mo?" biglang tanong ni Tita Alexandra habang mahinahon ang boses niya na hindi katulad kanina na bahid ng may pagkamaldita.

"Alizear Olivarez po." nakangiti kong sagot ng mapansin kong umirap sa akin si Vivian kasabay ng pagyapos nito sa braso ni Luke.

Alizear naman, bakit sa babaeng impakta kapa nagkagusto. Sobrang naiinis ako sa babaeng 'yon.

"Parang narinig ko na ang pangalang 'yon." muling sabi ni Tita Alexandra habang kumunot ang noo niya.

"Siya ang ama ng anak mo?" diretsong tanong ni Tita Alexandra kaya natigilan ako. Napansin ko din na tumingin sa akin si Luke habang seryoso ang kanyang mukha na mabilis ko naman iniwas.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi sa itsura ni Tita Alexandra parang hindi mo gugustuhin na magsinungaling kasi parang alam niya na nagsisinungaling ang isang tao o hindi.

Sobrang hilig tumitig ni Tita Alexandra kasabay pa ng pagtaas ng isang kilay nito na para bang jina-judge ka sa isipan nito pero sabi naman sa akin ni Avery na sadyang gano'n lang daw ang Mommy ni Xander simula pa noon.

Mas malala daw ang pagiging maldita ni Tita Alexandra noon kasya ngayon kasi noon daw kahit sino mina-malditahan niya.

"Mommy, nasa labas na po si Xander." biglang sabi ni Avery kaya nakahinga ako ng maluwag at pasimpleng nag pasalamat sa kanya kasi alam niya hindi na ako komportable sa tanong ni Tita Alexandra.

"Kasama niya ba ang apo ko? Namimiss ko na ang apo ko." nakangiting tanong sa kanya ni Tita Alexandra.

Tama nga sila kahit na gaaano pa ka-maldita ang isang tao nagbabago 'yon kapag mahal na nila ang pinag-uusapan.

"GRANDMA!!" biglang sigaw ng isang bata habang papalapit sa pwesto ni Tita Alexandra habang kasunod nito si Xander na halatang galing pa sa trabaho dahil sa suot nito.

Walang kupas talaga ang kagwapuhang taglay ng lalaking 'to. Mas lalo siya guma-gwapo kasi nagma-mature at idagdag pa na may anak na siya. Sobrang swerte talaga sa kanya ni Avery.

Samantalang si Xavery naman ay nakasuot pa ng uniform na halatang kagagaling lamang ng school.

Kaagad na lumapit si Xander sa asawa niya at dinampian ito ng halik sa labi. Napansin ko naman na namula ang mukha ni Avery dahil hindi siguro siya sanay kapag maraming tao siya hinahalikan ni Xander.

"Kamusta naman ang gwapo kong anak?" tanong ni Tita Alexandra kay Xander habang kalong nito ang kanyang apo at kinawayan ako ni Xavery ng makita ako kaya nginitin ko siya kasi sobrang bait talagang bata ni Xavery na nagmana sa Mommy niya.

The Bridge of Us (Completed) Where stories live. Discover now