Chapter 8: Condo

25.1K 730 77
                                    

Chapter 8

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ko. Malakas kong itinulak si Luke na sanhi ng pagkatumba niya sa sahig. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng maalala ko kung ano ang sinabi ko.

"You're the father of my daughter."

Nasampal ko ang sarili ko at mariin kong pinikit ang aking mata. Bumalik sa ala-ala ko ang sinabi ko kay Luke.
Ano ba ang nangyayari sa akin at nagkakaganito at bakit hinayaan ko lang na halikan niya ako.

"Madison." banggit niya sa pangalan ko habang hawak ang kanyang balakang dahil sa pagkakatumba niya sa sahig.

"N-narinig mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya habang nagdadasal na sana wala siyang narinig kasi hindi pa talaga ako handa na sabihin sa kanya.

"What?" tanong niya habang kunot noo na nakatingin sa akin samantalang kagat ko ang ibaba kong labi dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Tinatanong kita na kung narinig mo ba ang sinabi ko?" muli kong tanong habang inaayos ko ang sarili ko dahil sa nangyari kanina.

Nakatingin lang ako sa kanya na wari'y nagtataka kung ano ang sinabi ko. Hindi ko maiwasang mapadako ang tingin ko sa labi niya. Bago pa man siya umimik ay lumapat na ang palad ko sa pisngi niya.

"D*mn it Madison! Why did you slap me?" gulat niyang tanong habang hawak ang pisngi niya. Feeling ko nawala ang pagkalasing niya dahil sa lakas ng sampal ko. Deserve niya yan at hindi pa sapat 'yon.

"Luke." nakangiti kong banggit sa pangalan niya at muli ko siyang sinampal sa kabila naman niyang pisngi.

"Oh fuck!" aniya sabay hawak naman sa kabila niyang pisngi habang mahinang nagmumura.

"Why did you do that?" tanong niya na may halong inis habang hawak pa din ang magkabila niyang pisngi.

"You deserve it!" gigil kong sabi at hindi pa ako nakuntento sapagkat inabot ko din ang buhok niya at sinabunutan.

"D*mn it stop, oh sh*t not my hair."

Patuloy parin ako sa pagsabunot sa kanya dahil sa nararamdaman kong inis. Inis dahil sa paghalik niya sa akin, inis dahil iba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya at galit dahil feeling ko nagtataksil na ako sa boyfriend ko ng dahil sa lalaking 'to.

"What's your problem?" inis niyang tanong habang inaayos ang buhok niya.

"Dahil mo.." napahinto ako sa pagsasalita ng biglang tumulo ang luha ko na ikinagulat niya.

"Madison." banggit niya sa pangalan ko at akmang pupunasan ang luha ko kaya mabilis akong lumayo sa kanya.

"...nagtataksil ako sa boyfriend ko." dugtong ko at hindi ko na napigilan na mapaupo sa sahig habang nakatakip ang kamay ko sa mukha ko.

Sobrang nagagalit ako sa sarili ko. May boyfriend akong tao tapos eto ako hinahayaan na halikan ng lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Luke. Siguro dahil ama siya ng anak ko.

"Hindi ako malandi Luke,hindi ako malandi." paulit-ulit kong sabi habang patuloy pa din sa pagtulo ang luha ko.

"Mahal ko ang boyfriend ko." muli kong sabi ng maramdaman ko na hinahaplos niya ang buhok ko.

Tumunghay ako at sumalubong sa akin ang mukha niya. Patuloy parin niyang hinahaplos ang buhok ko at gusto kong mainis kasi bumibilis ang tibok ng puso ko. No Madison! Please No!

"I know." aniya at nilagay ang kaunti kong buhok sa likod ng tenga ko.

"I'm sorry kung hinalikan kita at hindi ko din alam kung bakit kita nahalikan." aniya at umupo sa harapan ko.

The Bridge of Us (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora