Chapter 22: Bad

21.5K 688 48
                                    

Chapter 22

Iminulat ko ang mata ko ng maramdaman ko na gumalaw ang anak ko. Napailing nalang ako ng mapansin ko na halos sakupin na niya ang malaking kama ni Luke.

Napansin ko din na wala na si Luke kaya bumangon na ako para ayusin ang gamit namin para mabilis na agad kami makaalis. Ayoko na mag-isip pa ng iba si Alizear dahil alam kong nasasaktan siya lalo na kapag nagtagal kami dito.

Nang maayos kona ang gamit namin ng anak ko at ng nakapaghilamos na din ako ag naisipan kong lumabas ng kwarto ni Luke. Bumaba ako sa hagdan at hindi nga ako nagkamali kasi nandun si Luke habang nakatanaw lamang sa malawak niyang pool. May hawak din siyang isang baso na siguradong umiinom siya ng kape.

Nang makarinig siya ng yabag ay tumingin siya sa akin pagkatapos ay mabilis na iniwas ang tingin sa akin. Kahit na ayoko siyang makasama ay pinuntahan ko siya.

"Kamusta ang tulog mo?" tanong nito habang nanatili ang tingin sa pool habang ako naman ay umupo sa gilid ng pool at inilub-lob ko ang paa ko.

Tulad ng ginawa ko ay umupo din siya sa gilid ng pool habang nasa tubig din ang paanan niya. Medyo lumayo ako sa kanya dahil pansin ko na sobrang lapit niya sa akin.

"Sobrang antok ako kagabi kaya malamang naging  maayos ang tulog ko." simpleng sagot ko ng mapansin ko na tumaas ang sulok ng labi niya gamit ang reflection niya sa tubig kaya kumunot ang noo ko.

"Bagong gising ka palang masungit kana." naiiling nitong sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ako masungit kasi natural lang na ganito ako magsalita." sabi ko sa kanya habang tinaasan ko siya ng isang  kilay.

"Okay!" simpleng sagot nito at muling humigop ng kape.

"Salamat." nahihiya kong sabi sa kanya ng mapansin ko na natigilan siya.

"Para saan?" kunot noo nitong tanong kaya tumingin ako sa kanya ng magtama ang tingin naming dalawa.

Hanggang ngayon nasa utak ko pa din ang sinabi niya kagabi pero heto ako ngayon nagpapanggap na parang wala akong narinig kagabi. Malay koba na pinaglalaruan niya lamang ako lalo na't ikakasal na siya.

"Kasi sobrang napasaya mo ang anak ko," sabi ko sa kanya ng sumilay ang ngiti sa labi niya.

Akala ko hindi siya susulpot sa birthday ng anak ko. Pinadalhan ko lamang siya ng invitation gamit ang secretary ko. Hindi niya nga akalain na iimbitahin ko ang isang sikat na artista. Sinabi ko lang sa kanya na kaibigan ko noon si Luke kaya iniimbita ko siya.

Wala akong alam na may pakulo palang gagawin si Luke. Hindi ko din nga alam na kinausap niya pala ang iba kong empleyado para sa gagawin niya sa birthday ng anak ko.

"Hindi ako madamot na bigyan ng kasiyahan ang anak ko." makahulugan nitong sabi kaya natigilan ako.

Tama nga naman siya. Dapat ang anak ko ang inisip ko at ang kasiyahan niya. Pero ginagawa ko naman ang tama ngayon diba? Gagawin ko naman ng lahat maging masaya lamang ang anak ko.

Kahit hindi na ako maging masaya basta maging masaya lamang siya sa piling ng kanyang ama. Hahayaan ko siya na makasama niya si Luke pero huwag niya lang balakin na kuhanin sa akin ang anak ko. Hindi talaga ako makakapayag na gawin niya 'yon.

"Paano mo nalaman ang bagay na 'yon? Nagpa DNA test ka?" tanong ko sa kanya ng biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

"Hindi," simpleng sagot niya kaya kumunot ang noo ko. Kung hindi siya nagpa DNA paano niya nalaman na anak niya ang anak ko?

"Unang tagpo pa lamang namin ng anak ko malakas na ang kutob ko na anak ko talaga siya," muling sabi nito kaya tumahimik ako kasi totoo nga ang sinasabi nila na lukso ng dugo.

The Bridge of Us (Completed) Where stories live. Discover now