Chapter 19: Princess Belle

22.8K 685 68
                                    

Chapter 19

Hindi tumigil ang pagtulo ng luha ko kahit na nasakay na ako sa loob ng taxi. Wala akong pakealam kung kanina pa ako tinitingnan ng driver dahil sa bawat andar ng sasakayan ay mas lumalakas ang pag-iyak ko.

Ano na ang mangayayari sa akin? Paano kung kuhanin niya ang anak ko bilang ganti sa akin kasi tinago ko ang tungkol sa anak niya na may karapatan naman talaga siya na malaman ang katotohanan.

Naging madamot ako sa ama ng anak ko. Sobrang nakapakasarili ko kasi hindi ko matupad ang pangako ko sa anak ko.

"Okay ka lang ba, Hija?" biglang tanong sa akin ng Driver habang pasulyap-sulyap siya sa akin gamit ang salamin sa unahan.

"O-okay lang po." tipid kong sagot kasabay ng pagpunas ng luha ko.

"Kung ano man ang dinaramdam mo ngayon siguradong lilipas din 'yan." sabi ni Manong habang muli siyang tumingin sa akin

"Sana nga po, Manong." sabi ko sa kanya sabay ng pagbuntong hininga ko.

"Ano ba ang problema mo, Hija?" tanong ni Manong kaya binaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana.

"Tinago ko po sa ama ng anak ko ang katotohanan na may anak na siya sa loob ng 6 na taon." wika ko kay Manong ng mapansin ko na bumilog ang kanyang mata.

"Hindi ko po alam kung bakit sobrang napakasarili ko kasi ilang beses na nagmakaawa ang anak ko na ipakilala ko ang totoo niyang ama pero wala naman akong ginagawa. Minsan nga po gusto kong sabihin sa anak ko na patay na ang ama niya." muli kong sabi ng mapansin ko na umiling siya.

"Huwag mong gawing patay ang buhay, Hija. Napaka-laking kasalanan 'yan sa ating Diyos." pangaral ni Manong kaya natahimik ako.

"Nalaman na ng ama ng anak mo ang katotohanan?" tanong niya kaya tumango ako.

"Alam mo ang sakit nun sa pakiramdamam lalo na sa kalagayan ng ama ng anak mo. Kung ako man din ang nasa kalagayan nung lalaki malamang magagalit ako at masasaktan kasi kung sana sa una palang sinabi na ang katotohanan malamang naiparamdam kona ang pagmamahal ko sa aking anak." sabi ni Manong habang nakatuon lamang siya sa pagmamaneho samantalang ako ay nanatiling tahimik sa kinauupuan ko.

"Ano ba ang dahilan kung bakit hindi mo sinabi agad na may anak kayo? Nobyo mo ba siya?" tanong niya sa akin ng muli siyang tumingin gamit ang salamin sa unahan.

"Hindi ko po siya nobyo at wala po kaming relasyon." sagot ko sa tanong ni Manong ng makita ko na naman ang gulat sa mata niya.

"16 years old palang po ako ng mabuntis ako. Wala pa ako sa katinuan mag-isip noon dahil sarili ko lang iniisip ko at ang anak ko. Pinalayas po ako ng magulang ko dahil hindi sila makapaniwala sa kinahinatnan ko. Maging ako din po hindi ako makapaniwala na mabubuntis ako. Samantalang ang ama naman ng anak ko ay may pangarap na maging artista. Kapag nalaman niya na meron siyang anak magiging sagabal lang kami." wika ko kay Manong habang inaalala ko noong sinabi ko kay Mommy ang katotohanan na buntis ako.

Sobrang nagalit at dissapointed sila sa kinahinatnan ko. Hindi ko naman sila masisisi kasi sobrang bata ko pa noon tapos nabuntis agad ako.

"Naging artista ba ang lalaking 'yon?" tanong ni Manong kaya tumango ako.

Kahit naman hindi kami close ni Luke noon alam ko ang pangarap niya. Kasi minsan na din kami nagkasama noon ni Luke sa isang Mall.

Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Siguro dahil nasasaktan din siya na tulad ko dahil nagmahal kami sa taong may mahal na iba.

"Ang galing naman kasi natupad niya ang pangarap niya. Pero sana tinupad mo din ang pangarap ng anak mo." sabi ni Manong kaya do'n na ako natigilan kasi tama ang sinabi ni Manong.

The Bridge of Us (Completed) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant