Chapter 27: Gone

24.4K 642 63
                                    

Chapter 27

Patuloy lamang sa pagtulo ang luha ko habang mahinang hinahaplos ni Luke ang balikat ko. Tulad niya ay may luha ding pumapatak sa mata niya.

Gusto kong kausapin ang panginoon kung bakit niya ginagawa sa buhay ko ang mga bagay na'to. Nagbago naman ako diba pero bakit palagi nalang niya ako pinaparusahan.

"I'm sorry but the baby was gone." mga katagang sinabi ng Doctor pagmulat palang ng aking mata.

"Masyadong mahina ang kapit ng bata at masyado niyo din na ini-stress ang sarili niyo kaya hindi na nakayanan pa ng bata na kumapit pa." dugtong nito habang natulala lamang kaming dalawa ni Luke.

Ang baby ko na hindi kona mahahawakan pa. Ang baby ko na hindi masisilayan ang magandang mundo. Ang baby ko na wala na sa buhay ko. Sobrang sakit.

"Magpahinga kana, Madison. Makakasama sayo ang sobrang pag-iyak. Hindi pa maayos ang kalagayan mo." rinig kong sabi ni Avery habang bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Ayoko! Pupuntahan ko ang anak ko." matigas kong sabi habang akmang aalisin na ang nakaturok sa akin ng yakapin ako ni Luke.

"I'm sorry, kasalanan ko kung bakit nawala ang anak natin. Kung sana binantayan kita hindi siya mawawala sa atin. Kasalanan ko'to! Kasalanan ko.." paulit-ulit na sabi ni Luke habang umiiyak siya sa balikat ko kaya mas lalo akong naiyak.

"Kasalanan ko." bulong ko at hindi kona namalayan na gumanti na pala ako ng yakap sa kanya.

Wala siyang kasalanan. Kasalanan ko kung bakit nawala ang anak namin. Kung sana inalagaan ko ng mabuti ang sarili edi sana nabubuhay pa siya sa sinapupunan ko.

"Si Alizear ang nagbabantay sa anak niyo." rinig kong sabi ni Kaye habang ang lungkot ng mata niya na nakatingin sa akin.

"Hindi namin sinabi sa anak mo na nandito ka ngayon dahil siguradong makakasama sa kalagayan niya kapag nalaman ang nangyari sayo." dugtong niya habang naglalakad siya palapit sa akin at tinapik niya ng mahina ang balikat ni Luke na kasalukuyan ng nakatulala.

Samatalang naisip ko naman ang anak ko. Hindi na siya magkakaroon ng kapatid na hinihiling niya. Kasalanan ko kung bakit hindi ko maibigay ang kasiyahan na gusto ng anak ko.

"Kahit na gago ka wala kang kasalanan." seryosong sabi ni Kaye kay Luke na kaibigan niya.

"Kung sana bin--" hindi na niya tinuloy dahil tinakpan ni Kaye ang labi ni Luke para pigilan na magsalita.

"Tanga kaba? Sino bang magulang ang gugustuhin na mawala ang kanilang anak. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Hindi din kasalanan ni Madison." aniya habang hinahaplos ang balikat ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Ang sakit pa din kasi na kahit hindi ko pa naman nakikita ang anak ko mahal ko na siya. Hindi ko manlang siya nahalikan sa pisngi at nabuhat.

"Kaya huwag niyo ipakita sa anak niyo na ganyan ang itsura niyo. Kahit masakit na magpanggap na masaya dapat gawin niyo kasi baka kung ano pa ang isipin ng panganay niyo." dugtong niya kasabay ng pagyakap niya sa akin.

"Nandito lang kami na kaibigan mo." bulong niya kaya niyakap ko din siya pabalik.

Lumapit na din sa amin si Avery habang hinahaplos ang balikat ni Luke at lumapit din siya sa akin para yakapin ako.

"Pwede mo din maging anak ang kambal ko." bulong niya kaya natawa ako habang may tumutulong luha sa mata ko.

"Akin nalang ang isa." biro ko sa kanya ng sinimangutan niya ako.

"Joke lang." dugtong ko kaya sumilay na ang ngiti sa labi niya.

Nagpaalam na sa amin si Avery dahil kailangan na niya magpahinga lalo na't malapit na siyang manganak. Samantalang naiwan naman dito si Kaye at Luke na ngayon ay seryoso silang nag-uusap.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon